Prologue

3 0 0
                                    

"Sorry" isang salita ,isang salitang nakapagpatigil ng mundo ko, salitang nakawasak sa puso ko...

Sobrang sakit ...

Na sa sobrang sakit parang di ko na yata kakayanin...

" Nagbibiro kalang diba?" Ngumiti ako na para bang di makapaniwala, nagbabakasakaling magbabago pa yung desisyon niya..

Ngunit nawala ang lahat ng yon ng tumingin siya ng diretso sa mga mata ko, isang blankong ekspresyon lamang ang tanging sagot...

" Im sorry... I can't" isang malamig na tinig kapalit ng pagpigil ng unti unting pagdausdos ng mga taksil kong luha... Umiling ako di parin ako naniniwala umiling ako bagamat isang ngiti ang pinakita ko na naniniwalang magbabago yung sinabi niya.

" may problema ba tayo? Sabihin mo lang " pilit kong pinatatag ang boses ko ,hinawakan ko yung kamay niya ngunit tinabig niya lamang yon na para bang isa akong musmos na nanghihingi ng konting limos na di manlang pinagbigyan..

Imbis na sumagot ay ang dahan dahan niyang pag-iling na para bang pinapahiwatig na ayaw niya na..

Doon nagsimula ang unti unting pagbagsak ng mga luhang kanina pa nagpipigil ...di ko mapigilang mapahikbi dahil sa mga nangyayari bakit ngayon pa?.. Bakit kung kailan eto yung araw na pinakaaantay ko ay ito ring pagkasira ng puso ko..

Akala ko ayos na ..okay na lahat? Pero bakit ganun ..sobrang bigat ng pakiramdam ko ..napaluhod ako sa mga nangyayari di ko kaya toh...ayokong makita niyang umiiyak ako kaya tinakpan ko yung mukha ko sa sobrang di ko na alam yung gagawin ko .

Kaya ko pa kaya?...nakita ko siyang tumalikod di ko na alam kung anung ginagawa ko pero desperada na ko kaya hinabol ko siya at muli ay hinawakan ko siya sa kamay ..lumuhod ako wala na kong pakialam kahit na humahagulgol nako.. Kahit na di na ko makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko..

" please...wag mo kong iwan.." Napayuko nako sa sobrang hagulgol ko pinakiramdaman ko siya pero nanatili lang siyang nakatayo na tiningnan niya lang ako ng isang malamig at blankong ekspresyon.

Umiling ako" maaayos pa natin to diba? kung ayaw mong ngayon ..pwede namang sa ibang araw nalang wag kang magalala ako nang b- bahala ..p-please wag mo lang ako iwan" pagmamakaawa ko

" im sorry ,im not ready for this."
Napatingin ako sa kanya wala man lang ba siyang pakiramdam o pakialam ? Di niya ba alam na sobra akong nasasaktan?

" pwede naman nating gawin to sa ibang araw ako nalang kakausap sa kanila" sagot ko

"Let' s stop this " sagot niya na ngayoy nakatingin na sa mga mata ko

Umiling ako " may nagawa ba ko? May ayaw ka-"

" bullshit!" Nagulat ako ng bigla siyang magmura,tumingin siya sa mata ko

" this is not working , do you understand?! " sigaw niya di ko na kaya ,kaya napasigaw na din ako

" Hindi!!dahil kahit kailan di ko maiintindihan yan ! Bakit di mo sakin sabihin kung anong dahilan mo kung bakit ayaw mo!" Tiningnan niya lang ako na para bang naiinis

" please sabihin mo naman kung bakit?" Pagmamakaawa ko pawisan na ko malagkit nadin ang katawan ko dahil sa gown na suot ko at make up na akala mo sasabak ako sa halloween ...wala na.. nasira na lahat.. Nanghina na ang mga tuhod ko dahilan para bumagsak ako sa malamig na sahig habang inaalala lahat ng sinabi niya..tumalikod lamang siya at sinabing...

" I can't marry you, im sorry I hope you understand.." Matapos niyang sabihin yon nagsimula na siyang umalis tiningnan ko lang siya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko..

Tanging hagulgol lamang ang ginawa ko di na ko makahinga sa mga nangyayari sobrang bigat ng nararamdaman ko sobrang sakit kasi parang dinudurog yung puso ko sa sobrang sakit bakit ngayon pa? Ngayon pa na okay na lahat ? Tapos ano? Iiwan lang ako matapos paasahin? Saan? Para lang sa wala..

At lahat ng ito ay nangyari pa sa araw na pinakamahalaga sakin .

Ang kasal ko..

Walang kwentang kasal ...

Dahil sa pangiiwan niya sakin sa ere..

Pinaasa..

Pinaniwala..

At sa huli iiwanan kang luhaan..

Stupid LOVE..

It had to be youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon