Chapter 4: Imperfect

5 1 0
                                    

Chapter 4

Imperfect

Lunch time!!!

Riiiiiingggggggggg! Riiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnggg!

Tunog yung bell! Lunch time na! oh yeah! Ang saya, kakain na naman! Inayos ko na yung gamit ko.

"Best, una na kami sa tambayan!" - Florence

"Sige best! Pabili na lang ng lunch. Salamat!" - ako

"Okie dokie" - Florence

Nagsitakbuhan at nagsialisan na ang mga estudyante! Grabe, gutom na talaga yun! Ni di pa nakakalabas yung teacher ehh, inunahan pa! Whoah! Grabe, kay babait na bata! Haha.

Makalabas na nga lang ng classroom kasi nag-aalburoto na rin yung mga nilalang sa tiyan ko!

Down the stairs...

Holding hands! Naghaharutan?

O_____________________O

The heck! Pwede bang lamunin na ng lupa yang puteek na dalawang yan! Asaaarr! Ang sakit men! Parang tinuturukan ng kutsilyo yung puso ko! Ilang beses na nabaril, inaapak-apakan at ang masaklap durog na durog! Napatigil ako sa paglalakad sa hagdan at napatitig sa kanila... sa kanila ni Tenchi at Faith na magkaholding hands. Sinusubuan din ni Faith si Tenchi ng pagkain. In short, nagsusubuan! Tsssk!

Napatingin sila sa direksyon ko. Naalala ko ang mga matang yun! Mga mata ni Tenchi Sidree. Naiinis at galit na galit... nagsusumamo at gulung-gulo! Naala ko yun nun, nung lumapit siya sa akin 3 months after our break up. Hindi niya ako pinansin within that 3 months then he was there talking to me as if it was just yesterday!

*Flashback*

"Please, Rimourine! Come back to me! Hindi na ako magsisinungaling and I will do my best para maipakita sa'yo kung gaano kita kamahal! I will never deny you to anyone! I will let everybody know about us! Just let me enter your life again." - Tenchi

Nagsusumamo siyang bumalik ako sa kanya pero buo na ang desisyon ko! Hindi na ako makikipagbalikan sa kanya ngayon. Pero ba't ganun? Iba ang tinitibok ng puso ko.

Pero hindi rin pwede! I promised to myself that I will study first before that crazy little thing called 'LOVE'! and Rimourine! Remember what his parents told you! Lahat ng binanta nila sa'yo! (sigh).

"Hindi na pwede Tenchi. I'm so-sorry! Madami pang babae diyan ang mas deserving kaysa sa akin. I want to focus my studies and dapat ikaw din! Bata pa tayo. Makakapaghintay yan!" - ako

While I was saying those words to him, paulit-ulit na tinutusok yung puso ko, ilang ulit na nasasaktan! Hindi ko na kaya! Masakit ang mga salitang namutawi sa labi ko. Oh, tears! Wag ngayon please!

"Pero pwede namang ibalanse. Ikaw lang Rimourine ang gusto ko and you will always be the one that I love!" - Tenchi

Mahal? Sure siya? Eh, bakit noon ni di man lang niya ako ipagmalaki sa mga kaibigan niya? Ni di man lang niya nasabi sa mga kaibigan niya na ako ang gf niya! Hindi naman ako magagalit ehh. Ikinakahiya ba niya ako? Mahal ba niya talaga ako?

"I'm sorry. Kung tayo talaga para sa isa't isa, magiging tayo rin sa huli." - ako

"Pero, please! Give me another chance!" - Tenchi

"There will be another chance, but it's not now. I'm sorry" - ako

"Okay, I understand! Pero, tandaan mo to. Ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko! Pero just let me show how you meant for me. Hayaan mo akong hintayin kita kung kailan ka ulit ready." - Tenchi

Broken Promise (PaBeMaBe31)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon