Mula yata high school days may gusto na siya kay Jake kaya ng mag-college sila laking tuwa niya ng mapansin siya nito. Akala niya hanggang tingin na lang siya dito mula sa malayo.
Sikat ito sa campus nila kaya naman hindi niya na inaasahan na matatapunan pa siya ng binata ng kahit katiting na sulyap nito. Sa dami ng babaeng lumalapit dito at sa ganda ng mga nakikita niyang nakaka-date nito, mas lalo siyang nawalan ng pag-asa na darating ang araw na mabibigyan siya nito ng pansin.
Naipagpasalamat niya ang minsang nabangga siya nito. Hindi ito nakatingin sa dinadaanan dahil nakatingin ito sa mga kaibigan nito habang nag-uusap at naglalakad sa hallway. Umiwas na nga siya pero nahagip pa rin siya ng katawan nito kaya natumba siya.
Halos gusto niya ng lumubog sa pagkapahiya. Ni hindi niya magawang iangat ang kanyang ulo dahil natatakot siyang makasalubong ang mga matang mapanghusga ng iba. Kung hindi pa siguro siya tinulungan ni Jake na makatayo hindi pa rin siya tatayo.
Ang corny mang pakinggan pero ng makita niya ang mukha ng binata parang tumgil ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya lahat yata ng nasa paligid nila ay tumigil at tanging silang dalawa lang naroroon. Halos himatayin na rin siya sa kilig ng ngitian siya nito.
Napabalik siya sa kasalukuyan ng tapikin siya sa balikat ng kaklase niyang si Samantha. Namula rin siya sa pagkapahiya. Naglakbay kasi pabalik sa nakaraan amg utak niya at nakalimutang kasama niya nga pala si Sam.
"Uy girl, kanina pa ako dada ng dada dito pero ikaw mukha kang namatanda diyan. May problema ka ba?"
"Naku, wala! Sorry."
"Teka, may sakit ka ba? Bakit numula yang mga pisngi mo?"
"Ha? Ah, wala ito. H'wag mo akong pansinin. Naiinitan lang kasi ako."
"Sigurado ka, walang kang sakit? O kaya lagnat?"
"Oo naman. Okay lang ako. Mainit lang talaga."
"Sabagay. Mainit nga ngayon."
"Oo nga."
"Teka, hindi ka pa ba uuwi?"
"Mamaya, uuwi na rin ako."
"Hay! Oo nga pala, hihintayin mo pa ang boyfriend mo. Kung ganun mauuna na ako sa'yo."
Tumayo na si Sam at sinamsam ang mga gamit saka umalis. Naiwan siyang mag-isa. Panay ang tingin niya sa relong pambisig niya para tingnan kung ano oras na.
Bakit kaya wala pa siya? Dapat nandito na siya kanina pa.
Nag-vibrate ang cellphone niya sa kanyang bag kay dali-dali niya iyong kinuha at binasa ang message. Akala niya haling kay Jake, kay Sam lang pala. Kabit may nadismaya siya binasa niya pa rin ang text ni Sam.
From Samantha:
"Girl, ang mabuti pa umuwi ka na rin. Kasi yung magaling mong nobyo nakikipaglandian ngayon dito sa may building K."Napalunok na lang siya matapos basahin ang text ni Sam. Hindi naman lingid sa kanyan na ayaw ni Sam kay Jake. Hindi nito iyon itinago sakanya ang pagkadisgusto nito kay Jake para sa kanya. Pero maniniwala ba siya? Paano kung hindi totoo at gawa-gawa lang oyon ni Sam dahil nga ayaw niya kay Jake?
Lumabas na rin siya ng library at agad na tinawagan si Jake. Hindi ito sumasagot. Tatlong beses niya itong sinubukang kontakin pero hindi nito sinasagot. Sinubukan niya ulit sa pang-apat na beses saka lang nito sinagot ang tawag niya.
"Hello babe?"
"Asan ka na? Kanina pa ako dito naghihintay sa'yo."
"Sorry babe, may tinatapos pa kasi kaming meeting."
"Hanggang anong oras kayo diyan?"
"Hindi ko rin alam babe. Ang mabuti pa mauna ka ng umuwi."
"Ganun ba? Okay."
"Sorry babe hindi kita ngayon maihahatid. Promise, babawi ako bukas."
"Okay lang."
"Take care okay?"
"I will. I love you."
"Love you too."
Magsasalita pa sana siya pero pinatayan na siya nito. Hindi alam ni Astrid kung bakit damuan pa siya ng gym gayong mapapalayo lang siya lalo sa main gate. May mangilan-ngilan na lang ang mga taong naroon pero may isang particular na pares ang nakakakuha ng kanyang pansin.
Halos lumaki na ang kanyang ulo ng makita niya kung paano lumingkis ang babae kay Jake. Halos wala ng matakpan sa suot nito. Nag-init rin ang gilid ng kanyang mga mata.
Akala ko ba may meeting sila? Ito ba yung meeting na sinasabi niya? Meeting a slut?Halata naman sa kilos nila na hindi lang sila basta nag-uusap na dalawa. Tanga na lang siya kung iisipin niyang walang ginagawang kababalaghan ang dalawa. Eh halos isubsob na ng babae ang malaking dibdib nito sa braso ni Jake.
Kanina pa inuutusan ni Astrid ang sarili niyang umalis para hindi niya na masaksihan ang kataksilan ng kanyang kasintahan pero hindi niya magawang maihakbang ang kanyang mga paa paalis.
Muntik na siyang mapahiyaw ng makitang maghalikan ang dalawa na parang sila lang ang tao sa gym. Sa mismong harapan pa niya. Namalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata sa masakit na tanawing iyon. Pinilit niyang maihakbang ang kanyang mga paa paalis at nagtatakbo sa likod ng school clinic nila.
Doo niya ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na umiyak. Basta ang alam lang niya masakit na ang lalamunan niya kapipigil sa mga hikbi niya.
Paano mo itong nagawa sa akin Jake?
Tumayo na rin siya ng makitang malapit ng dumilim. Naghilamos muna siya sa nadaanang comfort room bago tuluyang umuwi. Hindi niya gustong makakuha ng atensyon sa mga kasama niya sa bahay kapag nakita nilang galing siya sa pag-iyak.
Matagal na at marami ng naririnig si Astrid about Jake na babaero ito pero pikit mata niya iyong tinanggap. Nagbingi-bingihan siya. Na kahit pa nga mismong si Sam na ang nagsabi hindi niya pa rin pinaniwalaan.
Hind niya ito aawayin. Mas lalong hindi niya ito kukumprontahin. Ayaw niyang iyon pa ang maging dahilan ng pag-aaway nila. Baka natukso lang ito kanina doon sa babae. Halos iladlad na kasi nito ang katawan.
Tama. 'Yun lang yun.
Kahit anong pilit ang gawin ni Astrid na alisin sa isip niya 'yung nakita niya kanina hindi pa rin iyon mawala-wala. Na kahit sa kanyang pagpikit ay malinaw niya pa rin iyong nakikita. Paulit-ulit iyong nagpi-play sa kanyang isip. Parang sirang plaka.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
Fiction généraleLoving someone is one of the most vulnerable positions in which you can be. To love someone with all of your heart and soul, whether or not they love you back. It sounds romantic, yes. But the reality is very different. The pain of loving someone...