Chapter 1 -----> Play Boy

74 3 1
                                    

Alexa P.O.V

"Hmm..." What the. Ang ingay naman! Bad trip. Tinanggal ko agad yung earplug ko saka tumayo. Pano ba naman naka-earplug pala ko kaya halos mabingi na ako dahil sa phone alarm ko. Pumunta agad ako sa banyo para maghilamos. Wow. Ang ganda nang nakikita ko sa salamin. Pangpa-goodvibes. Pagkatapos ko magayos nang sarili pumunta na ako sa kusina.

"Good Morning Baby!" bati sakin ni Mommy sabay kiss sa pisngi. Ano nanaman kaya ang trip nang nanay ko at bakit bihis na bihis. Naka blue dress siya na mahaba. Mga hanggang tuhod tapos na ka heels. "Mommy san ka pupunta?" tanong ko. "Nako anak! Yan kasing Tita Mitch mo nag-aya na magmamall daw kami ngayon. Treat niya daw, di naman ako makatanggi anak. Pano banaman kasi baka magtampo nayang tita mo lagi ko nalang inaayawan." Tumungo tungo lang ako kay Mommy. By the way may boutique si Mommy sa isang mall. Dun siya nagiging abala kaya di na sila nakakapag bonding nang 'Bestfriend' niyang si Tita Mitch.

"Alexa gising kana pala" sarcistic na sabi ni Kuya. Oo may 'KUYA' ako. Siya si Charles Angelo Ferrer ang nagiisang asungot sa buhay ko. "Ay! hindi, hindi pa ko gising tulog pa'nga ko e." tas sabay subo nang sandwich na kabibigay palang sakin ni Mama. Badtrip talaga tong Kuya ko. Umagang umaga mangaasar. Nako! Ibabaling ko nalang nga galit ko sa walang kalaban laban na sandwich. "Anak baka naman makain mo pati kamay mo sa gutom ha." nagulat ako kay Mommy malapit na pala maubos yung sandwich ko. Inabutan ako ni Mommy nang Chocolate Drink. "O ayan. Inumin mo yan para mainitan yang tiyan mo."sabi sakin ni Mommy. "Thanks Mommy." sabi ko. Inubos ko nalang agad yung Chocolate Drink at umakyat na.

Pumasok nako sa kwarto ko. Narinig ko yung lakad ni Kuya papunta rin sa kwarto niya. Siguro tapos na din yun kumain. Pumunta nalang ako sa banyo at naligo. Pagkatapos nun. Nagbihis nako. Naglalagay nako nang nang sapatos ko nang biglang bumusina si Kuya. Grabe ang bilis naman niya kumilos. "Alexa! Bilisan mo!!!" sigaw ni Kuya mula sa labas. Nako! kala mo naman malalate na kami sa school kitang 8:30 palang. 9:15 kaya pasukan namin. Palibhas 1st day of school kaya maaga siya. Magbabasketball kasi sila nila James. Sumilip ako sa bintana kung andun pa si Kuya. Andun pa siya. Bumababa nako at baka mainis na si Kuya.at Iwan ako. Pagbukas ko nang gate. Nakita ko agad si Kuya nakasandal sa kotse niya at nakapamulsa pa. "Tara na" sabi ko. Pumasok nako sa loob nang kotse niya. Dun ako umupo sa back seat. Kala ko di siya papasok e. "Kuya bat ang aga mo ata?" tanong ko sakanya pero syempre sa isip ko lang yan sinabi kasi alam kona ang sagot niya. Buong car ride namin tahimik. Huminto na si Kuya. Nandito na pala kami. "Baba na, andito na tayo" sabi ni Kuya.Bumababa nako saka sinira yung pinto nang kotse.

Infairness maganda dito. Last year kasi sa Kingdom High ako nagaral. Maganda dun. Pero mas maganda dito. Ang ganda din nang name nang school 'San Xavier High' Dito nagaaral si Kuya simula 1st year. Ngayon dito din siya gagraduate kasi 4th year na si kuya. Malapit na siya maging Senior High. Ako naman 3rd year palang. Pumasok nako. Sana naman may kilala ako dito. Pumunta 'Announcement Board' para tignan kung saan-saan yung room nang bawat subjects ko. Nabigay na din pala sakin yung susi nang locker ko. Makapunta nga muna sa locker ko. Nilagay ko dun yung ibang books ko para sa next next next subject ko. Nang biglang may bumangga sakin. "Tumingin kanga sa dinadaan mo!" sigaw ko sa lalaki. Nakatungo siya dahil nahilo ata. Bahala siya diyan siya naman may kasalan e. Cellphone kasi nang cellphone. "Hey You!" sigaw nung lalaki bago ako maglakad. Hinawakan niya yung braso ko saka ko hinarap sa kanya. Tumigin ako sakanya---titig pala. Brown eyes, Red Lips,Long Eyelashes. Ang Gwapo niya pala. Nakayuko kasi siya kanina kaya diko nakita yung mukha niya. "Dont.You.Ever.Shout.On.Me!" Sigaw niya sakin na parang dinidiin nadin yung mga salita. Grabe ang gwapo niya parin pala kahit galit siya. Natameme na tuloy ako. " S-ssoory." mahina kong sagot. "Good." sabay bitaw niya sakin.At umalis na siya gwapo nga pangit naman ugali hay nako.

Grabe di parin ako maka move-on sa nangyari kanina. Kahit di maganda yung nangyari. Grabe yun makasigaw kala mo naman wala nang bukas.Errr!! I Hate That Guy. Nakakapagod talaga magaral. Kanina nagbatohan kami nang Class Officers. Syempre ako yung Muse. Ako daw yung lalaban sa Ms.Campus 2015 sa January 25. Nako, di na din naman bago sakin yung masali dito. Lagi kasi akong nasasali sa Beauty Pageants.
"Class Dismiss" sabi nang teacher namin sa History. Boring naman. Halos wala ngang nakinig kanina. Lumabas na yung ibang kaklase ko samantalang ako sinusulat pa yung ibang infos sa History namin. Hannggang sa lahat nang kaklase ko nakaalis na pwera lang sakin at sa lalaking na ka hood sa pinaka gilid, natutulog ata. nang mapansin niyang kami nalang yung tao dito umalis na siya. Sumabay na ko sakanya. Pero kala ko sa canteen ang punta niya sa likod pala nang school field ata to e. Palihim na sinundan ko siya. Ano kayang gagawin niya?

Nako matutulog lang pala. Makaalis na nga. Aalis na dapat ako nang biglang may pumuntang babae sa kanya. At hinalikan siya. Mukhang Senior High to a. Magkalapit lang kasi yung building nang Junior High At Senior High. Nagulat siya,nang biglang may humalik sa kanya, Ako din nagulat kasi siya yung nabangga ko kanina yung Kinaiinisan ko.Agad niyang minulat ang mata niya. Hinalikan niya yung babae. Gustong gusto naman nung babae.Grr.. That Bad Boy.Walang kwenta dapat di nalang ako pumunta dun e. Onti nalang tuloy Oras ko para kumain.

"blah blah.. the blah.. will blah". Hay nako. Di ako makapagconcentrate. Pano ba naman magkakklase nanaman kami nang BAD BOY na yun."Class Dismiss. Deretso sa bahay ha. "sabi nang teacher namin sa English. Maggagabi narin. Palabas palang ako nang room nang biglang nagtext sakin si Kuya.

From: Asunggot
Alexa di kita masusundo ngayon may practice pa kami nang Basketball e.
Pakisabi din kay mommy na late night nako makakauwi. Thanks.

Ay nako. Lagot nanaman to kay Mommy paguwi. Bahala siya dyan.

Lumabas nako nang may narinig ako na sumisigaw.
"Sceven! Sceven!" tumingin ako sa likod ko nandun yung kinaiinisan ko. May biglang lumapit sa kanya na babae, hingal na hingal sa katatakbo.
So, Sceven pala name niya. Naglakad nalang uli ako. Pero narinig ko parin sila.
"I want to fuck you!" sigaw ni Sceven. Huh? ano daw diko naintindihan. Fuck. Gusto niya murahin yung babae? "Then do" sabi nung babae na may pagka-bitch yung tono. Tinignan ko si Sceven lasing ata. Tinignan ko rin yung babae,kala ko siya yung babae na kasama kanina ni Sceven di pala. He is a Play Boy too Inantay ko na murahin ni Sceven yung babae pero wala naman akong narinig. Umalis nalang ako.

Pagkauwi ko. Wala parin si Mama. Nagbihis nalang ako saka natulog.

Author's Note

Uhmm.. Readers. Susunod na Chapter po di po BS yun pero may onti. Para lang po sa Open Minded yun. At para po sa lahat di ko po alam next UD pero i promise na this week yun.

Cast
Alexandra Coleen Ferrer as SNSD Lee Sunkyu (Sunny)
Charles Angelo Ferrer as BTS Jungkook
Mark Sceven Nolasco as BTS V
Jerome Garcia as EXO Baekyhun
James Roy Perez as Big Bang Top
Merliah Nicole Perez as Apink Naehyun
Lauren Victoria as SNSD Tiffany
Sofia Ella Gonzales as SNSD Seohyun
(Para po alam niyo kung sino sino pa ang mga dadating sa SBB)

Seducing A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon