ICE CREAM 4 - THUNDER

0 0 0
                                    

SOMEONE's POV

Naglalakad ako pauwi sa ilalim ng malakas na ulan. Habang dala-dala ko ang mga pinamili kong pakain ay may narinig akong sumisigaw.

"I HATE MY LIFE! WALANG KWENTA!! LETCHE!!."

I saw a figure of a woman, hindi naman siya malayo. Hindi ko mashyado makita ang mukha nito dahil sa lakas ng ulan at natatakpan rin nito ng buhok ang mukha niya.Hindi ko 'to pinansin at patuloy sa paglalakad.

"CURSE ALL OF YOU!."

Ngayon na malapit na ako sa kaniya tinignan ko siya. Mukhang lasing ito dahil sa dala-dala nitong wine. Tatayo siya tapos sisigaw, maya-maya naman ay uupo siya at iinum. Baliw na ata 'to.

I was about to walk when she looked at my way..

I know her...

"Anong tinitingin-tingin mo diyan? Alam mo bang napakaperpekto ng buhay ko?." She said with a sarcastic tone in her voice.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang uminum na naman siya.

"Why is it the world is so unfair?."

Tanong niya sakin at uminum na naman ng wine. Ako, nakatingin pa rin sa kaniya. Lasing na 'to..

"Na sa akin na nga lahat ng bagay!. But there is only one thing na hindi mabigay sa akin kahit marami pa akong pera o ano, yun ay ang kompleto at masayang pamilya!!."

Uminum na naman siya. Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o hindi dahil pumapatak ang ulan sa mukha niya.

"When I was 13 I decided na mag suicide sana eh."

Tumawa siya ng mapaet.

"You don't have to end your life just because of that. You have many ways or reasons to stay alive and live a happy life." Sabi ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin while grinning.

"Happy life? Tch. As if." Sabi niya at uminum.

Tumayo siya at binitawan ang wine niya. Humarap siya sa akin.

"Siguro nga ikaw maswerte dahil meron kang kompletong pamilya.."

Nag break ang kaniyang boses at alam kong umiiyak na siya.

"Sabi nila ako na yung pinakamasamang tao. Ayaw nila sa'kin. Ipinaglihi raw ako sa sama ng loob. Sana pinatay na lang daw ako ng nanay ko noong sanggol pa ako so that I won't exist right now.."

Nakatingin lang ako sa kaniya. Umiiyak na siya ng todo. Pinunasan niya ang luha niya sa mukha.

"Hindi naman talaga ako ganito.. Ayaw ko lang kasing may ibang tao na mapalapit sa'kin dahil ang kahuli-hulihan ng buhay sasaktan ka lang nila at pababayaan."

Hindi ko alam pero nilapitan ko siya at niyakap.

Nakarinig lang ako ng hikbi. I don't know but I feel I need to comfort her. We stayed in that possition for how many minutes.

Humiwalay siya sa pagyakap at tumawa ng konti.

"Pasenshya ka na ah.. Ano nga pala ang pangalan mo?."

Nakatingin siya sa akin na parang inaantok ang kaniyang mga mata.

She doesn't recognize me..

"Thunder."

-----

HYACINTH's POV

"Shit."

Napamura ako sa sarili. My precious head is so masakit! Oh my gosh baka ma damage ang mga pretty brain cells ko!.

*BLAGSHHH!*

Nang Dahil Sa Ice cream [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon