ICE CREAM 6 - HIS EYES

6 0 0
                                    

ICE CREAM 6 - HIS EYES

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaki at mataas na gate. Kanila na kaya ito? Grabe naman, gate pa ba 'to?.

Pumindot ang mokong sa isang maliit na speaker.

"Laurence, open the gate."

"Yes, sir Xander."  Sagot ng tao sa kabila at bigla namang bumukas ang gate.

Bumungad ang napakalaking mansion with a big fountain sa center. Garden sa kabila at sa right naman ay isang maliit na playground. Meron din itong iba't-ibang kulay ng rosas. Red, white, pink, yellow at blue. Manghang-mangha ako dahil sa ganda ng paligid. Talagang makikita mo na ang yaman ng may-ari. Pero shyempre mas malaki pa dito ang amin. *flips hair*

Pumasok ang sasakyan at huminto kasama pa ang ibang sasakyan. May mga tao akong nakikita na nakasuot ng pang maid at pang butler. Nung tumigil na ito, lumabas kami sa sasakyan.

I followed him. Papunta kami sa mansion nila at sa bawat tao na madadaanan namin ay yumuyuko sabay sabi:

"Welcome home, sir Xander."

TARAY NG LOLO NIYO!!

Hindi pinapansin ng ugok ang mga bumati sa kaniya kaya ako na lang yung ngumiti sa kanila, ngumiti din naman yung iba pabalik.

As we set foot inside the mansion talagang napanganga na naman ang maganda kong bibig na mana sa akin sa pagkamangha sa loob nito.

Chandeliers everywhere, lights, paintings, expensive furnitures at kung ano-ano pa. Alam kong maganda at malaki ang amin, pero ang bahay ni mokong ang ganda rin. So elegant, pero parang ang lungkot ng atmosphere?.

"Wag kang tatanga-tanga diyan, sundan mo 'ko."

Nabasag yung moment ko nung nagsalita siya. Huwow! Napakabait talaga niya, ano? *sarcastic*

Sinundan ko lang siya, matagal-tagal ang paglalakad namin at hindi pa rin siya tumigil. 'San ba kasi kami pupunta.

"Where are we going? Sumasakit na yung precious feet ko." Sabay tigil ko at hinihimas ang two precious feet ng magandang dyosa na ako.

"Do you know what's shut up? dahil kailangan mo yan ngayon."

NAPAKASUNGIT!!!!

Tumigil siya sa isang malaking pintuan at may kinuha siyang keys sa pocket niya. When he opened it napa-sparkle yung dalawang beautifull eyes ko.

I think library? May mga libro eh. Talino ko talaga! *clap*clap*. Mahilig kaya akong magbasa ng iba't-ibang novels. *U*

"Mrs. Tan told me to tutor you in Math."

Napatingin ako sa kaniya. Kumuha siya ng libro sa isa sa mga shelf doon at umupo. Tumingin siya sa akin with no expression in his face.

"Ano pang ginagawa mo diyan. Gusto mo bang matuto o hindi?."

Napasimangot na naman ako. Ano ba kasi'ng problema ng taong 'to at palagi nalang ang sungit sa'kin.

Lumapit ako at umupo sa upuang na sa tabi niya.

Habang tinuturuan niya ako, na gets ko naman yung iba, pero yung ibang problems at equation ang hirap talaga i-absorb sa pretty brain ko kaya mahirap talaga. Siya, parang ang dali-dali lang sa kaniya. Eh di siya na -_____-

"Understand?."

"H-haa?.." Napatingin naman agad ako sa kaniya. Muntik na pala akong makatulog.

"Are you listening?."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nang Dahil Sa Ice cream [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon