CHAPTER 24

31.6K 831 53
                                    

" si jaycee ang may sabi nun kaya hindi pa rin ako pumayag,... pero ng hindi man lang tumangi ang daddy mo sa offer sa akin ni jaycee doon na ako kinabahan... alam kobg hindi papayag ng ganun ganun na lang ang daddy mo kung hindi nanganganib ang buhay mo, pakiramdam ko may masamang mangyayari sayo kapag hindi ako sumunod sa gusto nila at ng ipinaliwanag sa akin ni jaycee ang lahat pati ang plano mo, hindi na ako nagaksaya ng oras, sabi ko hindi ka pwedeng mapunta sa iba akin ka lang at gagawin ko ang lahat maging akin ka lang alam mo bang nakarating ajo ng LA na passport, wallet at celfone lang ang dala ko."

Hindi ako mapapaniwala sa mga sinabi ni kieser.

" cassie... noong makita ko kayo sa bar ng lalaking yun, akala ko nahuli na ako, salamat na lang at hindi pa pala."

Noon lang ako tila nahimasmasan.

" so... ibig sabihin hindi aksdente yung pagkikita natin sa LA."

" i'm sorry...."

" kieser... hindi ko alam kung magagalit ba ako o matutuwa sayo."

" karapatan mong magalit cassie... pero ang gusto kong maging malinaw sayo ay ang dahilan kung bakit ko nagawa to... mahal kita cassie... mahal na mahal, at mananatili ako sa tabi mo hanggat kailangan mo ako at hanggat gusto mo... nagpakasal ako sayo hindi dahil sa ikaw ang may gusto kundi dahil sa gusto ko rin to."

" kieser... ngayon pa lang ay sasabihin ko na sayo to, after ng mga nasaksihan ko sa mga magulang ko kung papanong namatay si mommy dahil sa labis na pagmamahal kay dad... at kung papanong nagawang patayin ni daddy si mommy dahil sa labis na pagmamahal nya sa ibang babae... i think.. hinding hindi ko na gugustohin pang magmahal... pinatigas na ang puso ko ng mga nangyari sa magulang ko... "

Hinawakan ni kieser ang kamay ko.

" casie bakit hindi mo subukan... buksan mo ang puso mo."

" sinubukan ko na kies... ang dami kong naging kasintahan pero ni isa sa kanila wala akong naramdamang pagmamahal, "

" wala akong pakialam, kung hindi mo ako kayang mahalin... basta dito lang ako sa tabi mo maghihintay ako hangang sa kusang magbukas yang puso mo."

" kieser...ayaw kong maging unfair sayo..."

" no... casie... magiging unfair ka sa akin kung pipigilan mo akong mahalin ka kaya wag mong gagawin yun, sapat na sa akin na nasabi ko sayo ang dandamin ko, mananatili ako sa tabi mo kahit ipagtabuyan mo pa ako., ganyan kita kamahal cassie Gozon."

At untiunting inilapit ni kieser ang labi nya sa labi ko na sinalubong ko naman we kiss passionately until we end up in bed both exhausted...

Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko matapos ang confesion ni kieser natuwa ako na malamang mahal nya ako...pero pilit kong kinapa sa dibdib ko ang salitang pagmamahal pero wala akong makapa wala akong matamdan o baka hindi ko lang kilala ang pakiramdam ng nagmamahal.... basta ang alam ko lang ngayon maligaya ako sa piling ni kieser ngayon lang akong nakaramdam ng ganitong kaligayahan at gusto kong nasa tabi ko sya kasama ko sya hindi ko alam kung hanggang kaylan sana habang buhay... sana...

KIESERS POV

Nagising ako kinaumagahan na may mga matang nakatunghay sa akin, nakangiti ito.

WANTED PERFECT FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon