Chapter 1: Officially Yours

3.2K 64 18
                                    

2:30 am.

Jusko! Madaling araw na! Yung totoo? Makakatulog pa ba talaga ako pagkatapos ng mga kaganapan kanina? Waahh! Sleep ka na Meng!

Alumpihit na parang kiti-kiti si Maine sa kanyang hinihigaan. Sa sobrang ganda ng mga pangyayari ay narecharged ng bonggang-bongga ang buong cells ng katawan nya. Parang uminom ng limang tasang kape ang level ng energy nya at parang walang talagang balak matulog. Palipat-lipat ang atensyon nito sa kanyang cellphone kung saan paulit ulit tinitingnan nito ang mga litratong kuha niya kanina. Larawan niya ito kasama si Alden.

Sa lahat ng litrato ay may tatlo siyang paborito doon. Ang una ay ang kuha na pareho sila nakangiti ni Alden na top view ang perspective ng camera. Sa larawang iyon ay nakahawak siya sa bewang ni Alden at ang binata ay sa likod niya. Ang pangalawang larawan ay candid shot. Sinabi niyang magbibilang siya ng tatlo bago iclick ang camera pero pinindot na niya iyon sa bilang na "1" pa lang. Huling huli tuloy si Alden na nakatitig sa kanya na parang inlove na inlove at sya naman ay nakangiti ng malaki habang nakatingin sa camera. Ang pangatlo ay ang wacky pose nila ni Alden ngunit sa halip na sa camera nakatingin ay sa isa't isa sila nakaharap.

Pag hindi sa cellphone ay sa daliri nakatingin si Maine partikular sa kanyang ring finger sa kaliwang kamay. Isinuot doon ni Alden ang singsing na manipis ang band na may mga batong maliliit na pinagdikit dikit para maging hugis puso. Minsan ay hinahaplos haplos pa nya ito ng kanyang hintuturo sa kanang kamay para damahin kung totoo nga ito. Sa loob lamang ng ilang buwan ay dalawang singsing na ang naisuot sa daliri nyang iyon. Sumagi na naman sa isip ni Maine si Frankie pero mabilis din niyang ipiniksi ang alaalang iyon dahil ayaw niya ng ibang emosyon ngayon kundi ang emosyong dala ng sorpresang ginawa ni Alden.

Kasalukuyang sinisipat pa rin ni Maine ang kanyang singsing nang biglang nagvibrate ang kanyang cellphone.

Alden MyLoves <3

Impit na tawa ang naging reaksyon ni Maine nang makit akung sino ang tumatawag.

Kaya pala kinakalikot ng mokong na to ang cellphone ko kanina. PInalitan pala ng pangalan yung number nya.

M: Hello?

A: Hello, Mahal ko! Di ka rin ba makatulog? Sinagot mo agad yung call ko sa first ring ah! Iniisip mo ako noh?

M: Hindi ah! Tulog na nga ako eh. Nagulat lang ako sa pag-vibrate ng fone ko kaya nasagot ko kagad.

A: Asus! Aminin!

M: Oo na! Hindi ako makatulog.

A: Ok ba yung surprise ko sayo kanina?

M: Mm-mm. Thank you, Den.

A: Hhmm...Meng...

M: Hhmm?

A: Pwede bang minsan wag naman Den itawag mo sa akin?

M: Eh ano naman itatawag ko sayo?

A: Richard Gomez. Joke!

M: Nye! Hahaha!

A: Eh ano ba gusto mo itawag saken?

M: Den. Den lang. Gusto mo ba Alden? Ganun? Buong pangalan?

A: Hindi! Yung ano...Yung...ahhmm...

M: Ano nga?

A: Kasi minsan...ahhmm..tawag ko sayo...ahhmm...Meng...tapos minsan...ahhmm...Mahal ko. Ganun.

M: Oh? Tapos?

A: Ih! Kasi naman. Alam mo na yun!

M: Ano nga? Hindi ko alam!

Ikaw Ang Aking Mahal (Book2 AKNL) - ALDUB FanFicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon