Hugot☑️47

2.5K 83 8
                                    

Sobra kitang mahal. Mahal na mahal kita. Ilang beses na kitang pinaglaban. Sabi nila ang tanga ko daw. Kung ang dependisyon lang din naman ng pagiging tanga ay yung pagmamahal ko sayo, handa akong magpakatanga makasama ka lang habang buhay. Alam mo, mahaba naman ang pasensya ko. Naiintindihan ko ang bawat galaw mo. Sabi nila, bakit hindi daw ako napapagod. Lagi daw, away-bati away-bati. Minsan, napapaisip ako na baka ayaw mo na sakin. Hindi ko alam kung anong nagawa kong mali, nagulat nalang ako nung sinabi mong, "Iwan mo na ako". Walang salita na lumabas sa bibig ko. Umalis ka at iniwan ako. Ngayon, ang saya mo. Habang ako dito, nahihirapang kalimutan ka. Tumatawa ka, tapos ako naman ay umiiyak. Masyado yatang unfair?

Ako yung mas nagmahal. Ako din tuloy yung mas nasaktan.

Hugot ng Single {ON-GOING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon