CHRISTINE POV"FRIENNY!!!!!" Sigaw ni Patricia sa pangalan ko habang parang ewan ang pagtakbo niya sa may corridor.
(>_______<)! Kakahiya talaga ang isang to!
"Frienny! Frienny! Alam mo na ba ang section mo?" Sabi niya sakin na papatalon-talon pa.
"Ikaw ba anong section mo?"
Pagbabalik ko sa tanong niya. Sa totoo lang.. iniiwasan ko ang tanong na yan ngayong araw. Ayoko pang malaman ang section ko. Baka kase madisappoint na naman ako.
"Tara paregister na tayo. Baka magkakaklase na naman tayo!" Suhestiyon niya.
"Ah-eh..sandali lang hindi ba natin sila hihin--"
"Tangnamo! Lumayo ka sakin!" Nagulat kami ni Patricia ng may malutong na mura ang umaalingaw-ngaw sa may corridor. Kahit di pa kami lumilingon alam na namin kung sino yun (>____<)!
"Alonna naman!"
"Di ka ba nakakaintindi ng tagalog!"
"Hindi. Kaya turuan mo ko please..." >>> Si Kalayaan yan! Ang masugid na manliligaw ng kaibigan naming si Alonna. Wagas maka-buntot parang aso. Pero saludo kami dyan.
"Gagu!"
Awtsu. Ang sweet talaga nilang maglambingan. Yung parang mag asawang nagaaway sa daan, murahan ang batian.
"O kayong dalawa. Anong balak niyo? Tutunganga lang kayo dyan? Kailan pa kayo naging poste sa daan?" sabi niya.
Aish. Ang sungit talaga neto. Parang araw-araw may menstrual issues.
Pero may kulang pa eh.
Napalingon lahat kami sa daan ng dumaan si Limba na parang may sariling mundo dahil basa siya ng basa at maya't maya ngingiti. Ang Creepy ng isang to -____-!
"Yo! Limba! Anong section mo?" Tanong ni Patricia sa kanya.
"Huh? Ah-eh..Sino ako?Ako ba tinatanong mo---aww! Alonna ang sakit nun ahh!" Sabi ni Limba binatukan kase siya ni Alonna.
"Ang bobo mo eh noh! May iba pa bang LIMBA dito?"
"Sorry naman! Mapapatawad niyo ba ko?" Sabi niya habang nagpa-pout pa.
Putek! Ang sama ng itsura niya!
"No hurt feelings beh! Pero ang sama talaga haha!" Sabi ko kay Limba habang di ko mapigilang matawa sa pagpa-pout niya haha!
Napagisip-isip ako kung bakit may kaibigan akong tulad nila?..
Si Patricia Fos na may pagkaisip bata.
Si Alonna Francisco na masungit at prangka.
At si Antoinette Limba na palaging may sariling mundo dahil sa mahihiwaga niyang libro.
Huhuhu!..Lord bakit meron akong ganyang klaseng mga kaibigan? Bakit? T__T
XXXXXXXXXXXXXXXX
"Name of the enrollee?"
"Christine Mae Joson po!"
"LRN?"
"109326050659"
"Card?"
What the?
Binigay ko na kay Maam yung card ko. Sana pala binigay ko na lang yung card kanina pa (-_____-)! para di na ko nagpakahirap kabisaduhin yung pesteng LRN ko. Tae naman o!
Nandito kami ngayon sa Registrar Office nagpapa-register. Ako na lang ang hindi pa tapos dahil huli ako sa pila.
At kung tatanungin nyo ko kung ano ang ginagagawa ng mga Ugok kong kaibigan? Eto sila...