Chapter 2 - First day or worst day

10 1 1
                                    

LJ P.O.V

Nakarating na ako ng school! Siyempre kinakabaham na ako pero ill keep myself in calm. Pinark ko na ang kotse ko. Habang naglalakad ako, napapansin kong pinagtitinginan na nila ako at parang nagtatawanan, dineadma ko na lang. Pagpasok ko ng gate, aba nakatingin sila sakin lahat feeling ko tuloy ang famous ko kasi kulang na lang ng crown and flowers eh tapos rampa na eh. Kaso biglang....

*Blugs*

Aray ko!! Masakit yun ;( isang flying eraser na punong puno ng chalk dust ang tumama sa mukha ko. Nagtawanan na naman sila. Hayy! Nakakainis naman! Hindi ba talaga nila ako titigilan :(. Dineadma ko na lang sila at naglakad na.

Habang naglalakad ako, may napansin akong lalaki na naglalakad papalapit sakin. Nung una, hindi ko na lang pinansin baka kasi isa na naman tong pasakit sakin ngayong araw ehh. Pero nung nilingon ko na siya bumilis ang tibok ng puso ko, para bang tense na tense ako.

Malapit na siya! Ayan na! Ano ba naman yan. Napatayo na lang ako kasi naman isang...

Joseph Marcus Leviste ang lalapit sakin.

Siya lang naman ang boy heartthrob ng campus dahil sa kanyang angking kagwapuhan at pagkasporty.

Siya ang team captain ng swimming team as well as ng Basketball team. Hindi ko nga alam kung paano niya na mamanage yung time niya para sa academics at sports ehh, pero okay lang gwapo naman siya ehh! Ayyyyyyy ;'> ayan na siya malapit na siya sakin. Konti na lang talaga waaaah ;')
Nang biglang.....

"Oh! What happen to you? Ang dumi ng mukha mo. Wait! I'll wipe it off" sabi ng isang gwapong anghel na nasa harap ko.

Pinunasan niya ang mukha ko. Medyo kinilig ako dun sa ginawa niya. Waah!! Crush ko talaga siya ehh. Pero parang nagtatawanan silang lahat, ayy kiber! Deadma na sila, si Joseph na lang ang iisipin ko. Yiiiieh! Nakakakilig :'>

Hayy naglakad na ako papuntang classroom. pagpasok  nakita ko agad ang dalawang bestfriend ko, Sina Nica at Jess. Sila lang naman ang brainy sa school namin, hindi lang brainy, magaganda din.

Habang papalapit ako sa kanila, biglang nagbago ang timpla ng itsura ni Nica.

"Ano na naman nangyari sayo at ngingiti-ngiti ka dyan kahit sobrang dumi ng mukha mo!" Sabi ni nica

"Anong madumi?! Pinunasan kaya yan ni Joseph :">" sabi ko.

" Wow! Thank you sa pagpunas niya ng uling sa mukha mo ahh." Sabay abot ng salamin.

Ayy oo nga! Akala ko pa naman mabait siya, hindi rin pala! Isa rin pala siya sa gagawa sakin nun.

"Ayy. Hayaan mo na. Ganyan talaga, hindi pa ba kayo sanay?" Sabi ko sa kanila habang pinupunasan ko ng towel yung mukha ko.

"Best, hanggang kailan ka papayag na ganyanin nila? Ako hindi ki na kayang makita kang ganyan. :(". Sabi ni nica. Aww! Natouch naman ako sa sinabi niya, mahal talaga nila ako.

" thank you best :* pero hayaan na lang natin sila, magsasawa din yang mga yan" sabi ko sa kanya.

" hay nako! Bahala ka na dyan!" Sabi naman ni Jess.

Nagsi-upo na kami sa mga upuan namin kasi nagdatingan na ang mga kaklase namin pati na rin yung prof. Namin

Hayy, ayoko ng gulo! Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Nakakalungkot lang na nagawa ni Joseph yun :( waaaah.

Natapos ang dalawang klase ng hindi ako nakikinig at lutang ang isip ko. Parang may hangin sa ulo ko na nagbubuhat sa isip ko. Nakakaiyak :'( pero i need to be strong.

Nagyaya na si Jess na kumain dahil break na rin naman. Nag-ayos na kami ng gamit at pupunta na kami sa cafeteria.

Habang naglalakad kami, napapansin kong medyo nakatingin sila sakin. Pero deadma, dumiretso kami papasok sa loob.

Nang biglang may.....

---
Tapos ko na tong chapter 2. Wait na lang kayo sa sunod na update :)
Salamat :*

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Feb 06, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Love me For who I amDonde viven las historias. Descúbrelo ahora