Broken Promises

4 0 0
                                    

Niq' POV

'Im sorry but we need to stop this' natigilan ako ng bigla nalang nyang sinabi ang mga salitang ayokong marinig.

Ano bang ginawa ko para saktan nya ako ng ganito? Saan ba ako nagkulang? Binigay ko naman sakanya ang lahat, pero bakit nya ako ginaganto?

'Please, ayosin naten to Steve. Ayoko. Wag mo kong iwan please.' Alam kong nagmumukha na akong desperada dito pero bakit ba?! Eh sa sobrang mahal ko tong taong to e.

'We cant fix this niq!' Tinaasan na nya ako ng boses at base sa mukha nya alam kong galit na sya.

'Hindi na kita mahal. No, scratch that, i never loved you niq. Pustahan lang ang lahat.' Nagsimula na akong mapahagulgol at nagsilabasan na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

'No. You're lying! Dont say that baby, please? Alam kong mahal mo ko. Sa 2 years na pagsasama naten alam kong minahal mo ako. Right baby?'

'Im sorry Niq.' At tuluyan na nga nya akong tinalikuran. Pero bago pa sya umalis ay niyakap ko na sya mula sa likuran nya.

'No! You promised me na walang iwanan. Na walang susuko satin kahit anong mangyare. Na ikaw at ako lang. Na mahal mo ko. Oh please baby ayosin naten to. Dont leave me. I cant. Please bawiin mo yang sinabi mo. Joke time na naman ba naten to baby?'

Pero mukhang hindi na nga yata magbabago ang isip nya at mukhang hindi sya nagbibiro. Inalis nya ang mga kamay ko na nakayakap sa kanya. Hindi na sya nag abalang harapin pa ako.

Umalis na sya. Iniwan na nya ako. Napaupo nalang ako sa malamig na semento at nag umpisa na namang umiyak.

Buti nalang walang tao ang dumadaan dahil alam kong nakakahiya na talaga ang pinag gagagawa ko.

Sobrang sakit ang nararamdam ko ngayon at halos hindi na ako makahinga.

Hindi ko parin maintindihan kung ano bang maling nagawa ko.

Kung bakit nya sinabi ang mga salitang yon?

Peke din ba lahat ng mga pinagsasabi nya sakin non?

Hindi ba totoo ang pagmamahalang nabuo namin?

'GEORGINA NIQ SY!!' Napadilat naman ako mula sa paggising ng magaling kong kaibigan. Nananaginip na naman pala ako.

'Finally! Nagising ka din Niq. Halos 10mins na kitang niyuyugyog hindi ka parin nagigising!' Ugh ang aga aga sinesermonan na ako ng mom ko. I mean, ng best friend ko. Feeling nanay ko kase to e.

'Ano na naman bang problema mo Shane?!' Sigaw ko sa pagmumukha nya. Nakakainis kase e! Ayoko pa man din sa lahat yung naiistorbo yung tulog ko.

'Ay nako si ateng beastmode nanaman oh, tsaka excuse me tanghali na kaya.' Sabay pakita nya sakin ng relo nya.

'So?' Humiga nalang ako ulet at nagtalakbong.

'Wtf Georgina. Seriously? Tignan mo naman yang sarili mo. You look like manang na. Yucks. Magayos ka naman. Ano na nangyare sa chix kong kaibigan?'
Oh diba? Sweet talaga ng kaibigan ko. Nilait pa ko. Tumayo nalang ako at dere deretso sa cr.

'Get ready Niq! Lalabas tayo.' Sigaw neto at narinig ko na din ang pagsara ng pinto ng kwarto ko hudyat na nakalabas na nga sya.



MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon