Pagkatapos namin sa salon ay dumeretso naman kami sa mall para magshopping. At dahil libre ni Shane, hinayaan ko nalang syang pumili ng mga dapat naming bilin.
Pinasukat nya sakin ang isang red na dress na hanggang taas lang ng tuhod ko at halos makita naman ang kaluluwa ko dahil sa sobrang baba ng neckline nito dahilan para makita ang cleavage ko. Hapit din ito sakin kaya naman kitang kita ang curve ng katawan ko. Pinartneran nya naman ito ng black na heels.
'OMG Georgina Niq Sy! Ang bff ko! You're back to the old you!' Napatakip naman ako sa tenga ko sa pagsigaw nya. Naagaw naman namin ang attention ng ibang staff dito at halos lahat sila ay nakanganga at nakatitig lang sa akin.
Napatingin naman ako sa salamin na nasa harap ko at nagulat ako ng makita ang sarili ko.
'Ako ba to?' Manghang tanong ko sa sarili ko.
'Oo Niq! Ikaw nga yan! Ikaw ang Niq na nakilala ko!' Napangiti nalang ako sa mga sinasabing papuri ng kaibigan ko.
Pagkatapos namin magmall ay hindi na nya ako pinagpalit ng damit kaya naman nakadress ako ngayon. Inabot na din kami ng gabi kaya hindi na ako nagulat ng dalhin nya ako sa paborito naming bar.
Sabi na e. Kaya pala ayaw nya kong pagpalitin. Dito pala kami pupunta.
Wala na kong nagawa. Bumaba nalang ako at sinundan sya.
Nang makakuha na kami ng ticket ay agad kaming pumasok. Maingay, madaming tao, puro usok at alak, madaming tao ang nagsasayawan.
Sanay na ako. Dahil dito, dito ang buhay ko. Eto ako. Ang totoong ako bago ko pa man nakilala si Steve. Eto ang dating ako. Babalik nanaman ba ako sa pagiging party girl ko?
Siguro.
Wala naman ng pipigil sakin. Kase wala na sya.
Wala na si Steve.
Napatingin nalang ako sa paligid at wala na nga si Shane sa tabi ko.
'Malamang sumasayaw na yon tsk.' Bulong ko sa sarili ko.
Dumeretso nalang ako sa isang high chair at umupo. Nag order ako at nagsimula na ngang uminom.
Wala akong pake kung maparami man ako. Nandyan namin si Shane e.
'Teka, nasan na pala yon?' Tumingin ako sa dance floor pero hindi ko sya makita dahil sa dami ng taong nagsasayawan. Kaya umorder nalang ako ulit at uminom.
May umupo sa tabi ko pero hindi ko na pinansin at nag abalang tignan ang mukha nya.
Yung pabango nya. May naaalala ako sa pabangong yan. Titignan ko sana sya pero dahil sa dami na din ng nainom ko. Napapikit nalang ako sa hilo ko at nagsimulang mahulog ngunit may sumalo sakin. Hindi ko na sya nakuhang tignan dahil sa pagkalasing ko.
Steve's POV
'Sweetie, may lakad ka ba later?' Nasa office ako ngayon at nagbabasa ng mga papeles ng pumasok si Lucy. Ang fiancé ko.
'Meron' hindi ko sya tinitignan pero alam kong titig na titig nanaman sya sakin. Nagulat nalang ako ng may humalik sa batok ko at pinalupot ang mga kamay sa balikat ko.
'Sweetie, pansinin mo naman ako oh. Lagi ka nalang busy jan sa work mo.' Huminto ako sa pagbabasa at inalis ang mga kamay nya sa balikat ko.
'Lucy pwede ba! May ginagawa ako at wala akong oras para sayo! Just fcking leave!'
'No. Sasama ka sakin mamaya! We're having a dinner with dad. Whether you like it or not, you'll come with me!'
Napupuno na talaga ako sakanya. Hindi ako pumapatol sa babae pero nakakainis na talaga e! Kaya bago ko pa masapak si Lucy lumabas na ako ng opisina ko at dumeretso sa isang bar.
Pagkapasok ko sa bar ay naghanap na ako ng bakanteng upuan. Wala akong oras na pumunta sa dance floor at makipag sayawan. May nakita akong bakanteng high chair katabi non ang isang babaeng nakared at blonde ang buhok. Mukhang lasing na sya dahil halos matumba na sya sa upuan nya. Umupo na lang ako sa tabi nya at umorder. Tinitigan ko lang yung babaeng katabi ko pero di ko makita ang mukha nya. At nang mapansin kong babagsak na sya ay agad akong lumapit at sinalo sya.
'Uhmm..' binuhat ko sya pero hindi ko parin natitignan ang mukha nya. Dineretso ko sya sa kotse ko. Pinasok ko sya sa backseat para makahiga sya.
'Miss' tapik ko sa mukha nya. Inayos ko yung buhok na nakatakip sa mukha nya at laking gulat ko nang makita ko sya muli.
'Niq?'
BINABASA MO ANG
Mine
RomanceSabi nila kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero paano ko naman ipaglalaban ang isang tao kung sya na mismo ang unang sumuko at lumayo?