Steve's POV
'Im sorry niq'
Yan ang huling sinabi ko sakanya at tuluyan na nga akong umalis. May sinabi sya sakin pero hindi na ko nag abalang tignan sya. Dahil alam kong masasaktan lang ako kapag nakita ko syang umiiyak at nagmamakaawa sa akin.
Wala syang ibang ginawa kundi ang tawagan at itext ako.
Halos araw araw syang pumupunta sa condo ko pero hindi ako lumalabas para harapin sya.
At ngayon..
Hindi ko ineexpect na makikita ko sya ngayon dito. Naglalasing ba sya dahil pa rin sakin?
Dinala ko sya sa condo ko. Tinitigan ko muna ang buong mukha nya. Pababa sa katawan nya. Pumayat sya. Nagiba din ang kulay ng buhok nya.
Ganto ang dating Niq na nakilala ko noon. Ang pasaway na Niq. Bumalik nanaman kaya sya sa pagiging party girl nya?!
Naaalala ko pa noong sinesermonan at pinagbabawalan ko syang pumunta sa mga bar.
Flashback
'Baby sorry na oh. I texted you last night na magpaparty ako with my friends pero di ka naman nagreply so akala ko okay lang sayo.' Tinignan ko sya mulo ulo hanggang paa. Naiinis ako! Iniisip ko palang kung anong klaseng damit nanaman ang suot nya kagabi nanggigigil na ako!
Hindi nya kase napapansin na madaming lalaki ang halos hubaran sya sa mga utak nila habang tinitignan sya. Lalo na kagabi na hindi nya ako kasama!
Nakakainis naman kase si dad at sinama pa ko sa business meeting nila. Late ko na nalaman na nagparty pala tong babaeng to dahil nalowbat ako kagabi.
'Baby huy' napatingin naman ako ulit sakanya at nakitang naluluha na sya. Bigla namang tinusok ang puso ko sa nakita ko dahil ayaw na ayaw ko syang nakikitang nasasaktan at umiiyak.
'Sorry na bab--' hindi ko na sya pinatapos at agad na hinalikan sya sa labi nya ng puno ng pagmamahal.
'Wag mo na uulitin yun okay? Im sorry kung nasigawan kita. Ikaw naman kase e. Buti sana kung kasama mo ako para nabantayan kita.' Niyakap ko lang sya ng mahigpit.
'Wala naman nangyare masam--'
'Hindi lang naman yon. Madaming lalaki don at natatakot ako na baka maagaw ka nila sakin! Baby please promise me, ako at ikaw lang.'
'Ugh baby, thats what i dont like about you, you're being possesive and paranoid agai--'
Hinalikan ko na lang sya at hindi hinayaang matapos ang sasabihin nya. Alam ko naiinis na to sa ginagawa ko pero bakit ba?!
---
'Uhmm Stevee' napatingin naman ako kay Niq ng marinig ko ang pangalan ko. Akala ko gising na sya pero hindi pala.
'Plea-ase ba-bbyy don-nnt le-aaave' i saw tears on her eyes. Nananaginip sya. She's still inlove with me? Napangiti nalang ako sa naisip ko. Pero hindi pwede. Tinignan ko sya ulit at nakita kong sobrang nasasaktan sya.
Hinawakan ko ang mukha nya at dahan dahang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy dito.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang driver ko. Ipapahatid ko na sya sa kanila.
Bumalik ako sa kama at umupo sa tabi nya.
'Im sorry for what had i said before. Those were lies. You really know me well when i lie. Ginawa ko lang ang dapat gawin baby. Yun ang dapat kong gawin. Para satin. Minahal kita.'
I kissed her forehead.
BINABASA MO ANG
Mine
RomanceSabi nila kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Pero paano ko naman ipaglalaban ang isang tao kung sya na mismo ang unang sumuko at lumayo?