Chapter Two
"I'm only one call away, I'll be there to save the day.."
Liningon ko si Celine na kumakanta habang nagbabasa sa wattpad. Kanina pa siya kumakanta at nagbabasa nang umalis yung prof. Inabot lang kami ng 10 mins at nagdismiss na. Mind you, 3 hours 'tong klase na 'to.
At dahil mainit nga, naisipan nila na magstay na lang kahit walang AC pero may fan naman, at hindi lang naman sila ung mags-stay.
Aalis na sana ako nun pero pinigilan nila ako. Kesyo ganito, ganyan.
Pero kailangan ko ng outlet para maka-charge, at dun linabas ni Dennis (oo, si dennis) yung powerbank nya at pinahiram sakin.
"Wag ka ng umalis. Ibalik mo na lang 'yan." Yan yung sabi niya.
Napansin kong tumingin si Celine nun kay Dennis, nakita ko rin pangaasar sa mukha nila Chris.
Ibinalik ko yun kay Dennis, "You'll probably need that later. Wag na lang. Thank you."
Umiling siya ay umubob sa mesa nya.
Si Nikko? Ewan ko dun. Babalik daw siya nung tinanong ni Lean kung saan sya pupunta.
Liningon ko sila Lean. They're playing with their phones, except kay Paulo na may kausap sa phone, well more like nagsisigawan sa phone, but not too loud.
"May love life na ba yan si Paulo?" Pabulong kong tanong kay Celine. Sana narinig niya
Napatingin siya sakin, "Si Paulo?" Inismiran niya ako, "Nako, yang pangit na yan?"
"Di naman, ah?"
"Joke lang. Malandi yan. Hindi maka-settle sa isa. Basically, walang love life. Play life lang." Nagkibit balikat pa siya. "Ewan ko nga kung bakit may pumapatol pa dyan. Though hindi naman siya nananakit."
Those kind of people really exist? At may tao rin na nakiki-go with the flow na lang?
I frowned with that thought. It's a shame people value the label and romance, instead with the love itself.
Wew. Last ko na yan.
"Punta tayong isetann mamaya."
Napalingon ako kila Lean at Celine. Sila kasi ung nagsalita.
"First day pa lang, gala na?" Tanong ni Chris.
"Papalamig lang tayo."
"Ba't isetann pa? Centerpoint na lang."
Umiling si Lean. "No way. Ang daming estudyante dun."
"Edi wag na lang. Dito na lang tayo. Dito rin naman next class natin." Sabi naman ni Paulo at tumango namin si Kian.
"Anong say mo, Anika?"
Napatingin ako kay Celine, "Labas ako dyan."
Napanguso siya.
Napalingon kami nung bumukas ung pintuan at pumasok si Nikko na may dalang plastic. Lumapit siya samin at linapag ung plastic sa table ko.
"Pili na lang kayo diyan." Sabi niya at tumalikod.
Kukunin na sana ni Lean yung plastic pero bumalik si Nikko at binuksan ito. Tiningnan lang namin siya hanggang sa may kinuha sya doon na drumstick at inabot sakin.
"Welcome to PUP." Sabay talikod at lumabas ulit.
"Luh?" Napatingin ako kay Celine at nagkibit balikat.
At least, ube mango.
Lahat pala ng binili nya ice cream. Nice naman, Nikko. Thank you.
After that, hindi na bumalik si Nikko. Nagklase kami unti 11am pero hindi na siya bumalik. Sabagay, first day palang naman.