Chapter One

20 2 3
                                    

//ehem ehem. sana magustuhan mo.//

**
Chapter One

Pumasok ako ng room dahil ang init. May tao naman sa room at dito naman klase ko. Isang babae lang ang nandito at nagtetext siya.

Umupo ako at kinuha phone ko. Typical move kapag first day, and as a transferee. First class ko for today and it's only 9 something.

"Miss?"

Tumingin ako sa babae na nakatayo sa tabi ko. "Po?"

Ngumiti siya, "Course mo?"

"BBF. Ikaw?"

"BBF din. 2nd yr. Ngayon lang kita nakita dito."

Tumango ako, "Transferee."

"Ahh, kaya pala. I'm Celine nga pala." Inabot nya kamay niya sakin kaya tinanggap ko naman ito.

"Anika. Nice to meet you."

"Same here. First class mo 'to?"

Tumango ako. "Section mo, girl?"

"2B. Ikaw?"

"2B rin."

Mas lumawak ngiti niya at inakbayan ako, "Ayos. Magkasama na tayo."

Ngumiti ako sa kanya. Biglang bumukas ang pintuan at may grupo ng estudyante ang pumasok. Karamihan lalaki at pawisan sila.

"Shet! Ang init!"
"Kingina bakit ako dito nagenroll!?"
"Uy tol, peram pamaypay."
"Aga aga natin pumasok, tol."
"Gago, tumahimik ka. Ang init init, eh!"
"Sorry na. Sobrang hot ko kasi!"
"Ulul!"

Wow naman.

Narinig kong tumawa si Celine. "Mga ka-block din natin yan. Mababait din naman yan. Don't worry."

Napatingin ang iba sa direksyon namin. "Huy, Celine! Aga natin ah." Lumapit ang iba at umupo sa harap namin pero yung isang lalaki lang ang lumapit kay Celine. Pinagmasdan ko lang sila.

"Kayo rin naman, Lean, eh. Musta bakasyon?"

"Sakto lang." Napatingin naman yung Lean sakin. "Hi, ako nga pala si Lean." ((a/n: pronounced as 'lee-yan'))

Ngumiti ako. "Anika."

"Frosh?"

Umiling ako. "Transferee. BBF."

"2B ka rin?" Tumango ako. "Ayos! Bagong mukha!" Kinulbit nya yung katropa niya sa likod kaya humarap ito samin. "Pakilala kayo sa kanya."

"Pakyu, hinihintay lang namin tapusin ang pagsasalita mo." Sabi nung guy na naka-eyeglasses at tumingin sakin, "Hi! I'm Chris. Eto naman si Kian," Turo nya dun sa lalaking naka-ATL shirt. "Eto naman si Dennis." Turo nya naman kay guy na naka-vneck na maroon. "At eto naman si Paulo. Sa kanya ka magingat. Malandi yang gago na yan." Sabi nya habang nakaturo dun sa guy na chinito at naka-vneck rin na black.

"Pakyu, mas malandi ka." Tinapunan ni Paulo si Chris ng papel.

"Mapapel to. Dapat isa isa kami nag-intro." Sabi ni Kian.

"Matatagalan pa yun. Now, it's time for her to shine." Kinindatan ako ni Lean pero sinapak siya ni Celine.

"Gago kayo dalhin nyo yung kalandian nyo sa ibang lugar jusko naman!!"

Tumawa sila kaya napangiti ako. Magiging okay naman siguro ako dito sa PUP.

"So, intro?"

"I'm Anika. Transferee. BBF-2B."

"Ay, transferee. From what school?"

Ngumiti na lang ako at umiling.

Mukhang nagets naman nila kaya tumango sila. "Bakit PUP?"

I shrugged, "Kasi mura?"

Tumango si Kian at nagusap usap kami sa bagay-bagay. They are not so bad like what I've imagined. We joked around like we knew each other for too long.

Napatigil sila ng may pumasok na isang guy kaya nagtaka ako.

"Nikko! 2B ka rin?" Tanong ni Chris sa kanya.

So, he's Nikko? Kanina pa nila binabanggit yang pangalan na yan. I didn't ask kasi hindi naman kami ganun kaclose.

Napatingin yung Nikko at lumapit samin. "Oo. Aga nyo, ah?"

"Aga-aga pero ang init init." Sagot ni Paulo.

"Hoy, Celine. Magreply ka daw sabi ni Ren." Sabi ni Nikko at umupo sa tabi ni Dennis na sobrang tahimik pala pero ang sabi ni Kian madaldal naman yan minsan.

Tumango si Celine kay Nikko at kinuha phone nya.

Tiningnan ko ulit si Nikko at nakatingin na rin siya sakin. "You are?"

"Anika." Diretso kong sagot at umiwas ng tingin.

Narinig kong sumipol sila Lean at tumawa. "Clash na ba 'to ng suplada at suplado?"

Umiling na lang ako sa kanila at kinuha phone ko.

Maya't maya narinig ko silang nagtawanan at magmumurahan. It's more of malakas mantrip si Lean at Chris tapos basag trip si Paulo at Nikko.

Palihim ko silang tiningnan at nanatili ito kay Nikko. Ewan ko kung bakit.

"Anika?"

Napatingin ako kay Celine na nagtetext, "Hmm?"

"Pwedeng pareserve nitong upuan? CR lang ako. Lapit na kasi klase baka may kumuha nitong upuan."

"Sige."

Linagay ko bag ko dun sa inupuan ni Celine at binalik ko tingin ko sa phone. Maya-maya naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi sa side ni Celine kundi dun sa left ko. Hindi ko naman liningon at tinuloy ang paglaro ng 2Fuse.

"Transferee ka?"

Lumingon ako at si Nikko lang pala. Tumango na lang ako sa kanya.

"Ako nga pala si Nikko. BBF-2B rin."

Alam ko. Sabi ni Celine.

"Ahh."

Linapit niya upuan nya sakin at inabot nya kamay nya, "I always shake hands with the person I meet the first time."

Tiningnan ko yung kamay niya. Mukhang malambot, slender fingers, clean ang nails. What's wrong with shaking hands anyway? I reached out and shook hands with him.

"It's nice to meet you." Ngumiti siya.

Napakurap ako. Kingina, dapat pagbawalan siyang ngumiti. Ngumiti ako, "Same here."

"Uuuuy! Akala ko magc-clash sila!" Narinig kong sabi ni Paulo kaya binitawan ko na kamay ni Nikko at saktong dumating si Celine at yung prof.

"Uy, Nikko. Dyan ka na uupo?" Tanong ni Celine kay Nikko. "Thank you, Anika."

Tumango ako sa kanya at narinig kong sumagot si Nikko ng oo kasi malaig daw sa pwesto na yun. Napansin kong inirapan siya ni Celine.

Hindi ko na lang sila pinansin at nakinig na lang sa introduction ng prof.

**

//ehem ehem. sana matapos ko 'to. haha//

Made To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon