Noong una isang klasmeyt lamang ang turing ko sa iyo. Klasmeyt na magkilala pero hindi mag-kaibigan. Ni hindi nga kita kilala noon dahil bukod sa mga kaibigan ko eh wala ng lumalapit sa akin. Kilala kita sa pangalan at itsura pero bukod doon ay wala na akong alam tungkol sa iyo. Minsa'y narinig ko ang pangalan mo sa matalik kong kaibigan at nabigla ako na klasmeyt pala kita. Isa ka sa mga taong pasaway sa ating room. Hindi ka madaldal at nag-iingay pero kapag tumabi ka sa mga tropa mo ay nagiging maingay ka. Unti unti kong pinagmamasdan yung kilos mo sa bawat araw na lumilipas at nabahala ako dahil doon. Naisip ko na para saan nga ba ang pagbibigay pansin ko sa iyo? Sinagot ko din ang sarili kong sagot na "siguro interesado lang ako na makilala siya". Lumipas ang mga araw na lagi kitang pinagmamasdan kapag wala akong magawa o kaya'y susulyapan ka at titingnan kung ano ang iyong ginagawa. Nang minsan nga noong tinitingnan kita ay bigla kang napatingin sa aking gawi kaya't lumihis sa ibang direksyon ang aking tingin. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi noong panahon na iyon lalo na ang pagtibok ng malakas ng aking puso.
Naalala ko pa noon kung paano nangyari ang ating unang pag-uusap. Sobrang init noon sa room natin kaya't nanghiram ako ng pamaypay kung kani-kanino pero ang sinasabi nila'y "sorry, ginagamit ko eh" o kaya'y "hiniram na nung isa eh". Walang nagpahiram sa akin kaya't naghanap pa ako noon kung sino ang meron. Nakita kita na may hawak na pamaypay kaya't tinawag kita.
"Raven pahiram naman ng pamaypay mo oh." nang iaabot mo na ang pamaypay sa akin ay bigla mong nilayo kaya't tinitingnan kita ng masama at tumawa ka lang sa naging reaksyon ko pero sa huli ay pinahiram mo rin ako. Nakasanayan ko na manghiram sa iyo ng pamaypay at okay lang naman sa iyo iyon.
Isang araw, nagbukas ako ng Facebook at hinayaan lamang na nakabukas iyon at gumawa ako ng mga takdang-aralin namin. Habang gumagawa ako ng mga takda ay nagulat ako ng may nag-chat sa akin. Noong una'y inisip ko na baka isa sa tropa ko pero nagtaka ako na "Raven Matthew Guzman message you on Facebook". Inisip ko na anong kailangan nito sa akin at biglang nag-chat. Binasa ko ang mensahe mo...
":)" smiley face lamang noong una hanggang...
" Joanna, ano yung mga assignment at kailangan dalhin bukas?" syempre sinagot ko ang iyong mensahe kung ano-ano ang mga takda at dadalhin hanggang sa napahaba ang ating usapan kahit na wala ng kwenta ang mga pinag-uusapan natin. Hindi ko namalayan ang oras dahil sa saya ko habang kausap ka. Naalala ko pa 'nun tinanong mo ako kung alam ko ba ang kantang "I love You" at sinagot ko na hindi. Sabi mo yung kantang "I love you, you love me." Syempre kinanta ko iyon at napagtanto ko na si Barney yung singer nito. Napatawa ako nun kahit sa chat lamang iyon. Sinabe ko na isa pala siyang "barney lover" kaya't simula noon ay inasar na kitang Barney. Lumipas ang mga araw na nag-uusap tayo sa Facebook at ang saya ko lagi habang kausap ka. Naisip ko na may sense of humor ka pala at isa yun sa dahilan kung bakit nangyari ang isang bagay na hindi dapat nangyari. Kung ano-ano ang naging topic natin noon kapag tayo ay nag-uusap. Minsa'y tungkol sa iyo o kaya'y sa akin o 'di kaya ito ay tungkol sa mga bagay-bagay. Nagiging sweet ka sa akin kahit sa chat lamang iyon. Nakakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso sa tuwing may kasamang ":")" ang iyong mensahe, ayoko bigyan ng ibang kahulugan ito pero napapadalas na kasi ito. Pinabasa ko sa matalik kong kaibigan na si Maria kung ano talaga bang ganoon ka lamang makitungo o may iba ng kahulugan ito.
Nang binabasa na ni Maria ito, samu't-saring reaksyon ang nakuha ko sa kanya. May "Ayy grabe 'to!", "Ano ba, nakakakilig naman siya!" o kaya'y "Yiiiie!". Sinasabi ko lamang na wala iyon pero patuloy siya sa pang-aasar na baka naman daw ay may gusto ka sa akin pero hindi mo lang daw maamin. Napatawa ako sa sinabi ni Maria at naguluhan siya sa pag-tawa ko.
"Bakit ka ba tumatawa dyan Joanna eh wala namang nakakatawa sa sinabi ko?"
"Hahahaha! Hindi kasi magkakatotoo iyang mga pinagsasasabi mo sa akin Maria. Ayokong maniwala sa mga pinagsasasabi mo dahil baka magmukha akong assuming 'no!"
BINABASA MO ANG
Klasmeyt
Short StoryKLASMEYT - Isang taong nakakasama mo sa araw-araw at gusto pang makasama sa mga susunod na araw ng iyong buhay.