Epilogue:
May mga bagay, tao at pangyayari talaga na hindi mo aasahan na dadating sa buhay mo. Isa siguro sa hindi ko inaasahan na dadating sa buhay ko ay si Raven. Hindi ako naghangad na mahalin niya din ako pero heto na nga at mahal niya ako. Ito kami ngayon, nananatiling matatag. 1 taon siyang nanligaw at pinatunayan niya ang sarili niya sa amin ng mga magulang ko. Tanggap nila si Raven dahil mabuti siyang tao. 4 na taon na kaming matatag at patuloy pa rin kaming magiging matatag. Bukod kay Raven na nagpapasaya sa akin ngayon eh nandiyan din ang mga magulang ko at mga kaibigan ko na walang sawang sumusuporta at minamahal ako. Haaay. Ano pa nga bang mahihiling ko? Sige, aalis muna ako ah? Hinihintay na ako ng mga taong mahal ko sa Simbahan eh. :)♥
BINABASA MO ANG
Klasmeyt
Short StoryKLASMEYT - Isang taong nakakasama mo sa araw-araw at gusto pang makasama sa mga susunod na araw ng iyong buhay.