Lunch break...
Nakita kong nag-uusap si Drace at Jessica sa canteen
Bakit sila nag-uusap??
Sh*t!! Kinakabahan ako ahh...
Bigla silang umalis sa canteen...
SH*T!!! TALAGANG KINAKABAHAN NA KO!!
Kung sundan ko kaya sila??
Ge..tama yan Nica...tutal boyfriend mo nmn sya
Sunod...
.
.
.
.
.
Sunod...
.
.
.
.
.
Sunod...
.
.
.
.
.
.
.
Teka..san ba sila pupunta??
Wait lang...
Bakit sila pupunta ng gym?
Don't tell me magbabalikan sila?
NOOO hindi pwede yun. At imposible yun. Mahal ako ni Drace
Tumigil sila sa part na madilim..
Teka..Bakit sa madilim pa?? What if...... NOOOO NOOO!! Eras erase....
Sinundan ko sila
Sh*t ang dilim naman dito!!!
"Drace, I still love you...Iwanan mo na kase sya!!"
May narinig akong boses ng babae...
Letcheng Jessica yun...
Pero di ko sya makita..
Ok lng nmn... para di ko na makita yung pagmumukha nya...
Ang landi-landi nya!!
At....May balak pa syang agawin si drace sakin ah!!!!
Pero...hndi mo nmn ako pagpapalit dyan kay Jessica, dba Drace??
" Jessica... Mahal parin kita pero baka masaktan ko lang siya kung iiwanan ko na lang siyang bigla"
Natigilan ako sa sinabi ni Drace...
Drace!!! Ano ba pinagsasasabi mo?? Niloloko ka lang niya!!
Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung mga luha ko
"Ano ka ba Drace?! Nasaktan mo na siya!! Ginawa mo na siyang PANAKIP-BUTAS!! Mas lalo mo lang siyang masasaktan kung ipagpapatuloy mo yung panloloko mo sa kanya!"
There..she said it..
PANAKIP-BUTAS lang ako
REBOUND lang ako
Masakit Drace... Masakit yung ginawa mo sakin
Bigla na lang nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako habang umiiyak....
Pero...merong parte sa puso ko na nagsasabi na mahal ako ni Drace...
Dun sa mga panahong magkasama kami siguro naman minahal niya ako dba?
"Drace..." nung nagsalita ako, mukhang nagulat silang dalawa....
"N-N-Nica...." halatang gulat siya
"Drace... hindi naman totoo yung sinsabi niya dba? Hindi naman ako panakip-butas dba?"
"Nica..."
"Sagutin mo ko Drace... MAHAL MO KO DBA?? Kaya nga niligawan mo ko dba? DRACE!!! Sabihin mo sakin na mahal mo ko!!!"
"Nica..I-I'm sorry..."
Humagulgol ako nung narinig ko ang sagot niya
Hindi niya kayang sabihin na mahal niya ako kase kahit baligtarin man natin ang mundo, si Jessica ang mahal niya hindi ako
Masakit Drace!!!
Pinipilit kong humawak sa maliit na pag-asang mamahalin mo rin ako
Pero ikaw na mismo ang dahilan para mabitawan ko yun
"Bakit ka ba umiiyak? Masyado ka kasing assuming... umasa ka kase na mamahalin ka ni Drace.. kung ako sayo..dapat binabaan mo yung expectations mo ,girl" sabi nmn ni Jessica
"JESSICA!!!"
"Bakit totoo naman dba? SUBSTITUTE lang naman siya eh."
"ANO BA JESSICA!!"
Lumapit sakin si Drace...
"N-Nica...I'm Sor--"
Di ko na napigilan at nasampal ko si Drace...
Tumakbo ako papalayo sa kanilang dalawa habang umiiyak....
"NICA!!"
Hindi ko na marinig ang boses ni Drace na tinatawag ako
Hindi ko kaya ang sakit na idinulot nila sa puso ko....
Nabingi na ako sa sobrang sakit....
Hindi ko na alam kung saan ako pupunta...
Hindi ko na makita ang dinadaan ko...
Hanggang sa....
"AAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!"
Feeling ko gumugulong ako pababa
"BLAGGGGGG!!"
"NICAAAAAAAAAAAAAAA!!!"
Kuya...
"NICAAAAAAAA GISING!!! HUMINGI KAYO NG TULONG DALI!! NICAAA!!!!!"
Pinilit kong gumising...
.
.
Pero hindi ko kaya..
Ang sakit...
Pero hindi ko alam kung yung katawan ko ba o yung puso ko
Pinipilit kong igalaw yung katawan ko pero hindi ko magawa
Hindi ko rin kayang imulat yung mga mata ko
Nahihirapan na akong huminga
Ano ba tong nararamdaman ko?
Unti-unti akong nabibingi
Hindi ko na sila marinig
Ang tanging naririnig ko na lang ay ang pintig ng puso ko'
Hanggang sa mawalan na ako ng malay...
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Deaf from your love
RomanceMasarap ba magmahal? Masakit ba umasa? o mas masakit ang pinaasa?