Daniel's POV
Gumising ako ng maaga para mag jogging tutal wala namang pasok ngayon dahil sabado. Oo sabado na! Mabilis lumipas ang araw ko sa BIU. At isang word lang masasabi ko para sa school na yon! HELL!
Napakalaking adjusment sa buhay ko ang pagpasok sa paaralan na 'yon! To think na galing ako sa isang desente at eleganteng paaralan noon.
Sabi ni Cathy mag adjust na daw ako ngayon para hindi ako mahirapan. Pero hindi ko talaga magawa! Nangangate ang mga mata ko sa mga taong nandon! -__- Bakit? Kase kase kahit saang sulok ako ng school na yon pumunta, may mga binubully, naglalandian, at may mga nambabastos at nagsasalita ng pabalang sa mga professors. Minsan nga nakakita ako elementary rather bata pa, nambubully na at bastos sumabat sa teacher. Naisip ko nga noon kung yung ganung attitude ba ang itinuturo nila sa mga bata? Achievement ba sa kanila ang maging masama ang ugali ng mga studyante? Tsss.
Hanggang ngayon iniisip ko parin kung bakit ako inilipat ni Dad sa patapon na school na yon! Ang gaganda naman ng mga grades ko. At hindi ako pasaway. Napakabait ko kaya. Idagdag nyo na ang sobrang kagwapuhan ko. Tapos sa mga patapong tao lang pala makikihalubilo ang kagwapuhan ko?! -__-
Hindi naman lahat don may napaka samang ugali. Katulad nila Cathy at Josh. Sila lang kasa kasama ko sa school. Pakiramdam ko kase totoo sila. Hindi katulad nung iba, kagwapuhan at fame ko lang ang habol. At kung matatanong nyo lang si Gorgeous..
Two words..
SUPER HELL!
Kung anong iginanda ng muka niya siyang ikinapangit ng ugali nya. Dapat hindi ko siya tinatawag na gorgeous e. Nakakasuka puta! Iww. Oo IWW! Sa mga araw ko sa BIU nagsisimula ko na rin siyang ayawan! Well kung tutuusin siya ang dahilan ng mga away sa school. Ang dami niya na ring tinangal na prof dahil sa napaka meaningful nyang dahilan na Ang boring mo kaseng magturo. See? Nakakarimarim yung babae na yon!
Oo inaamin ko, Crush ko siya noon. Uulitin ko, NOON! Tsss. Ayoko na sa kanya ngayon. Kung tutuusin may babae naman talaga akong hinihintay. Nasa states lang siya ngayon. Abangan nyo na lang ang pagdating ng walang kwentang yon. Dejk. Hahaha.
Habang nag jajogging ako dito sa Subdivision namin may nakita akong babae mula sa malayo na mahaba ang buhok at nakaputi.
Jusko!
Sadako?!
Lol. Ang OA. Ang Bading! -__-
Hindi ko makita yung muka nung babae. Medyo madilim pa kase dahil 5am palang. Naglalakad lakad ata yung babae? Ay! May kasama pala siyang aso.
Lalapitan ko sana yung babae kase parang ngayon lang ako nakakita ng babaeng nag jajogging dito. Pano kase masyadong exclusive ang Subdivision na to.. Para lang sa mga Enterpreneur. Kaya bihira lang talaga ang mga babaeng kaidaran ko dito. Muka kaseng kaidad or lamang lang ako ng isang tao dun sa babae.
Hindi ko namalayan na medyo malapit lapit na din ako dito sa babae. Parang kilala ko siya? Nakatalikod kase siya e. Naka nightyss siya. Mukang kagigising lang din. Teka! Mahabang itim na buhok? Puting nightys?!
WHITE LADY BA TO?!
Tumahol yung aso nya sa akin kaya napalingon din siya.
Parang...
Parang nag slowmo ang oras.. ang paligid..
Hinagangin ang itim at mahaba niyang buhok..
Hindi ko magawang alisin ang mga tanaw ng mata ko sa kagandahan ng---
"What the fuck are you doing here, Padilla?!!"
Bigla akong natauhan! Tsss. Namamalikmata lang ako. Wala palang maganda sa isang 'to! -__-

BINABASA MO ANG
My Cool Girlfriend
Teen Fictionanother teen fiction, guys! Hope you like it. ;) -Mikaellabs ❤