Sixteen

70 5 0
                                    

[Yvette P.O.V]

Nakakairita talaga! mukhang mahihirapan ako nito ah! Tsk! Kailangan makaisip ako ng paraan kung paano ko muli mapapaamo si Vince. Ang arte ng lalaking yon, kung hindi ko lang sya kailangan matagal ko na syang pinadispatya. Pasalamat talaga ang isang yon at sya ang susi ko sa mga plano namin. Isa pa 'tong Carlos na 'to, alam kong nakakaamoy na sya kaya naman nahihirapan ako kapag nandyan sya sa paligid.

Ang lubos ko lang pinagtataka ay kung bakit sya nananatiling tikom ang bibig, matagal ng gumugulo sa isip ko 'to.. kung alam nyang nagpapanggap lang ako bilang Catherine Amores, bakit hindi nya ko isinusumbong sa mga magulang nyang tatanga-tanga at mga mamamatay tao.

''Hello. Ma,'' Sagot ko sa phone ko.

''Ano na bang balita? Yvette, tumatakbo ang oras at panahon.. sooner o later, baka bigla na lang lumitaw ang tunay na Catherine Amores, kaya madaliin muna ang pagpapakasal kay Vincent Villareal.''

I rolled my eyes. Tatawag lang sya kapag makikibalita, ni hindi man ako kinamusta!

''Nahihirapan ako, Ma. Naka-set na naman ang wedding namin pero ini-adjust lang nila ng konti dahil may mga inaasikaso pa sila. Tsaka alam nyo namang mainit ang mata sa akin ni Carlos at nag-aalangan na sa akin si Vincent.'' Paliwanag ko.

''Kasalanan mo yan! Kung hindi ka ba naman isa't kalahating gaga.. manlalalaki ka na lang, nagpahuli ka pa sa fiancee mo.'' She said.

''Ma, hindi ko lalaki si Mark. He's my real fiancee for pete's sake.. Ma, may sarili din akong buhay! Matagal na kong nagtitiis sa mga Amores, matagal na kong nagsasakripisyo para sayo. Ma, itigil na natin 'to.'' I said.

''Ikaw ang magtigil, Yvette. Hindi ko ginagawa 'to para sa sarili ko.. ginagawa ko 'tong lahat para sayo, para sa papa mo!'' She answered.

''Para nga ba kay papa o para sa sarili nyo? Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin kayo makamove-on kay Roberto Villareal na si Elizabeth ang pinakasalan nya at hindi ikaw?..''

''Hindi totoo yan,Yvette..''

''Talaga, Ma? Kaya ang laki ng galit mo sa mga Amores, dahil si Shiela Amores ang dahilan kung bakit nagkakilala si Roberto at ang bestfriend nyang si Elizabeth.''

''Tumahik ka! Wala kang alam, Yvette. Ito ang itatak mo sa kokote mo, ang mga Amores ang dahilan ng pagkamatay ng papa mo.. Yang mga Amores at Villareal ang dahilan kung bakit nagkanda-letche letche ang buhay natin.''

''Sila nga ba talaga, Ma?? O, sila lang ang ginagawa mong dahilan para mapagtakpan ang sarili mo?''

''Kung para lang sa sarili ko 'tong ginagawa kong paghihiganti, sana pinapatay ko na lang sila at isasabay ko na yang Mark na yan..'' She said.

Parang biglang umurong ang dila ko sa mga narinig ko dahil alam kong di nagbibiro ang mama ko. Isa 'to sa mga dahilan kung bakit ako pumayag sa mga plano nya.. Ayokong dumating sa point na pumatay na sya!

''Please! Ma.. Napag-usapan na natin 'to! Walang mamamatay.. And please, wag nyong idamay si Mark dito, wala syang kinalaman sa kusot ng pamilya natin.'' Pakiusap ko.

''Yun nga, napag-usapan na natin 'to ng maraming beses.. naplano na nga natin, diba? Ikaw lang 'tong nagpapagulo sa usapan natin eh! Sabihin mo na hangga't maaga kung di mo na kaya.. para ako na ang tumapos ng lahat.''

''Ma, konti panahon pa, medyo nahihirapan lang ako ng konti lalo pa't may nakikigulo sa akin!'' Napasimangot ako ng maalala ko ung naging engkwentro namin ni Cathy nung isang araw. That bitch, may araw ka rin sa akin..

''Nakikigulo? Sino?'' She asked.

''She's nothing, Ma. Wag nyo na syang alalahanin at ako ng bahala sa kanya.''

''Make sure na hindi makakaapekto sa plano natin yan, Yvette. Isa pa, mag- ingat ka at baka may makaalam ng sekreto mo. Birthday mo na next week bilang Catherine Amores.'' She said.

''Oo nga pala.. Hindi pa naman napag-uusapan ung birthday kuno ko eh!''

Buti pa, birthday ni Catherine Amores.. naaalala nya! Samantalang ni hindi nya ko binabati sa tunay kong birthday.

''Okay! Take a rest. Bye!'' Paalam nya.

Humiga na ako sa kama ko. Tumingin ako sa wall clock ng napaka-ganda kong kwarto, 1 am na pala. Huminga ako ng malalim tsaka napangiti habang unti-unting pumapatak ang mga luha ko.

''Happy Birthday To Me.'' I whispered.

Minsan naisip ko, sana ako na lang talaga si Catherine Amores.. maswerte sya kasi may mga taong nagmamahal sa kanya kahit wala sya dito. Nasaan na kaya ung tunay na prinsesa ng mga Amores, Buhay pa kaya sya??

I closed my eyes, bigla na lang lumitaw sa isip ko ang imahe ni Papa.

''Papa..'' Napahagulgol akong tuluyan ng maalala ko na naman si Papa.

(Flashback)

3 days after her birthday.. Naglalaro si Yvette nun' ng nalapitan sya ng kanyang Papa.

''Yvette, pasensya ka na anak kung hindi engrande ang birthday mo nung nakaraan, alam kong nangako sayo si Papa kaso lang nagkataong nagipit naman tayo.'' Paliwanag ni Juanito sa anak.

''Papa, wala na po ba tayong pera?'' Inosenteng tanong ng batang si Yvette.

''Meron pa naman kaso konti na lang anak. Nalulugi na kasi ang negosyo natin sa pagmemerge ng Amores-Villareal Company. Kaya ung ibang investor natin, lumilipat sa kanila.'' Sagot ni Juanito at paliwanag kahit alam nyang hindi sya naiintindihan ng kanyang anak.

Ang Amores ang pinaka-mahigpit na kakumpitensya sa negosyo ng mga Briones, malakas na talaga ang negosyo ng mga ito kahit noon pa. Subalit, mas naging tanyag at maamoy ang pangalan ng mga ito simula ng makipag-merge ang mga Amores sa mga Villareal. Dahilan para ang karamihan sa mga investor ng mga Briones ay lumipat sa Amores na ikinaluge nila.

''Sunday ngayon, Papa. Bakit nakabihis po kayo? May lakad po ba kayo?'' Tanong ni Yvette.

''Oo, anak. Aalis si Papa, may aasikasuhin lang ako. Kakausapin ko si Mr.Dela Rosa, mayaman yon anak. Kapag yon napapayag kong mag invest sa atin, tiyak kong makakabangon tayo.''

''Eh, paano kung hindi?'' Yvette asked.

''Kapag hindi napapayag ng papa mo na mag invest si Mr.Dela Rosa, tuluyan na tayong mababankrupt.'' Singit ni Marivette sa pag-uusap ng mag-ama.

''Magaling si Papa, kaya mapag-iinvest nya si Mr.Dela Rosa.'' Sagot ni Yvette na bilib na bilib sa kanyang ama.

''Tuso ang mga kalaban, anak.'' Sagot ni Marivette sa anak, tsaka bumaling sa kanyang asawa. ''Lumakad ka na at baka maisahan ka pa ng mga yon.'' Habang inaayos ang kurbata ng asawang si Juanito.

Nang makaalis na si Juanito ay napag-alaman nyang nasa isang resort si Mr.Dela Rosa, sa Là Amores Resort. Ngunit isang trahedya ang hindi inaasahang mangyayari at susubok sa pamilya Briones, dahil ang inaasahang padre de pamilya ay bangkay ng nakauwi sa mga Briones.

Walang ibang ginawa ang mag-inang Yvette at Marivette, kundi ang umiyak ng umiyak. At paulit-ulit na tinatatak ni Marivette sa utak ng kanyang anak na si Yvette, na dapat pagbayaran ng mga Amores ang pagkamatay ng kanyang mahal na ama, pati na ang mga Villareal na syang tumulong sa mga Amores na pagtakpan ang nasabing trahedya upang di makaapekto sa kanilang negosyo.

(End Of Flashback)

''Magbabayad sila, pagbabayaran nilang lahat ang ginawa nila sa pamilya ko. Ako si Yvette Briones, ang tatapos sa mga maliligaya nilang araw dito sa mundo. Hindi ako titigil hanggang hindi ko nasisira ang mga buhay nila..''

Tuluyan ng nakatulugan ni Yvette ang pag-iyak habang inaalala ang huli nilang pag-uusap ng kanyang ama. Habang patuloy-tuloy nyang itinatanim sa kanyang utak na ang mga Amores at Villareal ang dahilan kung bakit sya nawalan ng ama sa murang edad. Magkaroon lang hustiya ang pagkamatay ng kanyang mahal na ama tsaka na sya magbabagong buhay kasama si Mark.. pero sa ngayon, tatapusin na muna nya ang nasimulan nila ng kanyang ina. Hindi nya hahayaan masayang ang ilang taong iginugol nya sa mga taong pumatay sa kanyang ama!

The Amores Long Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon