Nine

95 7 0
                                    

Nakabihis na si Vincent at paalis na ng Hacienda para sa usapan nilang pagkikita kay Janelle, nang makasalubong nya si Cathy na palabas ng kwarto nito.

''Aalis ka?'' She asked. ''Oo. May aasikasuhin lang ako sandali.'' He said, lumapit si Vincent at hinalikan si Cathy sa noo bago umalis.

Hindi ugali ni Vincent ang humalik sa noo, kaya kahit sya ay napapaisip kung ano ba talagang meron kay Cathy at nagkakaganito sya.

Sa isang coffee shop sila nagkita ni Janelle. Malayo pa lang sya ay tanaw na ni Vincent ang nag-aalalang mukha ni Janelle.

''Ayos ka lang ba?'' She kissed his cheeks, pagkalapit sa kanya ni Vincent.

''Okay na ako. Ngayon na lang ulit ito nangyari, Janelle.'' Inihilamos ni Vincent ang mga kamay sa mukha.

''Akala ko tuluyan ng nawala yan? Ano ba kasing nangyari?'' Puno ng pag-aalalang tanong ni Janelle.

He sighed. ''Ewan ko, hindi ko alam. Basta after I heard Cathy called me, Vinney.'' Ginulo pa ni Vincent ang buhok nya.

''Wait! Who's Cathy?'' Janelle asked him. Tho, medyo nahawa na si Vincent sa mga kaibigan nyang babaero, ngayon na lang ulit ito nagkakaganito ng dahil sa babae.

''Anak sya ng trabahador namin sa Hacienda.'' Agad namang tumaas ang kilay ng dalaga. ''Seriously? Vince.'' Hindi makapaniwalang sabi ni Janelle.

''Wait lang, okay? Alam ko yang tumatakbo sa madumi mong utak.'' Vincent said.

''At naamoy ko rin ang maitim mong balak!'' Ismid ng dalaga.

''So, what based?'' Janelle asked. ''Tsk! ang chismosa mo, alam mo yun?'' sambakol ang mukhang sabi ni Vincent. ''Ano nga?? sagutin mo na lang kaya!'' pilit ng dalaga.

''1st, satisfied?'' Vincent rolled his eyes. Tulad nga ng inaasahang reaksyon ni Vincent, humagalpak ng tawa si Janelle.

''Hahahaha! 1st? humihina ka na ata!! hahaha'' pang-aalaska ni Janelle.

''Pwede ba? pinagtitinginan na tayo. Wag mong hintaying lagyan kita ng busal.'' Vincent said, nagpeace-sign naman si Janelle.

''Ok! titigil na, pikon.'' Nangingiting sabi ng dalaga. ''Ok, mabalik tayo sa usapan. Bumalik na naman yang mga yan ng tinawag kang Vinney nung Cathy, kamo?'' Vincent nodded.

''Posibleng dahil ngayon mo na lang ulit narinig ung pangalang yon, na nasa panaginip mo lang naririnig. Kaya bumabalik na naman.'' Litanya ni Janelle. ''Hmmm. pwede.'' Napapa-isip na sagot ni Vincent.

''Pero bakit ka nya tinawag na Vinney?'' Takang tanong ni Janelle. ''Yun nga rin ang iniisip ko, baka nagkataon lang.'' Vincent said.

''Vince, hindi kaya.. Si Cathy na ang sagot dyan sa problema mo?'' Seryosong saad ni Janelle. ''I dunno.'' Napayuko na lang si Vincent sa pagka-lito.

''Sama ako sa Hacienda! I want to meet her.'' Napabuntong-hininga na lang si Vincent.

Wala syang nagawa kundi isama nga sa Hacienda ang dalaga. Knowing Janelle, kukulitin lang sya ng kukulitin nito.

Janelle his girl bestfriend. Ito lang ang nakaka-usap nya na medyo matino compare sa mga sira-ulo nyang bestfriend tho, may saltik din ang babaeng to kung minsan.

''Maganda ba sya? Mabait ba? Ano?!'' pangungulit ni Janelle sa kanya habang nasa byahe sila pauwi ng Hacienda. Pinadi-describe kasi nito si Cathy.

''Janelle, pwede ba? Ayaw mo naman sigurong itapon kita sa bintana ng kotse ko!'' Nayayamot na kasi si Vincent sa kaingayang ni Janelle. ''Tsk! Oo na!'' Sagot na lang ni Janelle.

The Amores Long Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon