Chapter 3

34 2 5
                                    

Kierra

Mag iisang lingo na rin ang naka lipas matapos ang unang pasukan. May mga kakilala na rin naman ako kahit papano.

Halos lahat na ata sila kilala ko dahil sa ako lagi ang pinag sisingil ng adviser namin ng mga kung ano anong ka ekekan sa classroom.

Kami ni JD? Kami na. niligawan niya ako pag katapos nung araw na sabay kaming umuwi.

Pero syempre imagination lang yon ng malandi kong utak.
Haaayy.

Sa tingin ko unti unti ko na siya nagugustuhan. Ang bait niya kasi. Matalino pa. May itsuraa pa. Hindi lang itsura. Nung nag pasabog ata si Lord ng kapogian kinuha niya yung panty nung adviser namin para masalo lahat.

Si Mrs. Betina ang adviser namin. Napaka istrikto at sungit niyang guro. Kaya ayan. Ayaw lahat sa kanya ng mga estudyante.
Hindi naman ako kasama doon.
Sa totoo nga takot ako sa kanya. Isa siyang malaking babae na kala mo pinasabugan ng granada ang nguso. Malapad pa ang kanyang pwetan.

Bakit nga ba tayo na punta kay Mrs. Betina? Haayynako.

Kasalukuyang kaming nag sasagot ngayon ng activity.

Parang napansin ko, ang wierd nitong katabi ko. Nung minsan kasi na kinausap ko siya at tinanong ang pangalan niya, hindi niya ko binalingan ng tingin.

Miski katawan niya hindi man lang hinarap sa akin nung nakikipag usap ako sa kanya.
Tas tahimik pa. May nakakatakot na aura na bumabalot sa kanya kung titignan mo siya sa malayo.

Tinanong ko nga yung isa kong katabing lalaki kung bakit ganon yung kalase namin. Sabi niya malay niya daw. Weird daw talaga yun, pero hindi naman daw yun ganun talaga ka weird, pag sila sila ng mga boys ang mag kakasama.

Alam niyo bang palakaibigan ako? Syempre hindi nyo alam kasi ngayon ko lang naman sinabi.

"Ilabas ang assignment na newspaper at gumawa kayo ng essay tungkol sa isang news na nakita niyo. I'll give you 30 min. to answer."

Para sa akin easy lang ang mga ganitong bagay. Nasabi ko na ba sa inyo na matalino ako?
Syempre hindi na naman lol,
kasi hindi naman talaga ko matalino. Masipag lang akong mag aral kaya nakaka angat ako sa ibang estudyante na pa petiks petiks lang.

"Ayan tapos na! Hmmm"

Napansin kong walang ginagawa si Fall. Yung katabi kong weird.
Ah. Wala siyang news paper.

Paano ko nalaman pangalan niya?

"Uh, eto fall oh. Gawa ka nang essay. Dalian mo lang baka makita ni ma'am"

Nginitian ko siya para di awkward.
Kinuha niya naman yung news paper at nag simula nang gumawa.

Mag uuwian ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Nakalimutan ko nanaman yung payong ko! Tss.

No choice ako kundi patilain muna ang ulan. Marami naman kami dto sa classroom na hindi pa umuuwi dahil sa lakas ng ulan.

"Kierra. Uuwi ka na?"

Si fall.

"Huh? Ah e hindi pa. Nakalimutan ko kasi yung payong ko eh."

"Hatid na kita"

"Nako , hindi na nakakahiya naman sayo. Tsaka hindi tayo kasya diyan sa payong mo, mababasa at mababasa ang isa sa atin"

"daming sinabi. Sabagay"
Sabay tawa niya.

Sh*t! Si fall ba yun? tumawa siya!
Ang astig ng tawa niya.

Medyo natulala pa ko nung una , na tumawa siya. Kasi sa totoo lang tahimik talaga siya pag mag katabi kami. Tas parang ang cold niya pa. Lalo na pag tumingin ka sa mga mata niya.

"Pasok ka muna dito sa loob, mamaya pa titila yan"
Sabay ngiti niya.

Tae. Totoo ba to? Kinakausap at ngini ngitian niya na ako? Tao din pala siya? Marunong tumawa at mag salita.

Pumasok na lang ako sa classroom at umupo sa upuan ko ng tumabi sa akin si fall.

"Salamat nga pala kanina"

Ang lumanay ng boses niya grabe.

"Ah. Ano ka ba wala yun hehe"

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Sa tingin ko
hindi naman tahimik tong si fall.
Sadyang nag aadjust pa siya sa amin.

"Mag syota ba kayong dalawa?"
Sabi nung kaklase naming si rudolf.

"Huh? Pinag sasabi mo dyan?"

"Kaya ba ayaw mong mag pahatid sa akin kanina kierra? Kasi yang syota mo mag hahatid sayo?"
Pag tatakang tanong niya.

"Ano bang pinag sasabi mo? Mag katabi lang syota na? baliw ka ba?"

Si fall naman. Ayun pangisi ngisi lang.

seryoso fall? Tss.

Di mo malaman kug natutuwa ba o naiinis siya sa nangyayari eh.

"Uh, sige una na ako."
Sabi ko sabay tayo. Tinanguan niya lang ako habang naka ngiti.

Palabas na ako ng room ng may pahabol pa na salita si fall.

"Ingat ka girlfriend. See you bukas"
Then he chuckled.

"Salamat" sabi ko sabay alis.

Naka labas na ako ng gate at na pahinto ako ng ma proseso na ng utak ko ang sinabi ni fall.

T-teka? A-ano daw?
G-Girlfirend? Loko yun ah!
Baliw.
Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa aking mga labi.

-xx-

Author/
Waaaa. What can you say about fall? :) feel free to comment and vote!

Lovemwaaa~

xxoo

Kung Pwede LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon