Commercial muna XD: Una po, Thank you po sa lahat ng nagbabasa nito ngayon (oo, ikaw! XD) naa-appreciate ko po yung mga taong nagco-comment kase po madaldal po ako, kahit di man ako agarang mag reply, magrereply parin po ako. Nakakatouch kasi e (Ang drama lang XD) ayun lang, tenkyuuu!
============================================================================
(Heart's POV)
Nandito ako ngayon sa may park, nakatingin sa kawalan habang hawak-hawak ang isang envelope.
Envelope na naglalaman ng invitation sa Kasal nila Spade at ng Bestfriend ko.
Tae. Ang sakit-sakit. pwede naman na hindi nalang ako i-invite diba? Ano, gusto pa ba nilang ipamukha saakin? Parang pinapatay na nila ako nito nang harap-harapan.
Tsaka, isa pa, nagmamadali ba sila? Ang bata-bata pa namin tapos magpapakasal na agad sila? Ganun ba nila kamahal ang isa't isa?
Ang sakit isipin. Ang sakit. SOBRA.
Sa maniwala kayo o sa hindi, hindi na ko umiiyak. Hindi dahil sa tanggap ko na, kundi dahil di na kinaya ng mga luha ko na lumabas dahil araw-araw nalang ako umiiyak.
Pero mas okay sana kung maiiyak ko lahat ng nararamdaman ko. Kasi kahit papaano, sa ganoong paraan, mababawasan ang kalungkutan na nadarama ko.
Wala rin naman akong masabihan ng lahat ng mga hinanakit ko dahil yung bestfriend ko, na dati ay kasangga ko sa lahat ng problema ko, ay kasama sa mga hinanakit ko.
Ang tanging makakapitan ko nalang ay si kuya Lance.
Bata palang ako, tinuring ko na si kuya Lance na parang totoo kong kapatid, Ni minsan kasi, hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid. Kaya naman itong si kuya Lance nalang ang naging kapatid ko. Masaya ako dahil doon. Minsan nga overprotective na sya sakin eh.
Ganun din sa LOVE. Dahil minsan nang nasaktan si kuya Lance. Pero hanggang ngayon mahal parin nya yun. kaya, naiintindihan nya ako sa lagay ko ngayon.
Napagdesisyunan kong pumunta sa bahay nila kuya Lance. Malapit lang kasi yun dito, And i badly need him now.
Nagtext muna ako kay kuya Lance bago ako pumunta sa bahay nila. Hindi ko sinabi na may problema ako, ang sinabi ko lang, Bored ako at kailangan ko ng makakak'wentuhan. Pumayag naman sya dahil wala naman daw syang gagawin.
Nandito na ako sa labas ng bahay nila kuya. Agad naman nya akong sinalubong.
"Tara bunso, sa may Balcony tayo..." yan ang bungad nya sakin. Ngumiti lang ako at tumango.
Nandito kami ngayon sa may balcony nila. May dala pa syang pizza at juice.
"Kumain ka muna, bago mo sabihin ang problema mo..." sabi nya sakin ng seryoso. Ganun ba ako kadaling mabasa? O baka naman totoo ko nga siyang kapatid at nararamdaman nya ang nararamdaman ko???
"Kuya, Anu bang pinag-"
"Kumain ka na, Heart..." halo-halo ang feelings nya dun sa maikling luinyang binitawan nya. May authority, may awa at may lungkot.
Wala na akong nagawa kunndi sundin sya. At, the moment na natapos na kami kumain, naghanap ako ng iba naming paguusapan para maiwas sya sa topic na ayw kong pagusapan.
"Aaaaah, Ano, Ay kuya! ang sarap ng pizza noh? ano bang flavor nyan? yan na ang bago kong favorite! Tsaka yung juice? Ang sarap din! san nyo nabili yan? huy kuya!" sunud-sunod kong sabi sa kanya na ngiti-ngiti pa.
Pero nagulat ako sa ginawa nya.
Yinakap nya ko. Yinakap nya ako ng sobrang higpit.
"Please Heart , tell me what's wrong,,, ako ang nasasaktan sa ginagawa mo e..."
At sa hindi malamang dahilan, muling bumuhos ang mga luha ko, na kanina, ni tuldok eh ayaw lumabas.
"kasi kuya hindi ko na talaga kaya.... Bakit ba nangyayari sakin lahat ng ito.... Naging mabait naman ako,,, Wala naman akong ginawang mali,,, pero bakit kailangan ko pa 'tong maranasan, ha? Bakit ba ako pinaparusahan ng ganito? Nagmahal lang naman ako kuya diba? Nagmahal lang ako... anu bang masama dun?"
Nakayakap lang sya sakin ng mahigpit, pinakikinggan lahat ng sasabihin ko,,,
"Tapos, Tapos,,,-" lumakas na naman ang iyak ko, "-Inimbitahan pa nila ako sa kasal nila... Hindi ba nila alam kung anong mararamdaman ko? Talaga bang wala na syang pakielam sakin? kuya ayoko na! Pagud na pagod na ko... hindi ko na kaya....." Basang-basa na siguro ang Damit ni kuya Lance dahil sa pagiyak ko pero, hinahayaan nya lang. ano nalang ako kung wala si kuya??
"Sshhh.. Tahan na,,, tingin ko nalabas mo na ang dapat mong ilabas..." mukhang tama nga si kuya. Kahit papaano, gumaan ang nararamdaman ko pero nandun parin yung sakit at kirot. haaaayyy...
"Kuya ayoko pumunta,,, masasaktan lang ako lalo... baka umiyak lang ako dun....." Sabi ko nung medyo nahimas-masan na ako.
Pagkasabi ko nun, humarap sya sakin at tinignan ako sa mata...
"Hindi Heart. Pupunta ka. Kailangan mong pumunta,,,"
Diba, dapat, malungkot ako sa sinabi ni kuya?
pero,,,
Hindi eh.....
============================================================================
Kayooo? May mga boy bestfriend ba kayo na parang kuya nyo na? kwentuhan tayooo... XD
BINABASA MO ANG
Pwede bang ako nalang...Ulit? [Short Story]
Teen FictionTayong mga tao, nare-realize lang natin ang mga bagay na mahalaga sa atin, pag ito'y nawala na. Malalaman mong mahal mo sya, pero huli na. O huli na nga ba? Nasa tao parin ang desisyon para umakto. Kung ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo at kung...