Malapit ng matapos 'to! mga 3 chaps nalang siguro. hahaha short story lang naman talga dapat to eh XD
=============================================================================
(Heart's POV)
Eto na. Araw na ng kasal.
Hindi ko na alam ang gagawin ko pero sa huli,
Pumunta parin ako.
Siguro sasabihin nyo ,,Bakit ka pa pumunta? Masokista ka ba? Eh alam mo namang masasaktan ka lang,, Pero alam nyo,
Hindi ko rin talaga alam.
Siguro nahihibang na ako. Pero wala na e, nandito na ko. Aalis pa ba ako?
Sa mga oras na to, Naglalakad na ang napakagandang bride papunta sa kanyang groom...
Si Spade.
Ang Gwapo-gwapo nyang groom. Bagay na bagay sa kanya ang suot nya, kaso.....
Hindi ako ang bride nya.
Masyadong nakakalungkot isipin. Masyado ring masakit. Pero i need to be happy for them.
Kahit na mismo sa sarili ko alam ko na hindi ko kaya.
Eto na naman tong mga luha ko. Hindi na naman nila napigilang lumabas sa sobrang lungkot na nararamdaman ko ngayon. Para na akong namamatay.
Nahatid na ang bride ng kanyang mga magulang sa groom at nakaharap na sa pari.
Hindi ko na kayang makinig pa.
Humarap si Father sa bestfriend ko, si Alex. "Do you, Alexandria Dela Vega, take Spade Alvarez as your Husband, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, from this day forward until death do you part?"
"Yes Father." Mahinang sagot ni Alex na sobrang nakapagpabigat ng loob ko.
Humarap naman si Father kay Spade. "Do you, Spade Alvarez, take Alexandria Dela Vega as your wife, to have and to hold from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish from this day forward until death do you part?"
Katahimikan. Katahimikan ang bumalot sa buong simbahan. Walang nagsalita, kahit si Spade.
Hindi na ako makapag-isip nang tama. Hindi ko na kayang manahimik pa......
"SANDALI!"
Nagulat ang lahat sa biglang sigaw ko at pagtayo. Si Alex, si Spade,,,
At pati ako.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tahimik ang lahat na parang hinihintay nila kung ano ang susunod na mangyayari. Hindi ko pwedeng itigil ang kasal, dahil para ito sa bestfriend ko. Kahit ako nalang ang masaktan, Wag lang sya..... hindi rin naman ako mahal ni Spade, kaya its no use.
Patuloy parin sa pagtulo ang pesteng luha ko. pero kailangan kong magsalita.
"G-gusto ko lang sabihin sa inyo na— na masaya ako para sa inyong dalawa...........Alam nyo naman na mahalaga kayo sakin........and― and all i ever want is your happiness.......... y-yun lang............"
Tumalikod na ako at naglakad papunta sa Exit. Di ko na kasi kaya.
"HEART!!"
Nagulat ako sa sigaw ni Spade kaya agad ko syang nilingon.
Nakatingin lang sya saakin at nakahawak naman si Alex sa wrist nya.
I just smiled at him. A smile that I know Isn't enough to cover up for my sadness,,,,, and hurt. Then I headed to the door.
*****
Hindi ko na alam kung nasan na ako. Masyado nang malabo ang paningin ko dahil sa luha ko, basta takbo lang ako ng takbo. wala na aakong pakielam sa paligid ko.....
*BOOOGGSSHH*
Nadapa na ako. Tinignan ko ang tuhod ko at nakita ang malaking gas-gas dito. Sobrang sakit, Pero mas nangingibabaw padin ang sakit na nararamdaman ko.
Nakaluhod lang ako sa lupa, Habang umiiyak. Wala na akong ibang alam gawin ngayon, kundi ang umiyak.
"Pinilit kong maging masaya,,,,, pinilit kong kalimutan ka,,,,, pero,,, Bakit? Kahit na niloko mo lang ako,,,,, kahit na paulit-ulit mo lang akong sinasaktan.............
Eh Mahal parin kita?!"
Just then i felt arms wrapped around me.....
"Heart......" said a voice that i already knew by heart.
"S-Spade?!"
=============================================================================
sorry kung maikli lang, may pupuntahan kami e XD
BINABASA MO ANG
Pwede bang ako nalang...Ulit? [Short Story]
Teen FictionTayong mga tao, nare-realize lang natin ang mga bagay na mahalaga sa atin, pag ito'y nawala na. Malalaman mong mahal mo sya, pero huli na. O huli na nga ba? Nasa tao parin ang desisyon para umakto. Kung ipaglalaban mo ba ang nararamdaman mo at kung...