Ang Maling Akala

5 0 0
                                    

Disclaimer: Ito ay isang maikling kwento na mula sa imahinasyon. Anumang pagkakahawig sa aktwal na tao, nabubuhay man o yumao na, ay hindi sinasadya.

Umasa ka ba at nasaktan ng isang taong hindi ka kayang mahalin? Naranasan mo na bang magpamartir para sa isang taong may mahal ng iba? Hindi ka nag-iisa. Kadamay mo ako. Sa katunayan, ang lahat 'yan ay naranasan ko na. Ang saklap no?!? 'Yan ang napapala ng mga taong mahilig magbasa ng mga fairy tales, madalas ay naniniwala na may happy ending kaya sa huli ay palaging luhaan. Masyado kasing umasa...

Naging choir member ako sa Our Lady of Fatima Parsih sa may Molino. Matagal rin ako doon, mga limang buwan rin. Sa loob ng limang buwan na iyon ay may isang taong laging nagbibigay ngiti sa aking mga labi, ang aking kaklase na si Hans. Kung tutuusin, hindi ko naman talaga parokya ang simbahang aking sinalihan. Kaya lang ako napadpad doon ay dahil sa kanya. Simula grade 7 ay hinahangaan ko na siya. Napakatamis ng kanyang mga ngiti, nangungusap ang kanyang mga mata, may matangos na ilong, matangkad at napakasarap pakinggan ng kanyang napakalambing na boses. Sa tuwing magkagrupo nga kami sa isang gawain, halos mamatay na ako sa sobrang kilig. Ayon sa pag-aaral ang crush ay nagtatagal lang daw ng tatlong buwan at kapag lumagpas pa doon ay may iba ka nang pagtingin sa kanya. Siguro, masasabi ko na ring na inlove nga ako sa kanya. Gabi-gabi siyang laman ng aking mga panaginip. Pagkagaling sa eskwela kahit pagod na pagod ay agad akong nagbubukas ng Facebook, umaasang online siya. Kapag naswertehan ay nakikipagkwentuhan ako tungkol sa mga bagay-bagay. Kahit walang kwenta, pinag-uusapan namin. Ganyan siguro talaga kapag masarap kausap ang kakwentuhan mo. Minsan sa sobrang pagkawili habang kami'y nagpapalitan ng mensahe, hindi ko na namamalayan ang oras. Umaabot na ng madaling araw ang aming talakayan. Kaya, kinabukasan...BOOM! Puyat. Ang mga pag-uusap na iyon ang naging tulay upang mas maging malapit pa kami sa isa't isa.

Sa mga pagkakataong gumagala kami sa mall, sabay na nagsisimba tuwing Linggo at magkasalong nakain tuwing lunch ay hindi masukat ang aking kasiyahan. Sinusulit ko ang mga ito dahil batid kong pag-dating ng araw ay pipiliin niyang iwanan na lang ako. Mahirap man aminin pero, hindi ko naiwasang umasa. Napakabait niya kasi, gentleman, ang sweet at higit sa lahat ay siya ang aking naging tagapagtanggol sa mga kaklase naming bully. Kaya rin siguro sa kabaitan niyang ipinakikita sa 'kin ay agad akong pumayag na samahan siya sa kanyang parokya upang maging member kami ng choir. Para sa pag-ibig ay handa akong magsakripisyo. Naging pabor naman sa 'kin iyon, paligi ko siyang nakakasama hanggang Linggo.Kasabay ng paglipas ng panahon, mas lumalim at tumindi pa ang aking nadarama para sa kanya. Isang gabi, nakaipon ako ng lakas ng loob na gawin ang isang bagay na matagal ko nang nais gawin. Napag-isipan kong aminin ang aking nadarama para sa kanya sa pamamagitan ng Facebook ngunit napagtanto ko na hindi pa iyon ang tamang oras at hindi rin iyon ang tamang paraan. Isang araw, habang inaantay ang aming guro, kumuha ako ng isang papel at nagsulat ng liham para sa kanya para mailabas ang lahat ng nais kong sabihin.

"Dear Hans,

Unang-unang sa lahat, maraming salamat sa ating pagkakaibigan. Salamat dahil palagi kang nandiyan para sa 'kin. Salamat dahil isa kang totoong tao at kailanman ay hindi mo ako ginamit para sa iyong pansariling hangarin. Isa kang tapat na kaibigan, hindi mo ako pinababayaan. Napakabait mong tao. Marahil dahil dito, nahulog ako para sa 'yo. Tama ang pagkakabasa mo, nahulog at patuloy pa rin akong nahuhulog para sa'yo. Matagal na kitang hinahangaan, grade 7 palang tayo. Dalawang taon ko na rin palang itinatago ang tunay kong nararamdaman para sa 'yo. Napakasarap pakinggan habang binibigkas mo ang mga salitang "I love you" , ngunit agad namang napapalitan ng pagkadismaya at sakit ang kasiyahan na ito sa tuwing idinurugtong mo ang salitang "Friend". Umaasa akong isang araw ay magagawa mong sabihin ang mga salitang, "I love you, Rose". Walang kasunod na salitang kaibigan. Pero alam ko namang imposible iyon dahil ang masakit ay nakababatang kapatid lamang ang turing mo sa 'kin. Alam kong ikinagulat mo ang pag-amin kong ito. Hindi kita sisisihin kung pipiliin mo akong layuan. Matagal ko ring pinag-isipan ang pag-amin na ito. Natatakot ako na baka masira lang at mauwi sa wala ang ating pagkakibigan ngunit hindi ko na kayang pigilan pa ang pagtibok ng aking puso at kailanman ay hindi ako sasaya kung puro utak lamang ang aking gagamitin. Umaamin ako sa 'yo para malaman mo na ang katotohanan at para na rin hindi pa ako mahirapan pa. Maiintindihan ko kung maiilang ka sa 'kin at malinaw na rin na kahit kailanman ay hindi mo matuturan ang puso mong mahalin ako. Ngunit may bahagi ko pa rin ang patuloy na umaasang magagawa mo akong mahalin. Marahil ay ito na ang huli nating pag-uusap, salamat ulit, Hans. Please never forget that I loved you more than my life. Pipilitin kong mag-move on hindi para sa 'yo kundi para sa sarili ko. Hindi ko rin namn gustong habambuhay na umasa sa 'yo. Dapat siguro ay matutunan ko nang tanggapin kahit paunti-unti na kahit kailan ay hindi ka mapapasaakin. Mag-ingat ka palagi, friEND.

Ang taong minahal ka ng buong puso at umasa sa 'yo sa loob ng maraming taon,

Rose "

Matapos maisulat ay gumaan ang aking pakiramdam. Hindi ko napigilang pag-iyak hanggang sa nakatulog ako. Maya-maya pa'y naalimpungatan ako dahil sa ingay ng aking paligid. Hindi ko namalayang pumasok na pala sa 'ming silid ang aming guro at sinimulan niya ng talakayin ang aming aralin. Hihikab na sana ako at magtatas ng kamay upang mag banat ng buto nang biglang ginulat ako ni Ms. Concepcion kaya nabitawan ko ang liham na kanina ko pa hawak-hawak. Hindi ko na nahabol pa ang sulat na iyon dahil agad kaming pinakuha ng aming guro ng isang buong papel para sa isang pag-susulit. Hindi na nga swerte sa pag-ibig, pati ba rin ba sa pag-aaral? Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagsagot ng pagsusult. Matapos nito, kinausap ako ni Ms. Concepcion kaya pinauna ko na si Hans sa canteen. Sinabihan niya ako na 'wag na 'wag ko na daw ulitin ang pagtulog habang siya'y nagkaklase. Humingi ako ng paumanhin at dumiretso na sa canteen. Una ko munang hinanap ang lumipad na liham, nakita ko kanina na napadpad iyon malapit dito. Laking pasasalamat ko ng makita ko ito sa ilalim ng isang upuan.Itinupi ko ito ng pagkaliit-liit at itinago ko ito sa kaloob-looban ng aking bag. Maigi ng maniguro.

"Rose, pwede ba tayong mag-usap?"

Ipagpapatuloy...


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon