Mula sa paghaplos nya sa pisngi ko... hanggang sa
pagsalat nya sa labi ko, ramdam ko ang panginginig nya.
Kaso ang ikinagulat ko ay paglapat ng malambot nyang
labi sa akin.
Parang totoo. Di na mapakali ang puso ko, lalo na nang
marinig ko ang boses nya at maramdaman ang labi nya
malapit sa tenga ko.
"Saranghaeyo Kath."
Napakalamig ng boses nya... ang ganda pakinggan.
Unti unting humina ang mga yabag na naririnig kong
palayo sa pwesto ko-- Teka! Yabag ng sapatos?! Ibig
sabihin... di ako nananaginip?!
Dali dali akong napamulat at tumayo para sundan sya.
Please, wag kang mawala.
Minadali ko ang paglalakad hanggang sa nakalabas na
ako ng shelfs nang library. Gumulo ang isipan ko sa
nakita ko... APAT sila. Apat na lalaki ang andito sa lib at
wala ng ibang tao pa maliban s--
"Kilala ko kung sinong humalik sayo."
**************************************************
"Sino nga kase?!"
Kanina ko pa sya kinukulet, ayaw pa din sabihin! >___<
"Kuyaaaa~! Kwento mo na! Gusto kong malaman kung
sinooo~"
Nagsisitinginan na sa akin yung mga estudyanteng
nadadaanan namin. Eh panu ba naman kase? Para akong
buntot na nakasunod sa kanya.
. . .
=3=
. . .
"Teka... Ikaw siguro nuh?"
tanong ko na nagpahinto sa kanya. Bakit ngayon ko lang
naisip yun? Baka nga dahil sya yung kumuha ng pers
kiss ko eh, nahihiya syang umamin sa ak--
"Araaay!"
>3< Binatukan nya akoooo! Tch.
"Spell ASA?!"
"A-S-- A--raaaay!"
nadaing ko sa pagbabatok nya ulet!
"Ano ba problema mo?! Kalawa na yun ah! >3<"
Di na nga tayo ganun ka talino, pinapalala pa nya. Psh.
Napasapo sya sa noo nya na para bang pasan nya ang
daigdig habang nakatingin ng matulis sa akin. <__< Di
rin sya mukhang high blood eh nuh??
"Di mo ba gets? O sadyang kulang ka lang sa utak?"
</3 Ouch. Achakit nun ah. Tagos!
"Unang una, wala akong gusto sayo. May gf ako, at
mahal ko yun. Pangalawa, Miss di ka ba nahihiya?
Kanina mo pa ako sinusundan. Para kang stalker na--"
"Eeeeeep!"
iniharang ko ang kamay ko sa harap ng mukha nya na
dahilan ng paghinto nya sa pagsasalita.
"Di ako stalker, secret admirer pwede pa!"
Haha! Kilala nyo kung kaninong line yun? hoho ^o^
Kinopya ko laaangs~
"Aissssh!!!"
Mukhang gusto na nyang sabunutan ang sarili nya sa
sobrang inis. =____= Wala naman akong ginawa dba?
Nagsasabi lang kaya ako ng totoo!
"Alam mo, mas lalo ko na tuloy gustong isarili kung
sinong humalik sayo."
"Waaaaaaaaaaahh~ NO! Magpapakabait na ako!
Please???"
K fine. Ako na mukhang bata kahit kolehiyo na pero
kaseeeeh >.< Gusto ko talaga makilala yung magnanakaw
ng pers kiss ko eh!
Nakita ko syang nakasama pa din ng tingin sa akin at
nakacross arms na >__< naku naman o!
"Di ko sasabihin kung sino sya. Ayokong sirain ang
plano nya. Kaya kung gusto mo syang makilala..."
Ipinatong nya ang mabigat nyang kamay sa ulo ko saka
ginulo ang buhok ko... sabay sabing,
"Hintayin mong sya mismo ang magpakilala sayo."
***************************
"Sya magpakilala mismo sa akin?"
=____= Eh hinalikan nya nga ako habang natutulog kasi
mukhang ayaw nyang magpakilala, tas sya mismo
magpapakilala? Malabo....Pasalamat yun, gusto ko yung
halik nya.. Joke ^____^v
"Huy Kaaathhrrryyynn!!!"
narinig kong pagsisigaw ni Julia. Lumingon ako sa likod
ko at ayuuun~! Nagmarathon lang naman.
"Luka ka! Nawala ka kanina ah! Nagstalk ka na naman
kay Daniel noh?"
nakapamaywang nyang tanong sa akin at binigyan pa
ako ng isang 'wag-kang-magsinungaling' look.
K fine~ >.>
"Oo na..."
Kaya nga andun na naman ako uli sa lib kanina eh! Dun
kasi mahilig tumambay si Daniel :) At isa nga pala sya
dun sa mga lalaki kanina! Pero imbes na maging happy
ako... wag na. Alam kong di sya, kasi unang una, ayaw
nya sa KPOP.