Chapter 25 Thea vs Samantha part2

85.8K 551 40
                                    

T___T sniff sniff thank you talaga!! huhuhu... naiiyak talaga ko sa support na binibigay nyo sa story ko!!
sa lahat ng nagcomment at nagvovotes thank you talaga, senyo ko naiinspired na magUD!!

----

dedicated sa kanya----->

thanks sa pagcocomment at sa pagpost sa MB ko!!

Chapter 25

Binuksan ko yung phone ko pagkagising na pagkagising ko, wala akong panahon basahin ang sermon ni Chase kagabi kaya hinayaan ko na lang na patay ang phone ko, na e-mail ko na naman si Jiro kaya wala na kong problema.

Naghilamos muna ako bago bumaba para kumain ng agahan, sigurado namang ngayon pa lang lalabas yung mga messages at matotorete lang ako sa dami nun kaya iniwan ko na lang muna yun sa taas.

Pagbaba ko handa na yung breakfast, nandun si nanay Lorie na mukhang kakagaling lang ng garden dahil may hawak pa syang bulaklak na nilalagay nya sa vase.

"good morning po nay" bati ko sa kanya

"good morning din iha, hindi ka ba papasok ngayon?" tanong nya, 7:30 am na kasi kaya siguro nagtataka sya na di pa ko nakaayos.

"ah hindi po, papasok ako, may pupuntahan po muna kasi akong meeting bago pumasok kaya tanghali na ko" sabi ko

"ah ganun ba, akala ko hindi ka papasok dahil uuwi na si Chase...... Osige kumain ka na dyan at mukhang madami kang gagawin ngayong araw iha, magpakabusog ka ha" sabi nya habang inaayos yung plato ko.

Ngumiti lang ako bilang sagot at nagsimula ng kumain. Pinasabay ko na din siya para naman may makausap ako kahit papano.

After kong kumain tinignan ko na yung phone ko (-____-)\ (kamot ulo) patay!! Ang dami nito!! Halos puro double send, triple pa nga ata yung iba. Tinignan ko na lang yung pinakalast na message later ko na lang titignan yung iba.

My Bed Warmer WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon