IFIWTNG 4- Conscience

183 7 1
                                    

CHAPTER 4- CONSCIENCE

C H A N Y E O L ' S   P O V ~

"Tangina! Chanyeol ano nangyare sa mukha mo?!"

"Pucha pare sinong may gawa sayo neto resbakan na naten!"

Mabilis silang lumapit saken para alalayan ako sa pag-tayo. Medyo nahihilo pa ko dahil sa pambubugbog nila saken kanina. Ngayon lang ako nagbugbog ng ganun. Pag may gang war kami palagi akong lumalaban at ni minsan di pa ko nasapak. "Ha-ha. Relax lang kayo Baek at Sehun. Okay lang ako. Ang lakas-lakas ko e." Nagulat ako ng bigla akong paluin ni Luhan sa balikat. "ARAAAAAAAAAAAAAAY!"

"Oh? Diba okay ka lang? Ang lakas-lakas mo e." Naiiritang sabi ni Luhan. Ayaw nya kase na may naglilihim samen. Pero grabe ang sakit na nga ng katawan ko pinalo pa nya!

"Pare, sino nga kase? Hindi pwedeng hahayaan nalang natin yan. Lintik lang ang walang ganti." Sabi naman ni Tao. Woooooooow. Natatats naman ako sa mga kaibigan kong ugok na to! Grabe mag-alala! Daig pa magulang ko! Grabe mga pre ampunin nyo nalang ako gusto nyo?

"Mga pre okay lang ako. Di kayo pwedeng gumanti. Baka mahalata nilang kasali ako sa Gang naten. Tandaan nyo, ang role ko dito, isang nerd na utusan nyo."

"Edi sasabihin namin, kaya namin sila reresbakan dahil ginulpi nila ang utusan namen! Ngayon, sabihin mo na kung sino ang gumawa neto sayo!"

*Clap-clap-clap-clap* Bigla silang napatingin saken at nagtaka kung bat ako pumapalakpak. "Nice one Sehun! Andaming "S" nun a! Ni isa hindi ka nabulol! Nag-improve ka na!"

Matapos kong sabihin yun, lahat sila nagpalakpakan na din. Lahat sila crinongratulate si Sehun.

"Wow Sehun! Lumelevel-up ka na!"-Baek

"Ang galing mo ah! Ano nakain mo ngayong araw? Pagpatuloy mo lang yan at ililibre kita ng bubbletea"-Luhan

"Tama yan Sehun! ipagpatuloy mo at gagaling ka pa lalo magpronounce ng "S"!"-Tao

"HAHAHAHAHA! Syempre! Ako pa! Pinagpra-praktisan ko ata yun no! Kaya magaling na ko magpronounce ng S!"-Sehun

Habang nagsasaya sila dun e lumayas na ko dun. May susunod pa kong klase, mahirap nang mahuli lalo na sa image ko. San ka nakakita ng nerd na nagka-cutting?! At kahit kailan sobrang dali talagang takasan ng mga yun. minsan napapa-isip ako kung nasan ang utak nila e. Kung nasa ulo ba o nasa paa. =____________=

Narating ko na ang classroom namin at pagkapasok na pagkapasok ko, nagtinginan sakin ang lahat at nagbulungan. Ako nanaman ang hot topic nila. Palibhasa masyado akong standout sa itsura ko e.

Pumunta na ko sa pwesto ko at naupo. Simula ng pumasok ako at makapunta sa pwesto ko e hindi naalis ang tingin ni Tine saken.

T I N E ' S   P O V ~

"Oh Tine! Hahaha bat naman di maalis ang tingin mo saken? Ganun ba ko kagwapo?" Ngumiti nanaman sya na kita lahat ng ngipin at gilagid nya.

"Wala lang." Tapos nun e hinarap ko na ulit ang cellphone ko. Nagbabasa kasi ako ng storya sa wattpad.

"Tine!" Nagulat naman ako ng bigla nalang nyang isigaw yung pangalan ko.

"Oh?" Walang gana kong sagot. Ni hindi ko nga sya tinignan dahil nagbabasa ako.

"M-May sakit ka ba?!" At ngayon na patingin na ko sa kanya.

I Fell Inlove With The NERDY GANGSTER [IFIWTNG]-Slow updateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon