Chapter 1

107 5 0
                                    

Faith's POV

Kring... kring... kring... kring...

Anong oras na ba? Tumingin ako sa alarm clock at 6:30 na pala. Bumangon na ko kasi sino ba naman kasi gustong malate sa unang araw ng klase tapos pinatay ko na yung alarm clock pano ba naman kasi napakaingay.

Inaantok pa ko. Hindi na ako sanay gumising ng maaga. Tutal maaga pa naman, mahihiga muna ako ng 5 minutes.

"Faith! Gising na tanghali na."

Argg.. si ate naman natutulog ng maayos ang tao dito eh ang hilig hilig mangbasag ng tulog eh 6:30 palang naman.

"Ang aga aga pa eh!"

Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras. So dahil nga sa ginising na ako ni ate ay wala na akong magawa kundi bumangon kase magagalit nanaman sakin to saka kukulitin lang din naman ako nito hanggat di pa ako bumabangon.

"Sira! Anong ang aga aga pa? 7:10 na kaya noh, gagayak ka pa, pustahan late ka nanaman!"

What the!? 7:10? Tinignan ko orasan kung totoo nga yung sinasabi ni ate. Shemay!

"Bakit ngayon mo lang ako ginising ate?"

"Hoy Faith Atasha Velasquez! Nag alarm ka kaya. Akala ko kanina bumangon ka na kasi pinatay mo na yung alarm clock mo."

Grabe naman si ate makasabi ng full name ko, daig pa si mama. Wells and anyways ako nga pala si Faith Atasha Velasquez. I'm a boy, hindi ko ba naman alam sa mga magulang ko kung bakit pangalan ng babae yung binigay nila saakin. Napakadami tuloy napagkakamalan akong babae.

"Oo na sungit!"

Sabay tumawa ako ng malakas, ganun kasi kami magkulitan ng ate ko, yung para lang kaming magbarkada.Tumayo na ako at nagayos na ako ng higaan ko tapos kinuha ko yung mga damit ko at pinatong sa kama ko.Mabilisan lang yung ginawa kong ligo, kain, toothbrush, nagbihis, nag ayos ng buhok at kinuha ko yung bagong bili kong bag. Natapos ako ng 7:35.

"Bye Ma, bye sungit, bye Pa."

Nung paglabas ko ng kwarto tumatakbo ako palabas sa garahe namin at kinuha ko yung motor ko. Meron pa akong 10 minutes, aabot ako pag nagmadali ako.

Pag pasok ko sa gate ng St. Teresa of Àvila Memorial School pinagbukas ako gate para maipasok ko yung motor ko. Natuwa ako kase madami pang mga estudyante sa labas ng mga classroom so ang ibig sabihin nun, hindi pa ako late.

"Good morning Faith, late ka na uy" Sabi ni manong guard.

Tinignan ko yung relo ko at... What!? 7:50 na pla! Hindi magandang late sa unang araw ng klase.Wahhh! Pinatakbo ko ng matulin yung motor kasi hindi ko pa alam kung saan yung bago naming classroom, although alam ko naman sila padin yung mga dating classmates ko ang sabi lang nila nung tinanong ko sila eh sa 4th building daw.

Nagmamadali akong tinitignan yung bawat pinto sa 4th building, tinignan ko rooms sa 1st floor pero wala dun name ko. Umakyat ako ng 2nd floor pero wala padin. Last floor na 3rd floor, ayun nakita ko name ko, pag pasok ko ay orientation na at nagsisimula na yung bago naming adviser. As expected sila pa nga din yung mga classmate ko last year, pero wait lang. Mukang may transferee ahh.. mukang magiging masaya to ahh hahahahah.

"Your late in the first day of classes!"

Kasungit naman ng bago naming adviser. Panira ng mood to ahh... Wrong grammar naman. Hahahah nagpipigil ako ng tawa

"Sorry ma'am, traffic po kasi ehh."

"Take your seat!"

Nakita ko yung mga katropa ko na ngumingisi. Kami ang tropang tinatawag nilang "Perfect 5". Hindi ko alam kung anong nahithit nung nagpangalan samin nun. Syempre binubuo yun nang 5 na lalaki at kung idescribe ng mga girls in one word is perfect daw. Galing kami sa mayayamang pamilya.

Si John Resty Baltazar, siya yung pinaka childish mag isip saamin at madalas wala siya sa topic kase lagi siyang wala.

Si Nicole Martin, siya naman yung pinaka bestfriend ko sa kanila at siya yung madalas na kasama ko sa mga kalokohan.

Si Edmond Kudo, half japanese siya na kabaligtaran ni Resty kasi masyado siyang mature magisip na minsan sa sobrang mature daw siya ay madalas niyang kinokontra ang maraming bagay.

Si Mark Harry del Rosario naman ang peace keeper samin kaso masyado naman siyang moody, madalas na nagsusungit saamin.

At siyempre ako, si Faith Atasha Velasquez, ako ang lider samin, ako kasi ang pinakamatalino, pinakamatcho, pinakagwapo, pinaka mayaman daw sabi nila at pinaka maloko.

Kaming lima ang troublesome lagi sa school kaya kilala kami halos lahat ng teachers dun.

"Okay dahil hindi ko pa kayo kilala lahat, introduce yourselves one in one"

Hala ayun nanaman siya, trying hard sa english si ma'am wahahahahah laughtrip to samin mamaya.

"Lets starts with the transferee"

Sabi na eh may bagong muka sa room, at maganda siya ha. Nakakainlove. Aisshhh, hinde joke lang, never pang nainlove si Faith noh.

"Ahhm.. Good morning everyone, my name is Lady Anne Viscencio..."

▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪▪
A/N

Hi! Sana nagustuhan niyo, sorry kung bitin.
Thanks for reading my story

Please Vote, comment and be fan.

Truth HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon