His games

1.1K 78 33
                                    

JEONGHAN

Kinabukasan, late nanaman siya dahil sa kaaayos ng buhok niya. Tsk. Akala mo kinagwapo niya.

Fiiine. Gwapo siya.

"So... una na ako?" Tanong saakin ni Jisoo na tinanguan ko lang.

"Sabay daw kasi kaming uuwi ni Cheol." Sabi ko kaya nauna na siyang umalis.

Malamig ang hangin at madilim na dito. Kakaunti nalang rin yung tao at idagdag pa na mag o-October na, ghost month yun diba? So medyo creepy.. aish! Ang gay!

Asaan na ba yung Seungcheol na yun?! Kapag hindi pa yun magpakita aalis na ak--

"Boo!!" May biglang umakap saakin mula sa likuran kaya't walang ano ano'y napasigaw ako sa gulat.

"Shit Seungcheol! Baka balak mo akong patayin?" Singhal ko sakanya pero tumawa lang siya. Lalong lumiit yung mga singkit niyang mga mata.

"I guess, magaling na akong manakot ngayon." Saka niya tinaas baba yung kilay niya, ang hirap tuloy na hindi mapansin yung mga magaganda niyang mata. Damn it! Ang ganda ng mga mata niya!

"Stop staring, naiinlove ka lalo e." Bigla niya akong inakbayan habang natawa. Binatukan ko siya. "Baliw!"

***

7 ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon