GVSB: First Day

104 4 1
                                    

[FIRST DAY]

Maagang pumasok ang hindi maipaliwanag ng katangian nang babaeng ito dahil sa porma pa lamang ay parang lalaki na at kung kumilos.
Siya si Yuri Kwon- 15 na taong gulang, hindi malaman-laman kung Tomboy ba ito o Boyish lang.

Si Yuri ay unang-unang mararanasan ang pagpasok sa paaralang BoyLy Academy, hindi siya nakasuot ng uniporme dahil hindi na kailangan mag-uniporme sa paaralang iyon at ang suot niya ay malaking black t-shirt, naka-jeans, simpleng nakatali ang mala-brown na buhok at may suot-suot pang headphones, tatlo ang butas ng kanyang kanang tenga. Gulong-gulo!

Pagkapasok na pagkapasok niya pa lang sa gate ng paaralan ay pinagsisitinginan na siya ng mga kababaihan at maski mga kalalakihan. Tiningnan lang ito ni Yuri at dumiretso na sa kanyang room.

"Sino ka?"
"New classmate ka namin?"
"What's your name?"

Tadtad na tanong ng mga babae sa kanya.

"Yo, chill! Hahaha, alam kong ang pogi ko kaya hindi ko masasagot yang mga katanungan niyo." maangas na sabe nito at nagtaka naman ang mga babaeng nagtanong sa kanya.

"What? siguradong.. lagot ka kay Tiffany!" dagdag pa ng isang babae kaya napalingon si Yuri.

"At sino naman yung tiffany?" tanong nito.

"Hep hep! bakit kona naman narinig ang dyosa kong pangalan?" nagsitinginan ang lahat sa direksyon ng isang sikat na sikat na student model dito sa BoyLy Academy na nagngangalang Tiffany Hwang. Dahil sa kagandahan nito ay hinahabol siya ng mga kalalakihan at dahil rin sa kanyang mga mata na kapag ngumiti ay hindi na makita, tinatawag din siya ng kanyang mga kaklase at kaibigan na 'Eyesmile Queen' ............

"Hello Tiffany!" bati ng babaeng nakasagutan ni Yuri at nagpunta kay Tiffany.

"Oh, who's that girl?" tanong ni Tiffany at tiningnan si Yuri.

"Ano ba'toh, paenglish-english pa, aish.." bulong ni Yuri.

"May sinasabi ka ba? Tell me!" seryosong sabe pa ni Tiffany at dahan-dahang naglakad papunta kay Yuri.

"Ah.. w-wala ah." utal na sabe ni yuri.
"Okay, sorry! Who are you? What's your name?"

"Ah.. ako si Yuri Kwon, kakalipat ko lang kase dito sa Manila at dito na ako nag-aral.. ah, magiging kakl-"

"Oh its okay, tinatanong ko lang kung anong pangalan mo pero andami mo pang sinabi, well its good na may new classmate kami, so.. welcome here Yuri!" nakangiting sabe ni Tiffany at parang hindi na makita ang kanyang mga mata sa pag-ngiti niya.
Napatulala lang si Yuri.

"Ah, s-salamat! salamat!" pasasalamat nito.

Oras na ng break at mag-isang kumakain si Yuri sa canteen.

"Grabe! ang hirap pala at dito pa'ko nag-aral! Kinabahan ako kanina!" sabe nito sabay subo ng burger. "At grabe, mukang lahat ng nag-aaral rito mayayaman, inglesera, mga famous! Paano kaya ako? Tss, bahala na!" dagdag pa nito at sumubo ulit.

"Hi!" bati ng isang magandang babae sa kanya.
Napalingon naman si Yuri at tumigil muna sa pag-kain.

"Ah.. hi? magkakilala ba tayo?" tanong nito sa babae. Umiling lang ito at umupo sa kaharap na upuan ni Yuri.

"Ikaw si Yuri tama ba?" nakangiting sabe ng babae.
Tumango naman si Yuri.

"Teka, anong pangalan mo? At bakit mo'ko kilala?" tanong naman ni Yuri sa babae.

Girly VS Boyish (YulTi Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon