Flame's POVIt's been 3 days simula ng malaman ko ang tunay kong pagkatao namin ni Axel. Hindi parin iyon nalalaman ng iba, napagusapan kasi namin ni Axel na sa amin muna ito. Secret muna namin.
Si Charm nga pala hindi parin nagigising at ngayon na rin ang libing ni Von, nagumpisa at natapos ang ceremony na hindi pumunta si Axel kaya dumiretso ako sa kwarto nya pagkatapos. Nandito parin nga pala kami sa castle dahil utos ng hari, tulungan daw namin maka move on si Axel. I doubt it, makaka move on sya pero hindi pa ngayon. Masyado nyang mahal si Von kaya sobrang nalulungkot pa sya. Pero kaya nya yan, fighting!*toktok*
"Axel?"
*toktok*
"Axel si Flame to"
Walang sumasagot kaya pinihit ko na yung doorknob, bukas naman pala.
Pagkapasok ko ay naabutan ko si Axel na nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko sya sa tuhod nya kaya di ko kita ang mukha nya pero kahit ganon... alam kong umiiyak sya.
Naupo ako katabi nya."Tapos na yung ceremony, bakit hindi ka nagpunta Axel?"
Walang sagot
"Ang lakas nga ng ulan sa labas eh, pati langit nalungkot sa pagkawala ni Von"
Wala paring nasagot
"Alam mo mas gagaan ang loob mo kung may pagsasabihan ka ng problema. Ako kasi, tuwing may problema ako sinasabi ko sa kaibigan ko" pagshashare ko, lagi kasi akong nagsasabi ng problema kay Trixie dati.
Hindi parin sya nasagot.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nanatili syang nakayuko at ako naman ay tahimik lang na nakaupo sa tabi nya.
Sigurado akong sobrang lungkot parin ang nararamdaman nya kaya hindi sya nagpunta sa libing. Kahit naman ako sobrang nalungkot din, sandali palang kami nagkakasama pero napalapit na rin sya sa akin. Paano kami ngayong wala na sya? Sya pa naman ang magaling pagdating sa pagpaplano. Magaling syang magisip at gumawa ng paraan at magdesisiyon kung anong sunod na gagawin, sino nang aasahan namin ngayon sa mga ganung bagay? Tanga ko pa namang magdesisyon.Naputol ang pagiisip ko ng sa wakas ay magsalita na si Axel.
"Ang sakit sakit lang kasi" panimula nya "Feeling ko hindi lang kaibigan ang nawala sa akin... pati kapatid, kuya, tatay, bestfriend, pati nga girlfriend sya na rin... dabest yun eh!"
Tinanggal na nya yung pagkaka yuko nya kaya kitang kita ko na yung pamamaga ng mata nya, ang pula rin nito batayan na hindi sya tumitigil sa pagiyak.
"Alam mo ba, nung nalaman ko na ampon lang ako grabeng iyak din ako non. Isabay mo pa yung pangaasar sa akin ng ibang bata, lalo na yung mga tao sa kaharian, galit na galit sila sa akin kasi ginawa akong prinsipe kahit di naman daw ako royal blood. Pinaliwanag sa kanila ni Papa pero di sila nakikinig, dumating pa nga sa point na halos isuka na nila ako palabas ng kaharian"
"Pero si Von, di nya ako iniwan non. Kahit alam nya na di kami magkadugo ayos lang sa kanya. Ang dahilan nya, 'Wala naman sa dugo ang batayan ng pagiging pamilya, nasa puso.' Simula ng araw na yon, di na nya ako iniwan. Lahat ng nangaaway sa akin, inaaway nya rin." Natawa sya ng kaunti at nagkwento ulit "Naalala ko dati habang naglalakad ako sa gilid ng lawa may mga bata na umaway sa akin, nung mga oras na yon hindi ako lumalaban sa kanila kasi nasa isip ko, 'Anong karapatan ko, sampid lang naman ako sa palasyo'. Pero biglang dumating si Von, pinigilan nya yung mga bata at nung hindi parin sila tumigil, tinulak nya sa lawa! Haha ang baliw nya noh?"
I smiled upon hearing his story. "Hindi kabaliwan ang tawag doon, pagmamahal. Mahal ka nya kaya ka nya pinagtanggol" saad ko
"Oo pinagtanggol nya ako ng ilang daang beses." pagkasabi nya non ay automatic na tumulo ang mga luha nya "Pero ako, wala akong nagawa ng mga panahong kailangan nya ang tulong ko"
BINABASA MO ANG
Sky Academy | PUBLISHED
FantasySky Academy, a school wherein magic really exist and impossible things never. First book to the Sky trilogy. Completed. Wattys2016 Winner. Published under Lifebooks, available for only 199.75 php on any NBS nationwide and on shopee and lazada. Book...