Years after...King Topaz's POV
"Mahal na hari, ang mahal na reyna! Manganganak na!" Sigaw ng isang tagapaglingkod ko dito sa kaharian
Humahangos akong tumakbo patungo sa silid ng aking reyna. Pagdating ko doon ay may isang dalawang babae ang tumutulong sa aking Reyna sa kanyang panganganak.
"Ahhhhhhhhhh" umaalingawngaw ang tinig nya sa buong kaharian ng Sky
"Gwendolyn, nandito na ako. Makakaya mo yan" wika ko ng makalapit na ako sa kanya
"Ughh T-topaz, ang sakit! Ahhhhh"
"Mga manggagamot! Ano pa ang hinihintay ninyo? Hindi kayang manganak ng reyna ng magisa lang! Hindi lalabas ng magisa ang anak ko!" Nagpapanic nang sigaw ko
"O-opo opo"Nagpapanic na rin ang halos lahat ng tao sa kaharian, ngayon kasi ay isisilang ang tagapagmana ng trono ni King Topaz at Queen Gwendolyn.
"Ahhhhhhhhh ughh ahhhhhhhh argh" impit na sigaw ng reyna
Wala naman na akong magawa kundi ang tahimik na panoorin ang asawa ko sa kanyang panganganak. Kahit gaano man ang pagnanais kong matulungan ang aking asawa ay wala naman akong magawa. Hindi naman maaaring ako ang manganak para sa kanya, moral support nalang.
"Nakikita ko na ang ulo ng bata mahal na Reyna, kaunti nalang" sabi ng babeng nagpapaanak sa Reyna
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!"
Maya maya pa'y isang maliit na tinig ang aming narinig, ang anak ko.
"Uwaah uwaaahh~"
Labis na kasiyahan ang nadarama ng mga taong narito sa silid na ito ng masilayan namin ang mala anghel na mukha ng aking tagapagmana sa unang pagkakataon. Pero higit sa sino man ay higit na umaangat ang malapad na ngiti sa mukha ng kanilang hari, ako.
"Isa syang prinsipe, mahal na hari at mahal na reyna." masayang wika ng manggagamot
Tuwang tuwang binuhat ko ang aking anak na prinsipe. Napaka liit nya ngunit angat na angat ang kanyang kagwapuhan, kanino pa ba magmamana kundi sa akin hindi ba?
Ngunit ilang sandali lang, mula sa pinto ng malaking kwarto ay pumasok ang isang babae kasama ang ibang tagapaglingkod nang kaharian.
"Mahal na hari, nandito po ang engkantada"
Nagulat ako sa sinabi nito. Ano naman kayang nangyari at napadpad sya rito? Ilang taon na rin pala.. Pagtingin ko sa pinto ay nakatayo roon ang isang napaka gandang babae. Lumipas man ang ilang taon ay wala paring kupas ang kagandahang taglay nito. Di ito kakikitaan ng pagtanda sa paglipas ng panahon.
"Anong ginagawa mo dito, Kariza?" Puno ng otoridad na tanong ko
"Mahal na hari, may hatid akong bagong propesiya" seryosong wika ng engkantada
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kasabay na oras. Sa mundo ng mga mortal
Manang Lillia's POV
"Ahhhhhhhhh tulong! Manang! Manganganak na ako!!!"
Isang napakalakas na sigaw mula sa katabing kwarto ang gumising sa akin mula sa mahimbing kong pagkakatulog.
Kaagad akong bumangon at mabilis na tinungo ito. Nakita ko rin ang ibang mga katulong na mukhang nagising rin."Arrienne! Iha anong problema?" Kaagad na tanong ko sa alaga ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto
"M-Manganganak na yata ako manang!" Puno ng sakit na pahayag nya
"A-Ano? Sandali at ipahahanda ko ang sasakyan!"
Tatakbo na dapat ako ngunit bigla nya akong tinawag muli.
"Hindi na ako aabot sa ospital! Ikaw na ang magpaanak sa akin! Please Manang!!!" Pawis na pawis na sabi nya
"Kung ganon humiga ka na muna... Rose!"
Mula sa pinto ay pumasok ang mga kasambahay, inutusan ko ang isa na kumuha ng malinis na tuwalya at maligamgam na tubig at ang iaa naman ay ang tawagan ang personal doctor ni Arrienne. Ilang saglit lang ay bumalik na ang katulong na dala ang inutos ko.
Kaagad ko na sinimulan ang pagpapaanak sa kanya..
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh"
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito kasabay ang pagluwal nya sa kanyang sanggol.
"Uwaah uwaahh~"
Labis akong natuwa ng masilayan ang kanyang anak.
"Babae! Babae ang anak mo Arrienne. Isang maganda at malusog na Prinsesa!" nagagalak na sabi ko habang nakatitig sa mukha ng sanggol
"M-Manang Lillia! Si Lady Arrienne, nawalan po ng malay" tawag ng katulong
Iniabot ko ang sanggol sa isa pang katulong at agad na nilapitan at tinapik ng mahina sa pisngi si Arrienne.
"Arrienne? Iha ayos ka lang ba?"
Labis na takot ang bumalot sa akin ng hindi na sya gumalaw.
"Nasaan na ba si Dr. Perez?! Bakit wala parin sya?" Sigaw ko. Panginoon ko, iligtas mo po ang alaga ko.
Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang doctor na kanina pa naming hinihintay. Agad nyang nilapitan si Arrienne at tiningnan ang lagay nito. Matapos ang ilang minuto ay malungkot na umiling ang doctor.
"Hindi kinaya ni Lady Arrienne ang panganganak. I'm sorry"
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Kasabay noon ang mas malakas na pag iyak ng sanggol na babae.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Kasabay na oras, sa Underworld..
King Dark's POV
Nakatayo lamang ako at nakasilip sa malaking bintana rito sa aking kaharian habang mataimtim na naghihintay. Bilog na bilog ang buwan ngayong gabi at nakakalat din ang mga nagkikislapang bituin sa kalangitan. Isang napaka mapayapa at tahimik na gabi.
"King Dark, ang asawa po ninyo ay nakapanganak na. Isa itong Prinsipe"
Ang pinaka hihintay kong araw ay dumating na, ang mga itinakda ay isinilang na rin sa wakas.
Napangiti ako ng lihim.
Hinayaan ko kayong manahimik at mabuhay ng payapa ng ilang taon. Marahil patay na nga ang aking mga kapatid ngunit nakatayo parin ang kanilang kaharian, kaya't maghanda kayong lahat dahil sa pagbabalik ko ay matitikman nyo ang aking ganti. Ako at ang aking anak.
×END×
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Ayan tapos na! Haha tapos na talaga! Hooh! Kasaya, nakaraos din. Kaya pasensya na't ngayon lang ah? Nag finals na kasi kami last Wednesday at Thursday, tapos sinabay pa yung play at projects. Nagpakabuting magaaral lang ako.
So ano? Ano bang dapat sabihin sa ending? Mag thank you ba dapat? Naah hindi na, masyadong common! Next time na, May susunod pa kasi! Haha
Obvious naman po sa epilogue diba?
Mag kita kita po tayo sa Book two. Konting inatay at ipopost ko na rin yung Prologue nung book two. Naghahanap lang ako ng Cover.Bawi ako sa nalalapit na summer vacation. Ang pinaka iintay ko!
Spread the LOVE~♥
SEE YOU ON THE NEXT ADVENTURE !!
BINABASA MO ANG
Sky Academy | PUBLISHED
FantasySky Academy, a school wherein magic really exist and impossible things never. First book to the Sky trilogy. Completed. Wattys2016 Winner. Published under Lifebooks, available for only 199.75 php on any NBS nationwide and on shopee and lazada. Book...