Chapter 28

648 20 4
                                    

Drunk

"C'mon let's go!" Humihiyaw na yaya ni Criz sa amin.

Natapos na kasi ang pictorial kanina. Wala din nagawa si Patrick dahil hindi siya sinunod sa gusto niya. Lalo tuloy siyang nagalit sa akin dahil hindi ako umalis.

Sana lang matapos na lahat ng ito. Di ba nga tinanggal na niya ako sa trabaho, ibig sabihin bakante na naman ako. Tinapos ko lang ang pictorial na ilalagay sa magazine. Kapag nakuha ko ang bayad mapapagamot ko na si mama.

"Apple tara na!" Pangungulit na naman ni Crizza. Kumamot ako ng ulo. Ayoko kasing sumama. Kahit pa sabihing once in a lifetime lang ito ay hindi pa rin ako payag.

"Kayo na lang." Sabi ko habang papalapit sa kama para humiga. Kinuha ko ang kumot saka binalot sa aking katawan.

"KJ naman eh! Wake up! Bukas uuwi na tayo kaya sulitin na natin!" Aniya.

Hindi ko siya pinansin. Kaming dalawa lang ni Criz dito. Nagtataka ako kung bakit wala si Lian. Simula kaninang tanghali hindi ko na siya napansin.

Naramdaman ko ang paghila ni Criz sa aking kumot kaya umalma ako. "Criz, I'm tired!"

Gusto ko sanang sumama pero naisip ko na makikita sina Patrick at Lian doon. Ayoko ng masaktan pa. Hindi ko na rin sinabi kay Criz na tanggal na ako sa trabaho baka kasi pag-awayin pa nila ng kuya niya.

"Tag of war gusto mo, ah?" Hinila niya ang kumot ako naman todo hawak sa kumot.

"Criz!"

"Babes!" Natigilan kami sa boses mula sa pintuan. Sabay pa kaming napalingon ni Crizza.

"Thank God, you came! Help me here!" Sigaw ni Criz habang hinihila ang kumot ko.

"Hey!" Sigaw ko. Pilit kong hinihila ang kumot. Pumasok na si Liro na nakangisi.

"Tag of war eh? Sana kumot na lang ako." Biro niya sa amin.

"Shut up!" Inis na sigaw ni Criz.

Oh my gosh nakakahiya na ito!

"Sumama ka na kasi!" Pangungulit na naman niya. Nakabusangot na ako sa ginagawa niya.

"What the fuck?" Natigilan ako sa boses na iyon. Dumagundong ang kaba ko ng makita ko siya sa pinto. Nakasimangot ito at matalim ang titig sa akin. Nabitawan ko ng wala sa oras ang kumot.

"Success!" Napapitlag ako sa tili ni Crizza.

Nakangisi si Liro habang nakanguso sa suot ko. Si Patrick naman ay nanlaki ang mata. Agad kong hinila ang kumot kay Crizza pero lumayo siya at lumapit kay Patrick.

"Crizza naman!" I swear pulang pula ako ngayon. Super shorts ang suot ko saka spaghetti strap. Lumantad ang hita ko sa kanila kaya ganoon ang reaksyon nila.

"Magbihis ka na sasama ka!" Ngumisi siya sa akin. Tumalim ang mata ko kay Crizza.

"Oh tukso layuan mo ako!" Kanta ni Liro kaya binato ko siya ng unan.

Hindi ko matignan ng deretso si Patrick. Malamang alboruto na naman siya sa galit.

"Let's party!" Hiyaw ni Crizza habang iniikot ang kumot sa ere. Matiim na nakatitig si Patrick sa akin. Hindi ko maiwasang mamula ng bumaba ang tingin niya sa hita ko.

"Damn. Okay fine give me a minute!" Inis na sigaw ko saka patakbo sa banyo. Humalakhak pa si Liro sa inasta ko.

"4-2!" Sigaw ni Crizza. Hindi ko siya maintindihan. Kanina pa siya nagbibigay ng puntos wala naman basketball.

Maong shorts ang suot ko at yellow fitted blouse na may printed sa harap. Sinigurado kong disente na ang aking suot baka mapatay na ako ni Patrick.

Wonderful DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon