✿ Unremembered love. [Lay] ✿

25 1 0
                                    



Wendy as Audrey a.k.a Hwang Yeon Ri

Lay as Adrian

--


Audrey's POV. 


"Are you still experiencing headache these days?" tinanong ni Doc kay Adrian. andito kasi kami sa Hospital since gusto daw nya magpacheck up and nagpasama sakin. 


"Uhm.. sometimes po. pag pilit ko pong inaalala yung mga memories ko.." aniya.


"Oh. Well, don't force yourself. It will cause you more pain." sabi nya at may parang sinusulat sa notes nya. "For now, just rest. Don't overthink." pagpapatuloy nya sabay pilas ng papel na sinulatan nya at binigay sakin. 


"Thank you po, Doc."  nakangiting sabi ko. Ngumiti sya pabalik at dinismiss na kami. 


"Oh tara, bibili muna tayo ng gamot mo bago umuwi." sabi ko sakanya. 


Inakbayan nya ako sabay sandal ng ulo nya sa may ulo ko. Tumango nalang sya. He feels so tired, i can tell. 


"Why can't I remember anything.." sabi nya with a sad voice. Tumingin ako sakanya at ngumiti. 


"Your memories will come back. Just wait." and I hope kasali dun yung satin..


--

Nagbabasa ako sa living room nang may nagtakip ng mata ko. Napangiti ako nang makilala ko na agad. 


hinawakan ko yung dalawa nyang kamay. "Hmm.. sino kaya to?" pagkukunwari ko. Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. 


"Hmm.. James?" sabi ko. Naramdaman kong tinanggal nya ang kamay nya at pinaharap nya ako sakanya. 


"Di naman ako si james eh.." nakasimangot nyang sabi. Natawa ako. Ang cute cute talaga ni Adrian! 


"Oh eh, bakit ka nagagalit jan? Di mo nga kilala yung tao." sabi ko


'"Ewan ko.. parang feeling ko sobrang familiar sya sakin. Napaginipan ko kasi sya. Tas may babae din dun sa dream ko. Nakita ko silang magkasama. Masaya sila. Ewan ko pero parang galit ako nung napaginipan ko yun. Kaso di ko talaga mamukhaan yung babae." sabi nya and a hint of anger and pain showed in his eyes.


Natigilan ako. Di yun panaginip, adrian.. totoo yun. Pero yung iniisip mo, di totoo yun.. wag kana magalit.. sabi ko sa isip ko.


"S-siguro wala lang yun.." kinakabahan kong sabi. "Tara, pagluluto na muna kita." pagiiba ko ng usapan at dumiretso nako sa kusina. Prinepare ko ang mga gulay at kung ano pa at nagsimula nako magluto. 


Naramdaman kong may yumakap sakin sa likod. Ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko. Hinayaan ko nalang sya. 

KPOP Imahinasyons [Under Construction.]Where stories live. Discover now