Chapter 4: His Memories Part 1

8 1 0
                                    

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok sa school. Nandito kami ni Ella sa bahay nagbabake ng Cookies. Habang hinihintay namin maluto ito ay nagchika muna kami about sa mga nangyayari sa buhay buhay namin.

" Friend alam mo ba pumunta si Jasper kahapon sa school at may dalang dalawang haliparot."

"hahaha..haliparot agad? O anong nangyari?"

"Ayun nga nagkasalubong kami sa hallway kahapon tapos bigla ba naman akong pinahiya porket simula noong nagbreak kami ay wala nang sumunod sa kanya? Kesyo hindi pa daw ako nakamove on kesyo umaasa pa rin daw ako na babalikan nya ko!"

"hahaha kapal nya ha! Pero mukhang hindi ka pa rin nga ata nakamove on eh!"

"What? excuse me no! tapos na kaya!"

"ows? eh sa araw araw ba naman na pagkikita natin eh hindi mawala wala si Jasper sa usapan"

"Eh sa nakakainis sya eh!"

"eh bakit ka nga ba naiinis aber?"

"Eh kasi nga.....BASTA!"

"Anu daw? hahaha haaay naku sabihin mo nagseselos ka sa mga babae nya, naiinis ka kasi hanggang ngayon wala pa ring closure na nagaganap sa inyong dalawa. Tsaka naiinis ka kasi hanggang ngayon mahal mo pa rin sya."

Sya: ......

"Oh anu?"

"haaaaay oo na bakit ba ang rami momg alam dyan eh hindi ka pa naman nagkakaboyfriend?"

"Hndi ba pwedeng mahilig lang talaga akong magbasa ng mga romantic novels?"

* Ting * Tunog ng oven na nagsasabing luto na ang cookies :)

"oh luto na pala o tara na at doon nalang natin kainin yan sa kwarto"

"Sge"

SA KWARTO

Nakaupo kami sa kama ni Ella habang kumakain ng cookies at nanonood ng She's Dating the Gangster. Iniiyakan namin yung eksenang nasa ospital si Abigail.

" Grabe talaga yung love strory ni Kenji at Athena ang saklap eh!"

" Kaya nga, sana sinabi nya nalang kay Kenji na may sakit rin sya"

" Huhuhuh bakit kasi tumahimik lang sya??"

Habang nageemote si Ella ay nasagi nya yung box na nasa side table ko kaya nalaglag yung mga laman nito.

" ay naku sorry friend!" natatarantang saad ni Ella habang pinupulot yung mga nalaglag na litrato at iba pang gamit sa box. Kaya tinulungan ka na syang pulutin ito.

"Haaaay nakakamiss talaga si Bryan nu Bea?" sabi ni Ella habang tinitignan yung litrato ni bryan na pinulot nya.

Ngumiti nalang ako bilang sagot. Yung box kasi, yun ang pinaglalagyan ko ng mga litrato namin ni Bryan. Habang tinitignan ni Ella yung mga litrato namin ni Bryan simula bata pa kami ay tinitignan ko lang sya.

" Haay naku wag mo nga akong bigyan ng ngiti lang!"

"Eh ano bang gusto mong sabihin ko ha?"

"Hmmm... Tama! Kwento ka nalang about kay Bryan your Loves kasi one week ko lang sya nakilala noon tapos umalis nya sya papuntang Canada."

"Hmm sige pero san ba ko magsisimula?"

"Syempre kung paano kayo nagkakilala!"

"Atat lang teh? o sge na nga!"

Pumunta ako sa kama kung saan nakaupo si Ella at kinuha yung Ice Cream cup.

"Kita mo to? Eto ang isang bagay na nagpapaalala sa akin noong araw ng una naming pagkikita."

FLASHBACK: (Grade 4 pa lang si Bea)

"Okay class you may go now."

"Good day and thank you Ma'am Santos."

"Yaya tara na alis na tayo."

"Ha? saglit lang punta lang akong CR."

" HAHAHAHA TATAE KA NOH?!!"

"ARAAAAAAY NAMAAAAAAAN YAYAAAAAAA!"

Alam nyo naman siguro kung anong ginawa ko? Edi piningot yung tenga niya. Ang kulit kasi eh, isigaw ba naman na tatae daw ako eh huhugasan ko lang naman yung kamay ko kasi ang raming ink ng ballpen baka pagalitan ako ni mama.

"BAT MO SINIGAW? EH HUHUGASAN KO LANG NAMAN YUNG KAMING KO EH KASI ANG DAMING INK NG BALLPEN!!"

"grabe naman to eh joke lang naman."

"Ewan ko sa iyo sa susunod kasi wag mong isigaw kung ayaw mong masaktan ulet!"

"Oo na po."

"Oh sge na hintayin mo ko dito ha?"

"K"

So ayun nga pumunta na akong CR para hugasan ang kamay ko. Pagkatapos kong maghugas lumabas na ako ng CR pero habang lumalakad ako pabalik kung saan iniwan ko si Kevin ay may naririnig akong 2 batang nag aaway. Dahil na rin sa pagiging tsismosa ko ay lumapit ako para makita kung ano ba talaga ang nangyayari.


Itutuloy...


Author's Note:

Bukas ko na po tatapusin gagawa pa po kasi ako ng mga assignments ko :(

Subaybayan nyo po kung sino ba yung dalawang batang nag aaway at kung ano nga ba ang connection ng Ice cream cup sa pagkikilala ni Bea at Bryan..

Good Night Guys :)) Nood tayo ng PBB :)) Sino nga ba ang magiging BIG WINNER??

Lovelots :*

-coraine


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon