Chapter 2: Friends :))

9 1 0
                                    

Grabe naman ang aga aga ng pasok ko. Tapos yung mga kaibigan ko 9:30 pa yung pasok nila, hindi na talaga makatarungan ang mundo T.T..

"Bea may assignment ka?" si Ayen yan bestfriend ko rin since first year High School kami. Naku huwag kayong masyadong lumapit dyan napakasungit kasi eh. Parang parating may dalaw.

"Oo eto oh, haaay naku hindi ka na naman gumawa."

"Sorry ha? Eh kasalanan ko bang may practice ako kahapon? tss."

"oo na ang sungit naman"

"Che!"

Kita nyo na? Ang maldita diba?

Pagkatapos umalis ni Ayen, nakichika muna ako sa mga kaklase ko ng mga trending topics sa campus.

Haaay ang tagal naman ata ni Ma'am, kung alam ko lang na malelate sya sana nakapagbreakfast pa akon :( Ay speaking of Ma'am eto na pala sya.

"Good Morning Class!!!"

"Good Morning Ma'am"

Sya pala si Ms. Sandoval ang hyper naming Science teacher. Sa lahat ng teacher namin siya ang pinakaclose namin. Parang barkada lang kasi namin yan. Fresh graduate kasi siya dito rin mismo sa Montenegro University. Ang bongga niya diba? Turo agad.

By the way Bachelor of Science in Secondary Education pala yung course ko at Mathematics naman yung major ko. Si Ayen BSED rin pero English. Nosebleed nga ako palagi dyan eh.

So ayun inubos ni Ma'am yung 45 minutes sa pagtuturo ng lesson then ang remaining 15 minutes ang nagkaroon kami ng short quiz.

Fast forward naman tayo..

Haaaay salamat lunch na namin. Andito kami ngayon sa canteen kasama ko si Ayen at Sheila. Si Sheila bestfriend rin namin BSED-Filipino yung kinuha niya pero hindi kami magkaklase kasi nahuli syang nakapag enroll kasi nagkasakit sya that time.

"Hey mga magagandang tulad ko :)"

Sya si Cindy bestfriend rin namin kaya lang BEED yung kinaha nyang course kasi mas mahilig yan sa maliliit na bata eh.

Kung nagtatanong kayo kung asan si Ella, 4th year palang kasi siya doon sa school namin dati.  Pero next year dito na sya mag-aaral.

" Uy Bea kamusta na kayo ni Kevin? May improvement na ba ha? ha?ha?"- Cindy

"Haaay naku yan na naman kayo, tigilan nyo na nga kami"

"Sus pakipot pa kayong dalawa"-Sheila

"Heh! tumahimik ka dyan! Palibhasa may Jake ka!"

"Jake na naman? Huwag mo ngang banggitin yung unggoy na yun"-Sheila

"Sus in denial ka pa hahahaha"

"Haaaay naku lalayas na nga yung beauty ko kaimbyerna kayo!"-Sheila

Kami: HAHAHAHAHA PIKON!!!


Haaaay mga kaibigan ko talaga ang gugulo...



My Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon