*Chapter 6: Manlait Day...*

30 1 0
                                    

*Chapter 6: Manlait Day...*

*Bella's POV:*

"asdbaibavidbiabibfdakejdie!!!" tapos na akong magbihis at sa paggayak ng gamit pero nandito ako ngayon sa salas at pinagsasabihan ako tungkol sa nangyari kagabi...

"ALAM MO BANG DELIKADO 'YUN? HAY NAKO ANAK..." hindi na lang ako nagsasalita. Hindi ako marunong sumagot sa magulang ko ehh.

"ekwento mo nga kung ano ang nangyari kagabi? Dali sabihin mo..."

"kasi naman po---"

"DI BA BAWALA SUMAGOT SA MAGULANG?! Ikaw Bella ahh sumosobra ka na! Hindi kita tinuruan ng ganyan..." sabi niya na ikwento ko 'yung kagabi tas bawal sumagot? Ano ba talaga?! Naririndi na rin ako kay mama ahh?

"ANAK, ANO BANG GINAGAWA MO SA BUHAY MO?! GUSTO MO BANG MAPAHAMAK KA---"

"KASI NAMAN PO NAY INUTUSAN NIYO PO AKO SA DIS ORAS NG GABI EHH SINABI KO PO SA INYO NA BUKAS NA LANG DAHIL DELIKADO NA SA LABAS EH SA PINILIT NIYO PO AKO KASI TINATAMAD KA KAYA SINUNOD KO NA LANG. MASUNURIN NAMAN AKONG BATA EHH..." sabi ko kay mama ng mahinahon. Iyan nanahimik na, 'di ba tama ako? Hindi naman ako sumasagot sinasabi ko lang naman ang totoo ehh...

"a-ayyy ako pala ang dahilan, hehe sorry anak ahh? Emergency rin naman na 'yun tungkol sa paggawa ng bahay at sa pagkamusta naman na papa mo. Pagpasensyahan mo na si nanay mo ehh tumatanda na. Sige na pumasok ka na sa school at baka malate ka..." tinulak ako palabas ni nanay na akala mo na pinapalayas na ako.

"BABYE ANAK! INGAT KA!" at sinarado na niya ang pinto. Sabi ko sa inyo ehh (=________=)...

Naglalakad na ako ngayon papunta sa school.

"siya ba 'yung nerd transffer students daw?"

"oo siya nga at wow! Nerd nga talaga siya, ang panget kasi pumorma likod pa lang..." ito nanaman ang simula ng araw ko. Sige manlait lang kayo, akala niyo wala akong damdamin dahil mukhang monster ang itsura ko? Well, akala mo lang 'yun! Maraming namamatay sa maling akala 'di ba?

Binilisan ko na lang ang paglakad para hindi ko na marining ang mga napakasakit na *sniff* lait sa buong buhay ko *sniff*. Hahaha ang drama (=____________=).

Nandito na ako sa tapat ng school at papasok na...

Nagulat na lang ako na ang dami tao na nakaabang, okay anong meron???

Daan na lang ako sa gitna at magmomodel at sasabihin ko sa kanila na, "excuse me, dadaan aktchi ang magandang prinsesalalu!" at kakaway kaway sa kanila at pumalak sila ng bongang bonga at sisigaw ng "MAHAL NAMING PRINSESA! MABUHAY KAYO!!!"

Pero syempre joke lang 'yun, ito talaga ang totoong nangyari...

Dumaan ako sa gilid at nakita kong lahat sila, oo lahat sila nakatingin sakin at nagbubulungan. Talaga bang ito ba talaga ang ginagawa nila sa bagong tranffer student???

"siya na ba 'yan? Ang tranffer student? Kasi ngayon ko lang siya nakita dito ehh..."

"oo friend siya nga. Dapat siyang palayasin dito, kasi pagnakita siya ng ibang school na may nerd dito mamaliitin tayo nito. Nako! Ayoko pa naman nun..." edi ayaw mo! Hinding hindi niyo ako mapapalayas dito 'noh? There is no way you will throw me somewhere! Haha wow umeenglish!

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad, bahala sila manghusga sa itsura ko. Problema na nila 'yun kung bakit merong nerd dito sa school nila, as if I care ehh dito ako pinagaral ng paps ko kaya wala kayong magagawa kundi manatili na lang dyan sa tabi at hayaan na lang akong na mamayapa dito ng katahimikan.

*They Are Meant To Be* [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon