*Chapter 9: Accident Position*

25 1 1
                                    

*Chapter 9: Accident Position*

*Bella's POV:*

"haaay relife, nakapagbawas na rin..." lumabas na ako sa CR at pumunta sa table namin pero nakita ko na wala si Tyuu at Shielly dun.

"saan 'yung dalawa?"

"ayun, may pag-uusapan yata privately ehh..."

"okay mauna na ako sa inyo..." kinuha ko ang bag ko at lumabas na sa canteen.

"Jerick pasa mo dito!"

Napadaan ako sa soccer field na may naglalaro, nasa building 3 kasi 'yung canteen ehh nasa building 2 ang room ko kaya nadadaan ko.

"ako na magbubuhat sa kanya..."

Hala ano 'yun? Ba't parang may nagsalita sa isip ko? Oo nga pala, sino kayang Ericho na nakanumber 10 na tumingin sakin na akala na maganda ako. Hindi naman yata siya 'yun dahil imposible ngang tumulong 'yun sa isang tulad ko ano?

Umikot ang tingin ko sa field at nahagip ng tingin ko ang isang lalaki na naka number 10 ang nakalagay sa t-shirt niyang pang-soccer. 'Di ba siya daw yung nagbuhat sakin? Hindi ko kasi makita ang mukha niya nun dahil sa sikat ng araw ehh..

"Ericho dito naman!" sinipa nung nakanumber 10 dun sa isang lalaki at nagoal.

"ang galing ko talaga 'di ba Echo?"

"(=__________=)"

"ano ba 'yan ang sarap mo talagang kausap ehh..." tas tumakbo na siya palayo kay number 10. Si Ericho pala 'yun, kamusta kaya ang lagay niya ngayon nung tinulungan ko siya ano?

Si Ericho...

Eric---

O_____O!!!

SI ERICHO 'YUNG NAKANUMBER 10?! SIYA BA 'YUNG NAGBUHAT SAKIN?! AS IN SIYA? TALAGANG SIYA?! Kung siya nga 'yung nagbuhat sakin, bakit niya ako tinulungan? 'Di bale na lang, magpapasalamat na lang ako sa kanya sa pagtulong niya sakin.

"*TRUUUUUUUUUT!!!* OKAY BREAK MUNA TAYO!" sakto may pagkakataon na.

Umupo siya isa sa mga bleachers at nagpupunas ng pawis at umiinom ng tubig pero may pagkahot tignan ahh? ANO DAW SABI KO!? PWEH! Kung ano ano na tuloy pumapasok sa isip ko, kasi naman ehh kinakabahan ako kahit magsosorry lang ako sa kanya.

Lumapit ako sa kanya, "h-hello..."

Tumingin siya sakin pero dinedma niya lang ako. Okay bastos yata 'yun ahh, kinakausapko nga ehh (=________=).

"kamusta na 'yang ulo mo? Magaling na ba?" dedma pa rin siya. Ano ba! Parang wala naman akong kausap ehhh...

Umupo na lang ako sa tabi niya, "s-salamat nga pala sa pagtulong mo sakin kanina..." tas tumingin siya sakin ng sobrang seryoso. M-may sinabi ba akong mali? Nagpapasalamat nga lang ako ehh.

"why are you talking to me? Wala akong pake sa sorry mo kaya pwede bang umalis ka na?!" sabi niya ng walang expression. Ang rude naman, nagpapasalamat lang naman ehhh. Basta magpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil sa pagtulong niya sakin. Libre ko na lang siya ng pagkain kaya, oo tama! Bibilhan ko na nga lang siya para sa thank you ko. Ngayon lang kasi may ganung tumulong sakin kahit ganito ang itsura ko.

"hindi ako papayag, dapat may magawa ako para sayo sa pagtulong mo sakin..." nabigla ako nung lumingon siya sakin at sobrang seryoso ang mukha niya at nakakunot ang mukha niya. Naman ehhh nakakatakot ang itsura niya ngayon.

*They Are Meant To Be* [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon