Star 1

3 0 0
                                    

"Oy, mga bakla, kain na tayo." Sabi ko kina Mao.

"Saglit lang, last game na to." Sagot niya ng nakatutok padin yung atensyon sa nagbabasketball dito. Liga ata? Tae wala naman akong alam.

"Ehhh. Gutom na koooo. Geloooo, kain na tayooo." Sabi ko naman kay Gelo.

Grabe nagugutom na ko! Hindi manlang ba nila ko yayayain kumain? Uunahin pa nila yang basketball na yan!

"Tara na nga, mauna na tayo sa kanila." Hila sakin ni anthony..

Eeeh wag kayong magulo hinawakan niya yung kamay ko! Kinikilig ako, wag kayong magulo! Wag nga kasi, anuba y--

"Oy bata! Ano ba? Kakain o kakain?"

Tae kasasabi ko lang wag magulo eh.

"Oo na teka, kukuha lang akong pagkain." Tapos naglakad na ko palayo sa kanya...

Umuwi na ko sa bahay ng nakangiti para kumuha ng pagkain ng nakangiti tsaka ako pumunta sa clubhouse ng nakangiti.

Dito kami kumakain eh. Haha wala namang tao dito, kami lang.

Kumain na kaming dalawa na parang walang bukas...

"Yumi nakapagenroll ka na?" anthony

"Di pa eh."

"Ha? Eh kelan mo balak?"

Dalawang linggo nalang kasi, pasukan na. Di pa ko nageenroll. Wala, eh. Batugan tatay ko, nakuha pang magbakasyon ng isang linggo sa ibang bansa. Sarap tuktukan eh

"Next week pa, pag dating ni daddy."

"Nako maghahabol ka nanaman." anthony

"Eh ano pa ba?"

Napailing nalang kaming dalawa.. Oo kaming dalawa, sabay pa. See? Ganyan kami kameant to be.

Joke lang. Kuya ko yan. Lahat naman sila kuya ko.

Kung napapansin niyo, lahat ng kaibigan ko lalake... Wala lang.

Bakit, ang saya kaya? Ang dami kong kuya. Tsaka may kaibigan naman akong babae eh, mga bffs, luvies chuchu. Sa school ngalang.

Mahirap kasi pakisamahan yung mga babae...

Ang hirap mafigure out.

Ang aarte.

Ang bipolar...

"Hoy Yumi. Pagkain yan. Maghulus dili ka, ayaw ko pang maging kriminal ka." Saway sakin ni anthony.

"Ang OA? Patay naman na yung manok."

Tss, kinawawa ko kasi yung chicken.

Well, diba ganun mga babae? Ganun din ako eh. Hahahaha. Kaya nga alam kong nakakainis yung gantong ugali kaya ayoko samin. Haha.

"Sure na ba yung date ng pasukan? Wala ng urungan?" anthony

"Batugan ka talaga. Naeexcite na nga akong makita yung teacher nating gwapo eh. Hahahaha. Oy kahit mahirap ang social tinitiis ko dahil sa gwapong teacher naten."

"Hay nako ayan nanaman siya..." anthony

"Inaano kita?!"

"Nagseselos kasi yan.." Biglang sulpot ni Mao.

Osee, nagseselos daw?! Kinikilig ako!!

"Oy asa, ako?!"

"O'bakit, hindi?" Hirit naman ni gelo. Ano ba yang si gelo oh, nagpapakanega eh!

"Hindi na no. Di bale nalang."

Aray.

"Awstuuuu!!" Sabay na sabi ni Mao at Gelo ng nakatingin sakin. -_- Nakakainis tong mga to!

"Wag niyo ngang trip si Yumi. Umiyak pa yang bata natin." Aba!! Tss. Bata nanaman.

Ska bakit ako iiyak?! Asa naman!!!

Siya, iiyakan ko?!!!! NEVER!!

"Ba't ako iiyak? Wag nga ako, anthony. Iba nalang." Tapos niligpit ko na yung kinainan ko tapos naglakad na palayo sakanila.

Hindi ko kasi alam, pero bigla nalang tumulo yung luha ko. Pinunasan ko naman yun agad kasi baka biglang may makakita sakin. Paguwi ko, natulog na ko agad.

~ ★ ~

Spread the love ★$

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon