Star 2

3 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga naman talaga akong nagigising. Nagugutom ako eh.

"Yaya nagluto na po si Ate Kesha ng breakfast?" Tanong ko kay yaya na nasa kitchen. Di ko kapatid si ate kesha, ah? Tagaluto namin yan. Only child lang ako.

"Ah, oo, Naomi. Maupo ka na dun sa dining at dadalhan kita ng pagkain."

Ginawa ko naman yung sinabi niya at nagantay.

Tagallll.

"Yayaaa. Gutom na kooo."

"Eto na Naomiii."

Kelangan ko pa pala ngumuwa ng ganon? Hahahaha. Bastos tong si yaya ah. Haha.

"Salamat po."

At kumain na ko na parang walang bukas...

Anubayan naiisip ko padin yung nangyari kagabi. Hay nako, Yumi!!!

*kriiing kriiing*

Agad kong sinagot yung tawag kahit di ko pa nakikita kunsino. Haha. Bakit ba, nagulat ako eh. Hahahaha.

(Oy, Yumi)

Si anthony lang pala. Okay, act normal.

"Oh anong kelangan mo?"

(Galit ka ba?)

"Di ah. Ba't naman ako magagalit? Sorry pala umuwi ako agad kagabi. Inantok ako bigla eh."

Okay, that was a lie.

(Ah okay lang. Kala ko lang galit ka. Anong ginagawa mo?)

"Kumakain."

(Kaya ka tumataba eh! Sinong kasama mo?) Ano ba to bigla biglang sumisigaw. Jusko 7am palang, tulog pa kaluluwa ko!!

"Ako lang magisa..... HOY!! Teka anong sabi mo?! Hindi ako tumataba ha!!"

(Sus. Wag ka ngang sumigaw. Taba mo na kaya! Punta ko jan ah)

"Hindi nama--!!!"

*call ended*

UGGGHHHHJABAUISOBEBXUA!!!

"Yaya!!!"

"Oh. Naomi anong nangyari sayo? Aga aga ah?"

"Yaya, tumataba ba koooo?" Tanong ko with matching pout huhu

"Nagkakalaman lang nak, bakit?"

"Ehh!!! Yaya anong gagawin ko?? Ayoko tumaba!!!" sagot ko

"Ay nako ikaw bata ka. Di ka kasi nageexercise eh.. Subukan mo magexercise, ganun.."

"Ehh nakakapagod naman yun eh..." sagot ko nanaman ng nakapout

"Alin ang nakakapagod? Tutulungan na kita?"

"Ay kalabaw na green! Bat ambilis mo naman?!"

Pano eh biglang sumulpot si anthony..

"Eh ano naman? Dali, ano ba yun, tutulungan na kita."

"A-ah. Wala yun, w-wala lang."

Tumingin ako kay yaya at nagwag kang maingay look. Ngumiti lang siya at

"Kukuha ko lang kayo ng pagkain, sir anthony." Nagpaalam na.

"Salamat po." Sabay tingin saken, "Oy! Andaya!! Ano yun???"

"Secret na yun! Wag ka ngang sumiksik dito sa upuan ko! Andaming upuan jan oh!"

"Ang aga aga ang sungit mo!"

"Panira ka ng umaga eh!"

"Awtsu awtsu!" Tapos pahawak hawak pa siya sa chest niya. Huhu kairita tong hayup na to.

"Tigilan mo nga ko kumakain ako." Tapos kumain nalang ako uli.

"Di ko alam kung kain baboy yan oh anong klase ng pagkain yan eh. Walangya. Gutom lang masyado?"

"HOY PWEDE BA WAG KANG NANGENGEALAM." Tapos inirapan ko lang siya.. Azar!!

"Haha, biro lang. Galit agad Yumi ko." Ano daw!!

Yumi.. yumi ko daw!! Ay pucha with matching kindat pa!

Feeling ko mahihimatay ako dito eh!!!

Pero syempre di ko pinahalata no.

"Yuck kadiri ka. Di moko pagmamayari baka gusto mong tuktukan kita jan." Casual kong sabi sabay tutok ng atensyon ko sa pagkain ko..

"Kadiri daw tapos namumula ka jan?!"

"Sadyang biniyayaan lang ako ng rosy cheeks no! Tigilan mo nga ko!!!"

"Sabi mo eh. Ayan na breakfast ko. Salamat Yaya Gina." Tss.

"Makikikain ka lang pala dito, sus."

"Bakit, ano bang inaasahan mo?" Tapos nag tsktsktsk pa kala mo may ginawa akong masama! Kaimbyerna tong lalakeng to!

"Wala! Ewan ko sayo. Busog na ko. Akyat lang ako. Pumunta ka sa kwarto ko kung gusto mo" Tapos umakyat na ko dala dala yung milo kong napakalamig at napakasarap.

Oopssss, wala kaming gagawing masama sa kwarto, ah. Ganun lang talaga kami. Kahit sino naman sa kanila nina Mao at Gelo. Madalas kasi talagang sa kwarto kami nagfofoodtrip at nagexbox.

[A/N: Oh e bat ang defensive mo?]

Hindi naman eh! Mageenjoy lang naman talaga kami sa kwarto ko! Epal talaga si author oh.

Sa laki ba naman ng kwarto ko, sinong di mageenjoy? Kalahati ng 2nd floor sakop ko no. Ang kalahati naman, walk in closet ko.

Sabi ko sainyo nakakairita mga babae eh. Andaming ek ek. Hahaha. Wala eh, maganda eh. Haha.

Sa 3rd floor naman, sakop ni daddy lahat yun. Bedroom, library, office ewan ko sakanya. Tapos sa 4th floor ang rooftop.

Oh kitams? Kaya mahal ko yung tatlong ugok na yun kasi sila lang panggulo ng buhay ko. Hahaha. Si daddy lang kasi ska yung mga katulong kasama ko dito sa bahay.

"Yumi!!! *toktok* Buksan moooo!!!"

~ ★ ~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon