Limos (Short Story)

1.7K 16 8
                                    

Wooooot! Long time no post, guysssssss! Yes, mabagal po talaga akong magsulat at mag-update. Sorry! So anyway, I thought of this story while looking at a pro-RH Bill poster. Leave your comments, suggestions, and violent reactions below! Thanks!

----

Pagkakain ng agahan (dalawang pirasong pan de sal) ay lumabas na ako ng bahay. Umalis na sina tatay, nanay, at Kuya Kiko para kumayod. Si Ate Sherry naman pumasok na sa eskwela. Kami nalang ni Ate Patty ang nandoon tapos hindi ko pa siya makausap kasi sobrang busy siya katetext. Sabi niya pinahiram daw iyon ng kaklase niya sa kanya.

                Nakita ko si Kuya Gardong nakatambay sa sari-sari store habang kausap ang mga katropa niya. Nang lalapitan ko siya sinenyasan niya akong umalis. Gusto ko lang naman magpabili ng isang chocnut.  Si Kuya Ismael naman puro matatanda at matataba ang kasama. Hanga ako kay kuya kasi nagtatrabaho siya bilang delivery boy dun sa mga bundat para may pantulong sa bahay. Sabi ko nga sa kanya isama ako kaso delikado daw ang pagiging delivery boy.

                Nagpunta ako sa plaza para maghanap ng kalaro pero wala pang ibang bata doon kaya pinuntahan ko muna si Kuya Ned doon sa simbahan. Doon kasi ang pwesto niya ngayon para mamalimos.

                “Anong ginagawa mo dito, Toto?” tanong sa’kin ni kuya nang lapitan ko siya.

                “Wala pa akong mahanap na kalaro kaya pinuntahan muna kita.” Hinila niya ako sa tabi niya dahil labasan na ng tao sa simbahan at baka mabunggo ako.

                “Diyan ka muna, mamamalimos ako.” Kinuha niya ang lata at nilapitan ang ilang tao. Nang maubos ang tao, bumalik siya sa tabi ko. Walang laman ang lata niya nang sinilip ko.

                “Kuya, bakit wala?” ngiti lang ang sagot niya sa’kin.

                “Sabi nila matanda na daw ako para mamalimos. Ang laki daw ng katawan ko, dapat magtrabaho maghanap ako ng trabaho. ” napansin ko ang mga mata ni kuya, nangingislap. “Kaso mahirap maghanap ng trabaho kapag wala kang pinag-aralan.” Iniwan na ako ni kuya dahil lumipat na siya ng pwesto. Ako naman, naghanap ng lata. Bata pa ako, bibigyan ako ng limos.

                Doon ako pumwesto sa tapat ng simbahan. Napapangiti ako tuwing naririnig ko ang pagkalansing ng mga baryang hinuhulog nila sa lata ko. Maya-maya, nakita ko na ang mga kalaro kong sina Kaloy. Naglaro kami ng habulan at tagu-taguan sa paligid ng plaza. Nang magtanghali, bibili daw muna sila ng panawid gutom, ako naman umuwi muna para kumain. Pagbalik ko, nakita ko silang may hawak na supot na may laman na hindi ko alam kung ano. Nahilo ako nang maamoy ko. Sabi nila rugby daw ‘yun. Pampawala daw ng gutom. Nakahingi din sila ng kaunting kanin at adobo doon sa manong sa karinderya.

***

Parang ang gaan ng pakiramdam ko nang pauwi ako ng bahay. Nakarinig ako ng mga nagbabatuhang gamit. Kinabahan ako bigla umuwi dahil galit si nanay. Sina Kaloy kasi, pinilit akong samahan sila. Heto tuloy, ginabi ako.

Sumilip muna ako mula sa labas ng bintana na gawa sa pinagtagpi-tagping tabla. Muntik pa akong mapasigaw dahil nakalmot ako ng nakausling pako sa gilid. Nagkalat ang mga gamit sa loob ng bahay. Si Ate Sherry umiiyak habang si nanay ay namumula na sa galit.

“Puny*ta ka! Alam mo ba kung gaano kahirap tustusan ang gastos mo sa eskwelahan tapos ngayon sasabihin mo hindi ka nagpapapasok dahil buntis ka pala?!” pinigilan ng mga kapatid ko si nanay na sugurin si ate pero naabot parin siya ng sampal. “L*tse! Kung alam ko lang, sana si Kiko nalang ang pinagtapos namin!”

Hingal si ate at nanlilisik ang mata kay nanay. “Ikaw rin naman nabuntis din sa pagkadalaga, hindi ba? Tapos ngayon nagagalit ka sa’kin?”

“Hayop kang bata ka! Magsama kayo ng kalandian mo! Layas!” kumawala si nanay sa kapit ng mga kapatid ko at lumabas ng bahay. “Bwisit na buhay ‘to, oh! Makapag-bingo nga pampalamig!” Huminto siya nang makita akong nakasilip sa bintana. Kumabog ang dibdib ko. “Andiyan ka lang palang g*gu ka! Sinong nagsabi sayong pwede kang magpagabi? Hala, pasok!” narinig ko pa ang pagpalatak ni nanay ng, “Iyong si Nestor kaya nasaan? Nambabae na naman kaya? Naku! Lintik na buhay ‘to. Pwe!”

Wala akong naintindihan sa sinabi ni nanay kaya natawa nalang ako habang papasok. Nagpunta ako sa kusina para tumingin kung may pagkain na. Kaninang umaga pa ang huli kong kain pero parang hindi ko ramdam ang gutom.

Bago ako matulog noong gabing iyon, narinig ko si Kuya Ned, “Sabi nila mas marami, mas masaya. Pero... parang hindi naman.”

Limos (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon