*THREE DAYS BEFORE THE WEDDING*

962 24 1
                                    

*THREE DAYS BEFORE THE WEDDING*

THIRD PERSON’s POV

Umiinom si Ej sa condo nito kasama ang barkada. Kanina pa ito walang kibo. Iniisip kasi nito ang mga sinabi kay Chocola. Nagkamali ba siya? Wala naman siyang gusting ipatindi dito kundi okay lang sa kaniya na kahit pa hindi ito marunong sa kahit na anong bagay, mamahalin niya pa rin ito.

Pero bakit hindi nito iyon maintindihan?

Bakit ba gustong-gusto nitong maging dakilang maybahay?

Kahit naman kasi wala na ang mga bagay na iyon, For him, she was great. Kahit hindi ito marunong magluto, maglinis, maglaba at mag-ayos ng bahay. Okay lang. Wala naman siyang pakialam. Mahal niya ito. At pag mahal mo ang isang tao, kahit ang mga kamalian niya, mamahalin mo.

But Chocola was too blind to see that T_T

“Cheer up Bro.” ani ni Jm na kakabalik lang din galing sa Canada. Bumalik lang ito para saksihan ang nalalapit na kasal ng kapatid at para gumawa na rin ng wedding cake of the year.

“Dapat sinasabi mo din yan sa sarili mo e, Kasi nandito si Sandra. Ayiee.. Mukhang naka-move on na siya kay Ej ah. E ikaw?” Pang-aasar ni Keith.

“Nagmove on na rin ako no! At saka hindi ako umuwi para kay Sandra. I’m going back to Canada after Ej’s wedding.” Depensa naman ni Jm.

“Pero ayos na ang branch natin dun ah..” Si Andrei.

“Hehee. Mas malamig kasi dun kaysa dito.”

“Asus! May babae ka dun no?” Si Xander.

“Babae? Wala no! I’m in the state of moving on. So I don’t have time to flirt.”

“Loko-loko! Sabi mo kanina nakamove on kana tapos ngayon, in the state of moving on ka na? Anu yun? Gulo pre!” si Keith.

“E bakit ikaw? Nakamove on ka na ba sa prinsesa mo?” Pang-aasar din ni Jm na ang tinutukoy ay si Ella.

“MATAGAL NA NO! huwag mo akong itulad sayo!”

“Muling ibalika ang tamis ng pag-ibig.” Si Xander na kinanta pa iyon. Napasimangot naman si Keith.

“Hey guys, were not here for your love stories. We’re here for Ej.” Awat naman sa kanila ni Andrei.

Natahimik ang magkakaibigan. Kanina pa kasi walang imik si Ej. Hindi nila alam kung lasing na ito o nakikinig lang sa kanila o wala ito sa mood makipag-usap o yung tatlong yun.

Ej smile at them. “My wedding is cancelled.”

Napa-iling ang apat. Lasing na kasi si Ej. Base na rin sa pagsasalita nito.

“Ano bang ginawa kong mali? I just want her to be herself. I don’t want her to act like that, alam ko namang nahihirapan na siya lalo na pag napapag-usapan na magaling magluto si Mommy, o kaya ang mommy niya. And that they were a great wife. And she thinks of herself a failure.” Himutok nito.

Nakinig naman ang apat. Eto na lang kasi ang magagawa nila ngayon para sa kaibigan.

“I want her to think that she will be a great wife too. That no matter what, I will still love her. That no matter how bad she designs our house, no matter how badly she is in cooking, no matter how worst she is as a wife.. I don’t care. I will says she’s great and that I love her.. No matter what.”

“So ano pang hinihintay mo dear brother?? Puntahan mo na siya.” Si Jm.

Binatukan naman ni Keith si Jm.

“What was that for?” Tanong ni Jm na hinihimas-himas ang parte ng ulo na binatukan ni keith. Medyo masakit din kasi iyon.

“Pupunta siya nang ganyan ang itsura? Kita mo naman..” Tinuro pa si Ej. “Lasing pa siya. Maniniwala kaya si Chocola sa ganyang itsura?”

“On second thought, tama si Keith. If you want to sue her—“

“SUE HER? Andrei naman. Wala tayo sa korte.” Si Xander.

“Ay.. Sorry naman. As I was saying, ipagpabukas na lang natin. Mas maganda kung paghahandaan natin tong mabuti. At isa pa, kung hindi matutuloy ang kasal nyo… Sayang naman ang mga gastos niyo. At sayang ang ibabayad niyo sa Love café. Kita din yun no!” Ang Love café kasi ang magsisilbi sa reception.

*PloK* (Three times!)

“AWW! Bakit niyo ako sinapok? Ang sakit ahh!”

“Alam mo Ej, may kilala akong sikat na restaurant e. mas makakamura ka dun. Huwag ka na sa Love café humingi ng serbisyo. Sakim ang boss dun.” Bulong ni Keith kay Ej pero dinig naman ng mga ito ang ibinulong nito.

“Oo, ako din may alam. Kung ako sayo lumipat ka na lang. May discount pa yung kilala kong restaurant.” Si Jm.

“May extra service naman yung kilala ko.  Sa kanila na ang hotel para sa golden night niyo ni Chocola. Ano payag ka?” Si Xander.

“HEP HEP! Ano yan? Binabackstab niyo ang Love café?” Si Andrei.

“Hindi no.”

“Hindi. Ikaw naman..”

“Yung may-ari lang..”

-____- Si Andrei. “OO na. Ej, ituloy mo yang kasal mo! Sayang at libre na libre pa naman ang Love café. Lahat ng gastos, babayaran ng tatlong to.”

Napamaang naman ang tatlo. Pero nagkatawanan din.

“Mga baliw talaga kayo..” Si Ej. Lasing na siya pero nakikinig naman siya sa usapan ng mga kaibigan. “Pwede niyo ba akong tulungan bukas? Gusto ko din namang matuloy ang kasalan na ito. Pwede ba yun?”

Umakbay si Jm sa kapatid. “Naman! Pwedeng-pwede.”

Umakbay din si Keith. “Ikaw pa. Malakas ka sa amin e.”

Andrei pat him. “Don’t worry. Everything will be alright.”

“Group hug!” Si Xander at nagyakapan silang lima.

You're My Chocolate (Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon