*FOUR DAYS BEFORE THE WEDDING*

1K 28 1
                                    

*FOUR DAYS BEFORE THE WEDDING*

 

THIRD PERSON’s POV

Iyak lang ng iyak si Chocola nang maka-uwi ito sa condo nito. Ang sama-sama ng loob niya. Hindi naman niya sinasadya ang mga salitang nabitawan pero ang sabihin iyon ni Ej sa kaniya..

It was hurt like hell!

Pero siya naman ang may kasalanan. She provoked him to say that. But why didn’t he understand her? She just want to be useful to him. She just want to be a good and great wife to him. Masama na ba iyon?

Tama naman yung mga sinasabi sa libro. Hindi siya magaling magluto. Laging palpak ang mga ginagawa niya. Oo, tinatawanan lang iyon ni Ej pero nakakahiya sa part niya. It was like that she was no good to him.

Yun ang pakiramdam niya. Lalo na nang nagkwekwento sila tungkol kay Ej. Ang galing-galing nitong magluto. Na halos lahat nang babaeng nagkakagusto dito, ginagalingan din ang pagluluto para mapansin din ni Ej.

And she feels insecure by that thought.

She will be wed with him in four days time but.. Oh no! What will she tell him?

Siya na naman ba ang susuyo dito? NO! babae siya! Dapat siya ang sinusuyo!

Hindi na nga kaya nito gustong makasal sila?

 

 

 

“Huh? Ako hindi magaling? Baka ikaw ang hindi talaga marunong! Kababae mong tao, hindi ka marunong magluto!”

ARGH! Naalala niya na naman iyon. Ang mga binitiwang salita ni Ej. Oo na! hindi siya marunong magluto! Aba, e may kusinero naman kasi sila! Oo na, hindi siya marunong mag-ayos ng bahay! Meron naman kasi siyang binabayarang interior designer! Oo na, hindi siya marunong maglaba! Meron naman kasing mga laundry shop. Oo na, hindi siya marunong maglinis nang bahay, Meron naman kasing housekeeper!

OO na, She is a failure as a wife!

Bakit ba kasi sila nag-away? Dahil lang sa librong binabasa niya? Dahil ayaw nitong magbasa siya nang ganoon? Hindi ba nito alam na ginagawa niya lang yun para dito? Para maipakita niya naman dito na gustong-gusto niyang matuto para maipagmalaki siya nito.

You're My Chocolate (Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon