Chapter 1

74 3 1
                                    

"Nay, nakaalis na po ba sila mommy?" Tanong ni Anna sakanyang Nanay Lucy na matagal na nilang kasambahay.

"Oo anak. Bakit? Pupuntahan mo na naman ba si Robin? Ay nakung bata ka, tigil-tigilan mo na yang pagsunod sunod mo sa kuya Robin mo ah. Masyado kapang bata. Tapusin mo muna yang pag-aaral mo." Mahabang sermon sakanya ng kanyang Nanay Lucy.

"Nay naman eh, crush lang naman po. Atska nag-aaral po ako ng mabuti. Gusto ko lang naman po talaga syang makita ngayon. Tapos, uuwi narin po ako kaagad." Agad niyang sabi habang nagliligpit siya ng kanyang pinaghigaan.

Napalaki ng mabuti at mapagmahal na bata si Anna dahil iyon ang turo sakanya ng kanyang mga magulang. Kahit na mayaman sila, tinuruan siya kung papaano maging responsable sa kaayusan ng bahay lalo na sakanyang kwarto. Kahit na may katulong sila, siya parin ang nagliligpit at nag-aayos ng kanyang kwarto at kung minsan ay naghuhugas ng mga pinggan.

"Osige. Basta uwi karin kaagad ah? Baka mapagalitan ako ng mommy mo. Alam mo namang ayaw niya sa lalaking iyon." Medyo galit na sabi sakanya ng nanay lucy.

"Thank you 'nay! Uuwi po ako agad. Promise po 'yan." Magiliw na sagot naman niya.
Alam naman niyang ayaw ng kanyang mga magulang kay Robin. Kaya nga minsan, tumatakas siya para makita niya si Robin. Hindi rin naman kasi kalayuan ang bahay ni Robin. Isang kanto lang ang layo mula sa kanilang bahay. Si Robin kasi ay isang tipo ng lalaki na walang kaseryo-seryoso sa buhay.

Ngunit may dalawang palapag itong apartment na siyang kanyang pinagkakakitaan. Kung minsan ay nagmomodelo ito.
Pero pagdating sa mga babae, masiyado siyang matinik. Iba-ibang babae ang ikinakama niya gabi-gabi. At alam iyon ni Anna. Dahil tuwing napapadaan siya sa bahay ng binata ay nakikita niya itong may kasamang babaeng sexy kung manamit, iyong tipo na luluwa na ung kaluluwa sa sobrang ikli ng damit. Kabaliktaran sa katauhan ni Anna. Isang simpleng dalagita lamang si Anna. Sa edad na dise-sais anyos, marami nang nabighani sa kagandahan ni Anna. Hindi mahahalatang dise-sais anyos lang siya dahil malaking bulas siya kumpara sa mga kaedaran niyang mga babae.

-

"Ang tagal naman niya." Naiinip na sabi ni Anna habang nakaupo sa labas ng bahay ni Robin. Ngunit kahit gaano man siyang katagal na mag'antay, napapalitan iyon ng saya tuwing nakikita niya ang binata.

Sampung taon ang agwat ng edad nila ni Robin. Ngunit hindi iyon alintana upang hindi niya magustuhan ang binata. Napakagwapo naman kasi ni Robin. Lalaking-lalaki ang dating. Kahit na sinong babae ay magkakagusto sakanya. At iyon ang ikinakainis ni Anna.

"Robin!" Tawag niya sa binata nang sa wakas ay nakita niya narin ito. Ngunit nadismaya siya ng makita niya itong may kasama na namang ibang babae. Maputing dalaga na napaka'iksi ng short at kita na ang dibdib nito sa suot na sleeveless na sando.

"Robin, para sayo nga pala. Ako nagbake niyan!" Masayang sabi niya kahit na may kasama itong babae.
Nagbake kasi siya ng Red Velvet Cookies.

"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ko na sayo na tigilan mo na 'ko diba?!" Pabulyaw na sabi sakanya ni Robin. Pagkatapos niyang sabihin yon ay nilagpasan na niya ang dalagita.

"Teka lang Robin.. Gusto lang naman kitang makita eh. At gusto ko lang ibigay to sayo." Sabay abot niya sa cookies.

"At sino na naman ba yang kasama mong babae?" Sabay irap niya sa babae. Naiinis kasi siya kay Robin. Kung sino-sino ang pinapatulan. Hindi naman kasi ito maganda. Katawan lang naman ang maganda dito.

"Hoy ikaw! Bitawan mo nga si Robin!" Sabay hatak niya kay Robin papunta sakanya. Palaban kasi siyang babae. Kahit na menor de edad pa lang siya, 'yan ang maipagmamalaki niya sa sarili niya.

"Hoy karing bata ka! Akala mo kung sino ka. Ke-bata bata mo pa ang landi-landi mo na? Ano? Akala mo gusto ka ni Robin? Hindi siya pumapatos sa bata!" Sabi ng babae sakanya.

"Ako? Ako pa ang malandi? Hindi mo ba nakiki-" hindi pa natatapos niyang sabi ng,

"P*ta! Di ba kayo titigil?" Galit niyang sabi.

"Ikaw babae ka! Umuwi kana. Tapos na ko sayo." Sabi niya sa babaeng haliparot. Hindi na kasi nito matandaan ang pangalan ng babae.

"At ikaw.." Sabay tingin kay Anna. "Sumama ka sakin." At hinatak ito papasok sa kanyang bahay.

--
Sana may sumubaybay nito. Godbless.

_PureBeauty5

Akin Ka Nalang..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon