Chapter 1

11 0 0
                                    

Nakakabingi ang Katahimikan habang inaantay sya dito sa park di kalayuan sa kanilang bahay.

Almost 7:00 na pala ganitong time sya nauwi e.

Ngayon lang kasi ako makakabawi sa kanya Medyo naging busy kasi ako etong dumating na mga buwan.

Finals kasi namin sana maintindihan nya. ngayong lang kase natapos ang lahat ng mga problem ko sa school. Kaya ngayon ko lang mabibigay ang buong time ko sa kanya.

Medyo ramdam ko na sa kanyang nagbabago sya. Nanlalamig, Naiwas na, Wala ng time.

Binilan ko sya ng paboritong flowers nya yung may rose at tulips sana magustuhan nya.

Gusto kong makabawi sa lahat ng pag kukulang ko. Para samin rin naman lahat ng ginagawa ko e.

Almost 2 years na rin kaming mag kasintahan marami na rin kaming pinagdaanan.

Sobrang mahal na mahal ko sya, Hindi ko kayang Mawala pa sya saken. Gagawin ko ang lahat wag lang syang mawala.

..... 7:40 na wala parin sya

Medyo di na ako mapalagay... Nag aalala... Di na maganda yung nararamdaman ko...

Di sya nagrereply sa mga texts ko. Nakailang beses na rin akong tumawag sa kanya pero hindi nya manlang ito sinasagot.

(Nasan na kaya sya? Tanong ko sa sarili ko?)

Maya maya pa ay Nakita ko syang paparating.

Tinawag ko sya (BABY!) wika ko.

Jed: Hi Baby! Imissyou! (Sabay abot ng flowers)

-Pero tila ayaw nya tong tanggapin.. Parang di sya masayang nakita nya ako.

Kate:Jed kelangan nating mag usap...

Jed:About saan baby? bat ganyan itsura mo? d ka ba masayang makita ako?

-Seryoso sya habang nakatitig sakin.... Maya maya pa ay nagsalita sya... Mga salitang Sumira ng kasiyahan ko.. Salitang nagtanggal ng ngiti sa labi ko... Salitang Dumurog ng puso ko...

Kate:Jed ayoko na! Tama na! Di na ako masaya!

-Di ko alam kung ano magiging reaksyon ko... Di ko alam sasabihin ko... Di ko alam ang gagawin ko.... Halos tumulo na luha ko..

Jed:Baby wag ka namang ganyan... Ano ba ginawa ko? Please Pag usapan natin toh. Wag namang pabigla bigla baby!

-Tinignan nya ako sa mata... Maya maya pa ay nag patuloy sya sa pag sasalita.... Mga salitang tumatak sa puso ko.

Kate:Jed naguguluhan na ako sa nararamdaman ko! di na kita mahal!  May ibang tao na akong nagugustuhan nafafall na ako sa kanya jed. Di ko toh sinadya.. Pero nangyare e. Ayokong Lokohin ka! Ayokong Lokohin sarili ko Jed!

-Tuluyan ng tumulo luha ko... Nahihirapan akong huminga d ko alam kung ano isasagot ko sa kanya.

Jed: Baby sorry kung may pag kukulang ako! Alam ko! Pero Baby Handa akong bumawi sayo!

Please! Nag mamakaawa ako wag mo kong iwan! Please Wag ganito! Pagisipan mo! Ayusin natin! Please!

-Habang nakaluhod at nag mamakaawa sa kanya.

Kate: Jed Sorry! Buo na desisyon ko.  Ayoko na talaga! Di na mag babago isip ko!

-Sa pagtalikod nya dun na natapos ang lahat.....

Riiiiiiiiiiiiiinnnnnnngggggg! Riiiiiiiiiiinnnnnnnng! Isang nakakabinging tunog ang gumising saken.

(Nag ring ang alarm clock)

tinignan ko ang orasan...

Alas syete na pala Kelangan ko ng  maghanda para pumasok.

-Ayun nanaman yung panaginip na yun. Matagal na rin. Pero di ko parin mawala sa isip ko. Bakit kaya paulit ulit ko tong napapanaginipan.

------>Chapter II

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon