Part 1

3 0 0
                                    


Chapter 1: just my old friends

=Jen's POV=

First day of school for our third year in this school. Pero naninibago pa rin ako. Maybe hindi ko lang talaga feel itong school kasi pinilit lang naman ako ni daddy mag-aral dito para hindi ako mapalayo sa kanila. At ayaw ko rin ang environment dito, masyadong mahangin. What I mean na mahangin? yung mga students ang mahangin or in other words "mayayabang"


"Jennifer! yuhooo!! any body home"


Bumalik ako sa sarili ko ng pinag kakaway nitong lalaking ito ang kamay sa harap ko. Buti na lang dumating na sya.


"oh, Erwin ikaw pala?"

"Hindi Jen Hologram ko lang ito!"


Finally dumating na rin ang hinihintay ko. Ang aking humble na bestfriend na si Erwin. Haaaay, first day of school late sa usapan namin ehhh hindi naman ito nalalate dati.


"Ano ba yan Erwin ngayon ka lang nalate"

"Sorry naman, ginawa ko lang naman yun inutos mo sa akin"

"Anong utos naman yun?"

"Duhh!! Inutusan mo ako mag cover ng first day of school para sa news ng school natin, remember?"


Namention ko na ba sa inyo na ako ang president ng news club namin? Pero wala akong na aalala na sya ang naka assign sa pagcover ng first day of school. Never mind na nga lang nasimulan na naman nya pati maaasahan naman itong bestfriend ko.


Nagstart na kaming mag lakad papunta sa bulletin board para tingnan ang class namin. Sana magkasama na kami ni Erwin sa klase para sumaya naman buhay ko sa classroom


"Oh, Erwin ireport mo agad ang top news ngayun huh"

"ok... mag rereport na agad ako ngayun"

"huh? agad-agad? hindi naman excited?"

"Ano ba! lagi namang top news na dito ulit sa school yung magkapatid na yun... hindi kana nasanay"


Napabuntong hininga na lang ako. Kailan ba magsasawa ang mga studyante dito dun sa magkapatid, kakasawa na. Mas famous pa sila kaysa sa anak ng may-ari ng school na walang iba kundi ang humble kong bestfriend na si Erwin


Dumating na kami ni Erwin sa bulletin board para tinngnan ang class namin. One thing na nakakaiba sa school na ito first day palang may sitting arrangement na agad. Hanap hanap hanap hanap... Bingo!! there you are and im in the second seat on the left side, beside of...


"KENDRICK!!!"


Napalingon si Erwin sa akin at tumingin sa paper na tunuturo ko..


"Ui, nice seatmate natin si Kendrick"

"Anong nice doon? pati seatmate natin? mag ka klase tayo?"


Tumango sa akin si Erwin at tinuro yung name nya na nasa right side lang ni Kendrick. Bale ang sitting arrangement ay me, Kendrick, Erwin... Ano ba yan kamalasan pa nga magkasama na nga kami ni Erwin pero may pumagitan pa at higit sa lahat si Kendrick pa ang nasa pagitan

I don't need to be famous. I just need youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon