THE ENCOUNTER

59 8 3
                                    

SHE'S Point of View




Oh gosh! Ang gwapo niya talaga.

Haaay kelan niya kaya ako mapapansin? Ang tagal ko na siyang kilala, ang tagal ko na siyang pangarap, ang tagal ko na siyang pinapantasya, ang tagal na niyang nage-exist sa mundo ko

Pero...

Ako kaya? Kelan kaya ako mage-exist sa mundo niya? Haaay...

"Hoy bakla! Pinagpapantasyahan mo na naman si Delos Reyes, matunaw yan!" Sabay akbay sakin ng kaibigan ko, hays... naman kasi! Bulag ata tong si Xian eh, maganda naman ako, talented at marami ding naghahabol sakin tas siya?? Dedma ang beauty ko?? Kainis! Pasalamat siya at palalabs ko siya kung hindi naku!!

I am Khairee Chan, 16 years old and nagaaral sa Lee Academy, last year ko na sa school na to pero hangang ngayon nganga pa din ang pagibig ko, pano ba naman kasi magkakagusto na nga lang sa Heartrob pa ng campus, Take note: Heartrob that means maraming fan girls. Well aaminin ko na gusto ko siya pero hindi naman ako kagaya ng karamihan sa nagkakagusto sa kanya na lantaran. Basta secret lang ang akin at mga Bff ko lang ang nakakakaalam.

"Hoy, bakla!" Tawag sakin ng kaibigan kong si Regine, tiningnan ko siya na parang nagtatanong pero inirapan lang ako ng gaga.

May sinenyas naman siya gamit ang nguso niya kaya tiningnan ko kung ano, Oh well sino pala.

Agad kong tinaasan ng kilay ang lalaking matangkad, singkit ang mata, may matangos na ilong, at medyo morenong lalaking nasa harapan ko na ngiting-ngiti pero halata namang nininerbyos! Tsk.

"What?" Poker face kong tanong sa kanya, kung si Xian ang kaharap ko ngayon edi sana natuwa ako diba?

"H...Hi Khairee ako nga pala si Niel" sabay abot niya ng kamay sakin para makipagshake hands pero tiningnan ko lang ito at ibinalik ang tingin ko sa kanya, agad naman niya itong ibinaba.

"Ano ngayon? Tsk." Sabay irap ko sa kanya at humakbang na palayo ng may maalala ako.

"Anong Section mo?" Nakatalikod kong tanong sa kanya. Oo, lagi kong tinatanong kung anong section ng mga nagaapproach sakin. Bakit? Secret!

"Tungsten. Bakit?" Tungsten???? Oh myyyyyyy!! Agad ko siyang nilingon at mabilis na nilapitan.

"Talaga?!" Muli kong tanong sa kanya, kahit na naguguluhan ay tumango pa din siya.

Oh right!!!! I Goooooot it!!

Napalingon naman ako kay Regine na nasa likod ko lang pala na natatawa pa at napapailing! Haha alam niya kasi kung bakit.

"Okay, I am Khairee! It is nice meeting you Niel!" Mabilis kong kinuha ang nakababa niyang kamay at Shinake iyon! Okaaaaaay!! Way to go khairee!

Nagexchange numbers kami at ayun na. Madalas na kaming magkatext!

Maybe you're wondering kung anong meron sa section niya, well ang Tungsten ay section lang naman ni Xian Delos Reyes my Labs! Oh yan! Haha naghahanap kasi talaga ako ng mga taga section Tungsten para makasagap ng balita tungkol sa mylabs ko. Alam niyo yun? Yung Gusto mo na makilala pa lalo yung taong gusto niyo kaya kahit Hindi ganun kalaki ang koneksyon ng taong nakilala mo basta kahit papano ay may alam siya tungkol kay Xian ay kakaibiganin ko. Desperate? Oh no my dear, ang ganda kong desperada pag nagkataon.

Days, weeks and months had pass ay mas marami akong nalalaman na impormasyon tungkol kay Xian. Yung favorite color niya, food, tambayan at kung ano ano pa. Nalaman ko din kay Niel na ngayon ay kaibigan ko na, na may nililigawan pala si Xian. Taga section Gold, si Kim Rodriguez isang simply pero magandang babae, of course nasaktan ako pero narealize ko lang na, hello?? Nililigawan pa lang naman, Mag asawa nga nagkakahiwalay yan pa kayang walang dapat ikahiwalay dahil wala pa namang sila. Oha? Ang Positive ko in life.

My Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon