Karen’s PoV
2nd day of school namin ngayon. I'm so excited coz' today yung election ng aming homeroom officers.
"Karen Basta vote mo ko as treasurer" pangangampanya said akin no Ellaine.
"Eh ano pa nga ba magagawa namin eh every year naman ikaw ang nananalo bilang treasurer" sabat ni Sam sa usapan namin ni Elaine.
”Okay class the meeting will please come to order" ma awtoridad na sabi ng adviser namin.
"The nominations for president is now open" pag sisimula ng teacher namin sa election.
"I nominate Kristelle Mae Lodado" sabi ng kaklase ko.
Wala namang bago eh lagi naman si Kristelle yung class president namin at consistent top 1 pa siya.
Marami pang nomination na naganap. So para Hindi kayo malito sasabihin ko na lang sa inyo kung sino sino yung mga nanalo.
President: Kristelle Mae Lodado
Vice President: James Alfred Tinio
Secretary: Samantha Louise Gonzaga
Treasurer: Cristiabelle Marie Macarilay
Business Manager: Karen Joyce Bagaporo
P.R.O.: Mark Dave Mendoza
Ariane Kim LeeSgt at Arms: Pheobe Manarang
Hannah Lim
Caleb Laurence GoMuse: Jellaine Loreign Silvio
Escort: Jabenn Miguel Nicolas
Ellaine's PoV
I can't believe it. Natalo ako bilang treasurer. Nanalo bilang muse na pangalawa sa pinaka mababang posisyon.
"Girl ok lang yan nanalo ka namang muse eh at take note ang escort mo ay si Jabenn" ani Sam na parang mas kinikilig pa kesa sa akin.
"Oo nga naman hindi ka ba natutuwa na ang isang poging nilalang na tulad ko at naging escort mo" ani Jabenn na hindi naman nakatulong upang gumaan ang aking loob.
"Alam mo Jabenn may pickup line ako sayo" ani Sam.
"Ano?" Tanong ni Jabenn. Hala parang excited pa ang mokong.
"Air bender ka ba?" Tanong ni Sam kay Jabenn.
"Bakit?" Hala excited talaga siya.
"Ang hangin mo kasi" bwisit na bwisit na utal ni Sam.
BINABASA MO ANG
One Call Away
Teen FictionI'm only one call away I'll be there to save the day Superman got nothing on me I'm only one call away